Dear ZR,
Ako'y papunta ngayon sa iyo upang magdiwang
Ngunit imbis na makarating ng maaga ay nabigo lamang
May isang makisig na muntikan akong mabunggo
At ako'y nagulat ng maalala ko ang lalaking ito
Ang kanyang mga matang nakakabighani
Ang kanyang reaksyon na hindi ko mawari
Tinulungan niya akong tumayo
Bago niya akong tanungin "Diba kilala mo ako?"
Hindi ko alam kung siya'y nananadya ba
Ganito rin ang pangyayari ng una kaming magkita
Ang pinagkaiba lang Ang sasakyang ginamit
Dahil muntikan ng mapahamak ako'y pinilit
Na ihatid sa aking pupuntahan
Ngunit hindi ko inaasahan
Magagalit ka sakin at sa kanya
Di ko napigilan "Wala ka bang tiwala?"
Ngunit ako'y di pinansin at biglang lumisan
Hindi ka naman ganyan kaya labis akong naguluhan
Confused,
MR
![](https://img.wattpad.com/cover/38552526-288-k376660.jpg)
BINABASA MO ANG
Mensaheng Di Masabi (FIN)
PoesieHalina't basahin Ang aking istorya Tungkol sa Hindi masabing mensahe ng dalaga Para sa lalaking unang pag-ibig niya Mga gusto niyang sabihin ngunit hindi magawa.