Mensahe 16

219 27 14
                                    

Dear ZR,

Ako'y nagulantang ng aking malaman

Ikaw pala'y may malubhang karamdaman

Kaya ka pala lumayo sa akin

Ayaw mong saktan ang aking damdamin

Bakit ka naman kasi lumisan

Hindi mo rin ba naisip na ako'y mas masasaktan

Pero ngayong alam ko na nakaramdam ako ng saya

Dahil mahal mo ako talaga

Ngunit may kaakibat na lungkot

Lakas ko sayo ko hinuhugot

Malaki ang posibilidad na di ka magwagi

Kaya hindi ako aalis sa iyong tabi

Alam kong natatakot kang iwan ako

Hindi iyon hadlang sa pagmamahal ko sayo

Hangga't nilalabanan mo ang iyong karamdaman

Hindi ako bibitaw at sasamahan kitang lumaban

Love,

MR

Mensaheng Di Masabi (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon