Mensahe 18

219 25 20
                                        

Dear ZR,

Ilang taon na ng huli kitang nakita

Kay tagal na ng pangyayari ngunit naaalala ko pa

Ang mga pinagdaanang pagsubok

Subalit kailangan ng bigyan ng tuldok

Ang ating pagkikita

Upang ikaw ay mabuhay pa

Sa ngayon hindi ko mapigilang magisip

Ikaw na ba ay naiinip

Na wala ako sa iyong tabi habang ika'y nagaagaw buhay

Ang kaya ko lang ay pagmasdan ang litratong matamlay

Hindi ko na alam kung ikaw ay nakaligtas

Sana lang oo dahil sobra na ang iyong dinanas

Naisip ko kung tayo talaga hanggang sa huli

Dapat akong maghintay at huwag magmadali

"Mahal kita" hindi na masambit sayo ng harapan

Ibinubulong na lang sa hangin habang nandito ako at ika'y nandiyan

Love,

MR

Mensaheng Di Masabi (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon