Dear ZR,
Hindi ko mapigilan ang aking puso
Na maghinagpis sa mga nangyayaring ito
Sana'y pwede kong maibsan ang iyong pagdurusa
Walang pagaalinlangan ay kukunin ko na
Subalit ang magagawa ko lng ay titigan ang aking mahal
Na walang kasiguraduhang ika'y magtatagal
Sa bawat oras na lumilipas ay aking hinihiling
Huwag ka munang mawala sa aking piling
Kay tagal kong hinintay na ako'y iyong mahalin
Habang hindi ka pa lumilisan ay di ko sasayangin
Kung alam mo lang labis akong nalulumbay
Tuwing nakikita ka puso ko'y hinahalay
Tila ospital na ang iyong naging tirahan
Sa sobrang lubha hindi na kita mahagkan
Ang magagawa ko lang ay titigan ang iyong mukha
Habang nakapikit ng mapayapa
Ang pighati ko ay hindi maiibsan
Hangga't di ka nawawala sa bingit ng kamatayan
Love,
MR
BINABASA MO ANG
Mensaheng Di Masabi (FIN)
PuisiHalina't basahin Ang aking istorya Tungkol sa Hindi masabing mensahe ng dalaga Para sa lalaking unang pag-ibig niya Mga gusto niyang sabihin ngunit hindi magawa.