Dear ZR,
Lumipas ang mga buwan na ako'y nahihirapan
Nangangamba, natatakot na mawalan ng kaibigan
Pati na rin ng lalaking tangi Kong minahal
Ayoko namang magmukha lang na isang hangal
Na antagonista sa kwento niyong dalawa
Sana maisip mo na may iba pa bukod sa kanya
Mahal na mahal kita katumbas ng aking buhay
Ang mundo mo ay kaya ko ring bigyan ng madaming kulay
Ngunit kahit Anong gawin ko ay siya at siya pa rin
Walang ibang babae ang kaya mong ibigin
Hindi iyan sapat na dahilan
Para ikaw ay aking sukuan
Tandaan mo,
Nandito lang ako
Pag naghiwalay kayo
Love,
MR
--------------
A/N: Credits to missponytale for my book cover... Silent readers hello! Sana ivote nyo kung nagustuhan niyo... Pero kung ayaw niyo Edi next chap na lang! <3
BINABASA MO ANG
Mensaheng Di Masabi (FIN)
PoetryHalina't basahin Ang aking istorya Tungkol sa Hindi masabing mensahe ng dalaga Para sa lalaking unang pag-ibig niya Mga gusto niyang sabihin ngunit hindi magawa.