Chapter 6: 'The Assignment'
Hindi naman pala ganun kagrabi ang unang araw ko, hindi narin masama para sa unang salta. Pero, mas naging mahirap noong mga sumunod na araw. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga tanong ng classmate ko. Ang hilig nilang mangbuwisit. I just can't. Hindi talaga maiwasan sa isang klase na may pangit ang ugali, at may nagmamagandang loob lang. Iyong iba, pakitang tao lang.
And the others, they just want to catch the attention of my temporary deskmate. temporary? kasi naiinis na ako. Ilang beses na ba sa isang araw kung may lumapit dito, at tatanungin sa akin Kung pwede bang palit muna tayo ng upuan? Hey, magpapaturo lang ako sa kanya? Sed, I can't understand the lesson at marami pang iba.
Pakiramdam ko pasan-pasan niya ang mga problema nila palagi, parang kasalanan niya pa tuloy kung bakit hindi nila naintindihan ang lesson, samantalang madali lang naman intindihin. Pero, mukhang ngayon magbabago ang lahat, pati narin ang araw ko.
"Laiven, pwede bang dito muna ako? May ipapaturo lang ako kay Sed." the class president na wala namang ginawa kung hindi ang paulit-ulit ng bumalik sa pwesto namin rito, at hingin ang permiso ko na umupo sa tabi ng lalaking ito.
Bakit kaya hindi na lang siya lumipat rito? or kaya naman dito na lang rin siya umupo. Ako ang nahihirapan sa kanya, e.
"Pwede namang dito ka na lang rin, umupo?" magalang kong alok. I genuinely smile at her, pero iba ang naririnig ko sa aking katabi. Narinig ko siyang suminghal, sapat na sa akin para sabihing hindi siya pumapayag?
hah? anong sabi ko?
"Why?" at mukhang hindi pa siya nakuntento at talagang pinili niya pang magsalita. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya? Anong why? Dapat ang sabihin niya 'Yes' anong why? Hindi ko rin maintindihan ito, alam ko namang dito niya gustong umupo pero, kunyari hindi niya alam.
"We can exchange. Doon ako, tas dito kana. You can have mine." magalang kong aniya, na parang isang anghel na nahulog sa lupa sa sobrang bait ng pagkakasabi ko. Hindi ko nga rin nabosesan sarili kong boses. Halos, lamunin narin ako ng lupa, dahil pagtingin ko sa buong klase, nakatingin sila lahat sa amin.
But, the class president...she's not looking at me, instead she was staring to the person beside me. I doubt if she refuse my offer. Pero, bigla akong nagulat ng sa akin siya humarap. Biglang naging alanganin ang mukha niya, naging hindi sigurado sa gagawin niya. Kahit ako ay biglang kinabahan, dahil baka hindi niya kagatin ang plano ko.
omggg, what if she...
"If Sed wouldn't mind." sabi niya, sabay tingin sa lalaking katabi ko lang.
I almost rolled my eyes at him again. Hindi niya ba narinig ang sinabi ng President. She ask a question, and he needs to answer it. Nakatitig lang siya sa librong hawak binabasa niya. Doon lang nakatuon ang mga mata niya. Halos nangalay na kami kakahintay pero hindi parin siya nagsasalita, nagiging pipi na ba siya?
"Hey, they asking you?" hindi ko mapigilang anas sa kanya, para naman kahit papano marinig niya ulit. Sa sobrang tahimik niya kasi halos nagkakaroon na ng kulisap sa buong paligid. Bigla kong sinipa ang paa niya kaya naman nawala ang atensyon niya sa librong binabasa niya.
"What?" iritado siyang tumingin sa akin. Nagiging mabait lang naman ako sa kanya, nagmumukha kasi siyang walang paki-alam, which is totoo naman.
"I said, her. we can exchange se- "
"Kapag umalis ka sa kinauupuan mo ngayon, hindi ka na makakabalik sa tabi ko." Hindi ko na pinatapos ang dapat niyang sasabihin. I ignored him. Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya, at nagtuloy lang sa pinaplano ko.
"Here, Pres. Mas magkakaroon kayo ng time para mag-aral." pero, bakit parang ang pait ng pagkakasabi ko, pati ako napaitan na, e. I even emphasize the word mag-aral, para ano? para ipaintindi na iyon lang ang dapat nilang gagawin.
"Uhm, thank you. k-kunin ko lang iyong gamit ko." nahihiya niyang paalam sa akin, at tumango lang ako. Hinayaan namin siyang bumalik sa upuan niya para kunin ang mga gamit na sinasabi niya, at ganoon rin ang ginawa ko. Inaayos ko na rin ang gamit ko... but someones hands interrupted me from doing it.
"I thought you just temporary exchanging seat, at babalik ka din lang sa tabi ko pagkatapos?" mahihimigan ang inis sa boses niya, pero kagaya kanina binawi ko lang rin ang kamay ko at pinabayaan siya sa mga sinasabi niya. Nakuha ko pang ngumisi sa kanya pagkatapos.
"Bakit ba gustong-gusto mo ako katabi?" curiosity hit me. Ano bang nasa isip niya ngayon na hindi ko maintindihan. At least, he gave me some reason, baka magbago ang isip ko at ipaglaban ko pa ang upuan kong ito.
"I don't know, either. Basta wag kang lilip-"
"Hey Laiven! We can exchange seat now. I'm done packing my things." hindi nanaman natapos ang dapat niyang sabihin dahil may biglang sumulpot sa gilid namin. I eyed him, suspiciously.
Unexpected happen, at bigla siyang lumapit sa akin, tinapat niya ang kanyang bibig sa malapit sa akin tainga, kasabay ng mga salitang hindi ko inaasahan, at hindi ko nanaman maintindihan.
"You'll regret this, I swear." he smirk after. Tumingin ako sa paligid para tignan kong may nakakita ba sa ginawa niya. Makakahinga na sana ako ng maluwag kaso, bigla kong nakita si Pres, na nakatingin sa amin, mukhang nawalan ako ng paki-alam sa paligid kanina at nakalimutan kong nasa tabi na pala namin siya kanina.
Isa pa itong lalaking nasa harapan namin. Adler.
"Kailan ka pa natutong bumulong ng ganun, pre?" nakakainis ang ngiting binibigay niya, halatang nang-aasar lang. Mas lalo akong hindi natutuwa, kaya mabilis kong inayos ang mga gamit ko at dali-daling pumunta sa upuan na pinanggalingan ng President namin kanina.
Hindi ko narin pinatapos nanaman kung anong naging sagot ni Sed sa sinabi ni Adler. Kainis.
"Can you at least move? a little? masyado kang nakasiksik." napatingin ako sa taong nagsalita, iyong bago ko pa lang katabi.
Wala pa akong ilang araw sa upuan na ito, mukhang naririnig ko na ang sinasabi ni Sed na "you'll regret this, I swear" cause right now, I swear.
I'm regretting my decision.
TO BE CONTINUE.
(Slow update, again.)
BINABASA MO ANG
Secrets Left Unspoken
FanfictionThe whispers of unspoken tales, where words hesitate to venture and truth lurks in the shadows, where the only way out is to reveal your heart's rhythm. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung saan at paano na nga ba ito nag-umpisa. Kung paano ang...