Chapter 5

32 4 2
                                    

Chapter 5: 'Hi Seatmate'


"Good Morning, everyone. Ako ang magiging adviser niyo, for the whole year and of course pati ngayong semester. I'm Ms. Alice Suarez, but they prefer to call me Ms. A. Ngayon ang rules ko lang para sa inyo ay suotin lagi ang uniform niyo, especially ang inyong schoold I.D. Because, incomplete uniform, means no entry. Kahit sa gate sa lahat. Alam kong magaling kayo humanap ng paraan para maisahan si manong guard sa lahat, but ibahin niyo ako. I will check it one by one." bigla akong kinabahan. Oo, kabado ako. Kasi, wala akong I.D. Hindi ko rin naman kasi kasalanan kung bakit wala? 

"Hindi ko na babanggitin ang mga studyanteng iyon, dahil alam ko naman na kilala niyo na ang mga sarili niyo? Hindi ba?" pero ang mga mata niya ay nakaton lamang sa nag-iisang tao at ang taong iyon ay ako . Halata naman na kahit sinabi niyang mga pero ang mga mata niya ay nasa akin lamang. 

Kung crush ko lang ito, masaya pa ako. kaso  hindi. 

Nakakatakot ang mga mata niya. Ito na ata ang literal na sinasabi nilang 'kung nakakamatay lang ang tingin, matagal na akong nakabulagta ngayon' Hindi ko ata madaling mapakisamahan ang guro na ito. Mga ilang beses pang ulit, para mapaamo ang ugali niya. Nahihiya tuloy akong tumingin sa buong klase. 

"Hey, hindi naman ako pader para taguan mo." hindi ko rin tuloy napansin na nakatago na ako sa likod ng katabi ko. Hawak-hawak ko pa ang manggas ng damit niya, agad naman akong napabitaw ng makarinig ako nang tikhim at nang lingunin ko ang buong paligid, higit sa kalahati ng kaklase kong mga babae ay masama ang tingin sa akin. 

hah? wala naman akong ginawang masama. 

Maliban na lang kung kasalanan narin ngayon ang pagtatago sa likod ng lalaking ito. What the hell is his name again? hindi ko nga rin maalala, e. 

"What's your name Ms.? At bakit ka nakadikit ka kay Sed? Are you related with each other para ganyan ka kalapit sa kanya?" napatingin ako sa babaeng nagsalita, ang masasabi ko lang sa itsura niya, bukod sa hindi maganda ang ugali niya, hindi rin siya maganda. 

I'm sorry but my eyes won't lie. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi siya taasan ng kilay na siyang kinagulat niya, pero ng mabawi ang gulat sa kanyang pagmumukha agad ko itong inirapan. 

As if, I'm scared, hindi naman siya ung teacher ah. Ang marahil lang siguro na hindi ko napaghandaan ay ang mga taong makikisama pa sa kanya. Tumawa lang naman silang lahat na akala mo, ang ginawa ko ang pinaka-nakakatawang bagay na nakita nila. 

Hindi ko pinahalata, but I feel bad for myself, hindi ito ang inaasahan kong bubungad sa akin, hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari ngayong unang araw ko sa klase. At nangyari lang naman lahat ng bagay na ito, kung hindi dahil sa lalaking nagngangalang Sedrick?!

"Class Quiet?!" sigaw ng adviser namin, mabuti na lang at kahit papano nakikinig ang mga ito sa kanya. Pero, ang mapanuri at seryoso niyang mga mata ay nakatuon parin sa akin. 

"I heard you're a class valedictorian when you'are in Elementary. Noong grade 10 ka with high honor ka rin. Now, tell me your name?" dahan-dahan akong tumayo at pilit ngumiti sa harap nila. 

"I'm Laiven Yra Del Valle." mahinahon kong sambit, eksakto lang para marinig ng buong kaklase ko. I'm introvert, especially kapag naunahan ako ng takot, o di kaya naman ay kagaya na lang  nito, bigla na lang akong ipapahiya.

"Okay, pwede ka ng umupo. Now, class listen. Ayaw ko sa lahat ay ang mga taong judgemental. Not because, nakikita mo silang ganito, tama na ang nasa isip mo. They're not related to each other to answer your question Ms.?" sabi ni Ma'am habang nakatingin sa babaeng nagsalita kanina, na animo'y hinihingi ang pangalan nito. 

"Furahia, Ma'am." may mga kaklase akong nagpipigil ng tawa, at animo'y ang iba ay sanay nang marinig ang pangalan niya. 

"Ito ang sinasabi kong, wag tayong mag-iisip ng kung ano agad sa bawat taong nakakasalamuha natin. Her name sounds like what? let me know what do you think about her name? It sounds like? Weird? Funny? Of course. But do you know what's the meaning of her name?" mukhang ito na ang unang sermon sa umaga ng Adviser namin. Lesson #1. Don't Judge. 

"No, Ma'am" lakas loob na sagot ng isa naming kaklase. 

"Her name comes from the African word Furaha describes feelings of joy and happiness. When used to encourage someone else, the word becomes furahi or furahia. It is used liberally during joyful ceremonies to rally the crowd to enjoy themselves." ito lang naiisip ko kay Ma'am, para siyang walking dictionary. Hindi ko rin siya jinujudge. Sinasabi ko lang naman kung anong napapansin ko, at least hindi ko sinabi, nasa isip ko lang. 

"Hear it, Layra. Dapat ata Mommy mo ang nandito ngayon nakikinig sa klase, hindi ikaw." biglang hirit ng katabi ko. Umirap lang ako, at hindi na lang ulit nagsalit kasi naman may tama naman ang sinabi niya. 

Si Mommy kasi masyadong matalas ang dila niya. Mabilis siyang nagcoconclude ng mga bagay, pero minsan mukha naman siyang tama. Hindi nga lang talaga maganda minsan ang ugali niya, at isa na doon ang ginawa niya noon pumunta nga kami sa bahay nila Sed. Mukhang napahiya ako sa part na iyon. 

"Alam mo, bud. Okay lang iyon. Sa totoo nga, naencourage ako ni Tita na mag-aral pa ng mas mabuti." Biglang hirit din ng nasa harapan ko. Nakalimutan kong nasa harapan nga lang pala namin ang hiniritan ni Mommy nong araw na iyon. 

I kinda shy about what happen. Pero, hindi ko sasabihin, kahit guilty na ako. Pero, hihingi parin ako ng tawad, para naman hindi masabi ng katabi ko mismo na masama ang ugali ko. Well, in fact sa kanya ko lang naman linalabas masama kong ugali. 

"Adler, right? Sorry pala sa sinabi ni Mommy. She's kinda bit competitive kasi." Iyon ang napapansin ko kay Mommy, once na makita niyang mas angat ang anak niya, o ang sarili niya, hindi mo siya mapipigilang hindi magsalita. 

"It's okay.  I understand." nakingiti niyang sambit. 


UHmm looks like my new seatmates doesn't that bad. Iyong mismong katabi ko lang ata talaga ang masama hayss


TO BE CONTINUE. 

M.J| MISSGORJUICE


Secrets Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon