Dear ZR,
Dumating na ang araw na aking pinakahihintay
Pumunta ka sa bahay at iyong binibigay
Tatlong pulang Rosas at isang sulat
Binuksan ko iyon at binasa lahat
Ako ay nagagalak pa rin kahit alam ko na Ito
Hindi kasi ako makapaniwala na Ito ay totoo
Hinawakan mo ang aking kamay at nagsimulang maglakad
Ng makarating iyong kamay ay nilahad
Sumayaw tayo at tinititigan ang isa't-isa
Ninanamnam ang bawat Sandaling kasama ka
Pagkatapos ng kanta ako ay pinaupo mo
Nagkwentuhan at nagtawanan sa mga biro ko
Bigla kang naging seryoso at tinignan ako
Habang hawak ang aking kamay ay sinabing mahal mo ako
Nung Hindi ako sumagot bigla kang nanlumo
Kaya sinabi kong may iniibig na ako
Biglang lumungkot ang iyong mukha
Lumapit ako at binulong na "Mahal kita"
Love,
MR
BINABASA MO ANG
Mensaheng Di Masabi (FIN)
PoëzieHalina't basahin Ang aking istorya Tungkol sa Hindi masabing mensahe ng dalaga Para sa lalaking unang pag-ibig niya Mga gusto niyang sabihin ngunit hindi magawa.