Mensahe 6

532 40 17
                                    

Dear ZR,

Matapos ng pangyayaring iyon noong isang araw

Naging madilim ang mundo mo at nawalan ng ilaw

Sinubukan Kong pasayahin ka

Ngunit kahit anong gawin ko Di ko nagawa

Dinala pa kita sa paborito nating puntahan

Pero pagdating natin doon Hindi ka na tumahan

Kung ako lang ang pinili mo

Hindi ka Sana nagkakaganito

Bakit kasi hindi mo makita

Nasa tabi mo lang yung nagmamahal sayo ng sobra

Tuwing may problema ka sa pamilya mo

Nandito lang ako laging nakikinig sayo

Hanggang sa ngayong lugmok ka na

Nandito pa rin ako aking sinisinta

Sana maghilom na ang sakit na nararamdaman mo

Para ako naman ang mahalin mo

Love,

MR

Mensaheng Di Masabi (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon