Tagged: BabaingBobosaMATH
Paksa: Lapis
"Lapis"
~LoveMath_
Simula pagkabata tayo na ay magkasama
Matalik na magkaibigan hanggang sa tumanda
Ngunit isang bagay ang hindi ko sinasadya
Mamahalin pala kita ng sobraSadyang malupit ang tadhana sakin
Pilit ko mang limutin ang damdamin
Hindi ako nagwawagi at nariyan pa rin
Kaya di ko na pinigilan at akin na lang susulitinAko ang iyong naging taga tama
Sa mga Mali na iyong nagagawa
Nagmistulan akong isang pambura
Sa parang lapis mong ugali na umuukit sa ibaIkaw Ang lapis at ako Ang pambura mo
Ikaw ay manhid at nakakabigo
Hindi nararamdaman ang pagmamahal ko
Pero kahit ganyan ka pag-ibig ko'y di maglalahoImposible nga naman na ako'y iyong mapansin
Dahil ang lapis sa isang direksyon lang nakatingin
Nakatutok ng mabuti sa taong mamahalin
Kaya matulis ang dulo upang sakto sa pupuntiryahinSana ang lapis na kagaya mo
Ay mahalin ako ng totoo
Yung hindi ako bibitawan at iguguhit sa puso ko
Ang kanyang pangalan upang mag may-ari nitoBow!
Tagging:
@BabaingBobosaMATH- alkansya
@Akatsuki_Haru- gitara
@BlissPrincess- libro
-------------------------
Yehey! Tapos na. Yung mga chinallenge ko bawal tumanggi ah! ;)
BINABASA MO ANG
Mensaheng Di Masabi (FIN)
PoetryHalina't basahin Ang aking istorya Tungkol sa Hindi masabing mensahe ng dalaga Para sa lalaking unang pag-ibig niya Mga gusto niyang sabihin ngunit hindi magawa.