Chapter 2

28 4 1
                                    

Chapter 2 : “White Lies”

FIRST PAGE— CONTINUATION - JULY, 2017

Ako tuloy ang nahihiya sa mga pinagsasabi ni Mommy habang nakaharap naman kaming dalawang magkapatid kay Tita Sandra. Sana lang, hindi niya mahalata na gumagawa lamang ako ng paraan para kahit papano makalusot ako.

“Ikaw na si Laiven? Ang laki mo na.” nahihiya naman akong napatingin sa kanya. Nasa may sala pa lamang kasi kami, magkatabi pa naman kaming magkapatid sa mahabang upuan, dikit pa kaming dalawa samantalang napakalawak ng upuan.

“Oo nga. Ang bilis ngang lumaki nang mga bata. Samantalang dati ay hindi pa nila halos, gustong umalis sa tabi mo.” natutuwang saad ni Mommy, na sinagot lamang nang ngiti ni Tita Sandra.

Ako na tahimik lamang sa kinauupuan ko, at tahimik na nagmamasid sa gilid. Hindi ko lubos akalain na ang mga magiging kapitbahay pala namin dito ay may ganitong karangyang klase nang pamumuhay.

Sa probinsya kasi na pinagmulan ko, sapat na nakakain ka ng tatlong beses sa isang araw, normal na rin ang kumain nang malagkit at kape tuwing meryenda. Sanay narin akong uminom nang kape tuwing gabi, imbis na gatas. Sanay narin akong panoorin ang magandang tanawin mula sa labas ng bintana ko.

Ngunit hindi ko inaasahan ang pagdating namin sa lugar na ito. Mula sa tahimik at may magandang simoy na hangin na lugar ay napunta ako sa maingay at halos kinulang pa sa mga punong kahoy. Puro sementado narin ang lugar, at wala ka pang makikitang bukid.

Sadya nga sigurong hindi sanay ang mga mata ko sa mga ganitong klaseng kapaligiran.

“Kain na, kain na. Laiven, Reaven, Yna at Sandra. Hali na kayo, at tayo'y kakain na” naputol lamang ang pagkukumpira ko sa lugar na pinanggalingan ko at sa lugar kung saan na kami magsisimula nang panibagong tatawagin naming tahanan, nang dahil sa tawag ni Tito Eric.

“Hali na kayo.” yaya din ni Tita Sandra, at sinamahan pa kaming pumunta sa mismong lamesa.

“Sila, Sedrick? At mga kaibigan niya?” tanong bigla ni Tito Eric nang tuluyan na kaming nakaupo sa harap nang hapagkainan.

“Kakain na! Lumabas na kayo dyaan sa kwarto!” malakas na sigaw ni Tita Sandra.

Sa lakas nang boses niyang iyon, hindi na ako magtataka kong hindi pa nila iyon narinig. Masyado naman na silang bingi kong pati iyon ay hindi pa nila narinig.

“Hayaan niyo na sila, lalabas din ang mga iyon. Sige na, sige na. Kumain na kayo. Hinanda namin ang lahat nang iyan para sa inyo” mukhang hindi na talaga maaalis ang mga ngiti ni Tita Sandra, habang nag-aalok nang makakain sa amin.

At kapag sinabi niyang, 'hinanda namin ang lahat ng iyan' asahan mong hind lang tatlong putahe ang tinutukoy niya.

Nagpipigil lamang akong magtanong, pero bakit napakarami naman ata ang niluto nila samantalang ganito lamang kami kaliit. Ang lamesa din nila ay kasya ang sampung (10) tao.

“Ang dami naman po nito” nakangiti kong saad, ngunit ngiti lang din ang sinagot sa akin ni Tita Sandra.

“Sige kumuha lamang kayo nang gusto niyong kainin.  Nakalimutan ko na kasi ang mga paborito niyong pagkain, kaya naman niluto ko na lang lahat nang naaalala kong putahe na madalas niyong kainin noon, kapag bumibisita kami sa bahay niyo, at isa pa may mga bisita kasi ngayon si Sedrick kaya sinadya ko ring ramihan. ”  paliwanag ni Tito Eric. Mukha napahiya ako doon, ah.

PERO, okay lang. Hindi naman ako masyadong assuming..... Hindi din nagtagal at nakarinig kami nang tunog nang pintuan, hudyat na may nagbukas nito..... Isa iyon sa mga pintuan sa loob ng bahay, mukhang iyong kwarto ng anak nila.

Secrets Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon