Chapter 7

13 1 0
                                    

CHAPTER 7

Chapter 7: Seatmate No More

Why the hell I'm still thinking about that girl, hindi niya nga tinanggap ang paalala ko sa kanya, tapos nagagawa niya paring tumawa kahit ganun na ang ginagawa sa kanya ng katabi niya. hays

Hindi ko na kasi dapat iniisip ang bagay na ito. Wala naman akong mapapala. I mean, anong makukuha kong benefit sa pakiki-alam.

Damn it.

Kasalanan niya naman iyan, bakit ko ba kasi prinoproblema pa.

"Sed? are you still up?" napabaling ako sa pintuan ng kwarto ko na nakasarado. I hear small knocks coming from my mom. I sighed. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at hinayaan ko ang aking sarili na buksan ang pintuan.

Her warm smile, iyon agad ang unang bumungad sa akin. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Of course, her smile was the most sweetest smile I've ever seen in my entire life, I bet no one can replace that smile or kahit ang dumagdag ay wala na akong makita pa. Bakit ko ba iniisip kong may papalit sa matamis na ngiti ni Mommy?

"Gising pa po ako mommy? Why?" tanong ko rito, saka ito inalalayan siyang umupo. I offer her my seat, at ako ang umupo sa kama. Napansin ko ang isang tupperware na hawak-hawak niya. Napako ang tingin ko sa bagay na iyon, na mabilis niyang napansin.

"Ito nga sana ang gusto kong sabihin sa'yo. Bumili ako ng isang buong buko pie kanina, naalala kong paborito rin pala ito ni Laiven?" and?

"Gusto ko sanang ibigay mo ito sa kanya, nabanggit kasi ng papa niya na mahilig siya sa ganito noong pumunta sila rito. Naisip ko lang na mas mabuti itong maging unang hakbang para maging mas malapit pa kayo." kumunot ang noo ko sa hindi malamang dahilan, o kaya naman ay hindi ko lang talaga maintindihan kong anong gustong sabihin ni Mommy ngayon? medyo nagiging weird siya

"Paano kami magiging malapit, My? Siya itong iwas ng iwas sa akin. I'm starting to... you know, ignore her." mabilis akong nakatanggap ng kurot mula kay Mommy, at sa hindi inaasahan sa mismong bewang ko pa. It hurts, ouch

"Awww." mabilis kong daing rito.

"Anong ignore? Nakikita mong bago lang siya rito sila ng buong pamilya niya at hindi niya pa kilala ang mga tao dito tapos isa ka ding hindi siya papansinin? kawawa naman siya, Sed." ayan nanaman tayo sa tono ng pananalita ni Mommy. Mostly kapag ganito ang nagiging tono ng boses niya, hindi na ako makasagot or maka-angal e.

"Mommy, don't use that kind of tone to me! Aish." napapikit pa ako para itago ang pagkatalo, nakakainis naman e. Hindi naman sana ako magiging ganito kung sana lang nung una pa lang, naging mabait na ang pinapakita niya sa akin.

geez, paano ko naman sasabihin kay My 'yan?

"I'm your mother of course, I know your weakness Sed. Alam kong madali kang maguilty sa isang bagay, pero you know what my point is? right? Hindi naman siguro mabigat na bagay iyon? Wala naman sigurong problema doon? Maliban na lang kung..." binitin niya ang huling salitang sasabihin niya sana, dahilan para mas lalong kumunot ang noo ko. 

"My, anong kasunod niyan?" 

"Maliban na lang kung ano?"

"My, ituloy mo na." 

"Hindi ka magagalit?" naninigurado niyang aniya, wala naman akong ginawa kung hindi ang tumango na lang kaysa naman hindi niya sabihin.

"Sure?" 

Tumango ulit ako.

"Maliban na lang kung iniisip mo iyong usapan namin ng parents niya. " edi nasabi niya din? but, what? iyon ang nakikitang dahilan ni My? Hindi niya nga naririnig kong anong sinasabi niya sa akin sa school e, first day pa lang.

"My, hindi naman sa ganoon, pero kasi hindi ko alam paano pakisamahan e." sabay buntong hininga, nagtutunog na akong problemado. Hindi na maganda ang bagay na ito.

Argh

"Eh? Nak, paanong hindi mo alam paano pakisamahan?" hindi ko na alam kong anong isasagot ko rito. May parte kasi sa 'kin na ayaw sabihin kong anong pinagagawa niya! 

Ang hindi ko pa maintindihan na isa, bakit ayaw kong magmukha siyang masama sa paningin ni My. Ang dami naman kasing tanong, e. 

"Sagutin mo ako, Sed? Sa school ang galing-galing mo sumagot, kahit ata pinakamahirap na tanong ay kaya mong sagutan samantalang iyong tanong ko wala ka man lang maisagot?!" anong sasabihin ko, galit na ata si My!

ha!

_________________

Ganito pala iyong pakiramdam ng maisahan. Hindi ko naman kasi alam na medyo, hindi naman medyo ang ugali non, masama! Hindi ko alam kong paano ilalarawan ang ugali ng bagong katabi ko, mas masahol pa iyon sa dati kong katabi. Masakit man sa sarili kong aminin ang bagay na ito, pero sige na lang...mas maganda katabi si Sed. 

Bukod kasi sa matalino, yes matalino na siya...siya lang ang bukod tanging nag-adjust sa ugali ko. At bukas ng umaga, balak kong babawi. Hihingi narin ako ng tawad. Bumulong pa naman siya sa akin kahapon na wag ng babalik sa tabi niya. 

Paano ko gagawin iyon? Mukhang galit pa ata? 

"Ano namang sasabihin ko doon bukas? Wala pang isang linggo akong nakaupo sa upuan ko, tas babalik na ako sa upuan niya?" kinakausap ko na sarili ko nanaman. Pero, tama naman kasi? Isipin pa ng taong iyon, gustong-gustong ko siya.  Pakiramdam ko pa naman malakas linalabas na hangin ng taong iyon parang bagyo. 

"Nak? Tulog kana ba?" napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko. Si papa ba yan? 

"po?" sagot ko

"Pwedeng pumasok? May sasabihin lang ako, nak." at tuluyan na nga siyang pumasok sa kwarto ko. Nadatnan niya akong nag-aaral. kasi nakabukas lahat ng test booklet ko, isama mo na ang essay na yan. 

Hindi ko din alam, bakit may ganyan agad? balik tayo kay papa. Tumingin siya sa akin na parang nag-aalala halatang may gustong sabihin. 

"May problema ka ba nak? Nagpalipat ka raw ng upuan?" ha? paano niya nalaman ang bagay na iyon.

"Hindi nabanggit ng adviser mo kung sino unang naging katabi mo, pero gusto ko lang malaman kong bakit ka nagpalipat ng upuan? binubully ka ba doon?" naging sunod-sunod ang naging katanungan niya na hindi ko na alam tuloy alam kong saan hahagilapin ang sagot sa mga tanong na iyon. 

Bakit ba hindi ko naisip na teacher na din pala si papa sa school ko ngayon?


TO BE CONTINUE.

Secrets Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon