Chapter 3 : " Three Boys, and One Girl"
FIRST PAGE— CONTINUATION- JULY, 2017.
"Tapos na po akong kumain, excuse me." iyon ang mga katagang nagpatigil sa lahat at tumingin kong kanino galing ang boses na iyon. Walang kahit isa sa kanila ang nais magtanong kung bakit? Basta na lamang sila tumango, at tinuloy ang pagkain.
Maging si Adler at ang kasama niyang isa ay umalis na rin at sumunod kay Sedrick. Para silang buntot ng aso, kung nasaan ang isa, kailangan andoon rin siya.
Nasa kalagitnaan ako nang pagpapasalamat dahil sa wakas tumahimik na sila. Sa wakas makakain na ako nang maayos. Hindi na ako ma-eestress dahil hindi na ako nasisiyahan sa pinag-uusapan nila.
Ngunit hindi naman ako tinantanan ni Reaven sa kakakulit sa akin, at kanina niya pa ako kinukuldit sa hindi ko malamang dahilan. Kaya naman hindi ko na rin natiis at agad siyang nilingon.
Para siyang nagpipigil nang kung ano, kaya hindi ko maiwasan na lumapit sa kanya.
"Samahan mo ko sa C. R." bulong niya sa akin. Kahit naman inis ako sa kapatid kong ito, hindi ko rin gustong pabayaan. At saka, isusumbong ako nito kay Mommy panigurado.
"Saglit" bulong ko rin pabalik. Kung kailan magiging maayos na, at makakain na ako ng maayos saka naman sasakit ang tiyan nang batang ito.
The number one cause of my headache is my brother! Wala nang nagbago.
Tahimik kaming umalis sa hapagkainan, habang ang mga matang nakatitig at nanonood sa bawat kilos namin ay walang magawa at hinayaan na lamang kaming umalis.
"Ganyan talaga ang mga bata ngayon, mas gusto nang mapag-isa sila kaysa ang makinig sa usapan nang mga matatanda." ramdam ko ang bigat sa boses ni Tita Sandra, hindi niya man aminin pero may kunting disappointment sa tinig niya.
Siguro marahil dahil hindi man lang kami nagtagal doon, o kaya naman ay iniisip niyang hindi namin nagustuhan ang niluto niya, pero may dahilan naman kami kaya hindi na kami nagpaalam, at mas masama naman yata iyon kung sasabihin ko pa hindi ba?
"Ate, halika na bilisan mo! Lalabas na!" ang kapatid kong hindi makapaghintay. Bakit ba kasi ngayon niya pa naisipang ilabas lahat nang iyan?
"Oo sandali lang naman, wag mo naman akong hilahin. Kung gusto mo, mauna kana!" sabi ko.
Ngunit ang batang kasama ko, sumimangot lang, at halata ng nagpipigil lang na gantihan ako dala nang mayroon siyang kailangan.
Hindi naman niya ako makuhang labanan. Dahil alam kong hindi siya makakalaban ng maayos, ngayon. Hindi rin niya ako pwedeng barahin at sabihan ng kung ano-ano, dahil mainit ang ulo ni Mama.
Takot niya lang dito. Kaya naman hanggang masamang tingin lang ang kaya niyang gawin sa akin. Mabuti na lamang hindi naging ganun kahirap hanapin ang C.R nila. Dahil kung hindi, siguradong magiging nakakahiya ang mangyayari.
Dali-dali naman siyang tumakbo sa loob nito, at doon linabas lahat ng sama ng loob niya sa akin. INSHORT lahat ng sama ng loob niya sa katawan. Nakakadiri lang talaga kasi mukhang kanina niya pa iyon pinipigilan.
"Ate, I need tissue po? Wala po sila extra dito." ito ang sinasabi kong pagbabago. Marunong gumamit ng mga 'po' at 'opo' kapag may kailangan, pero kapag wala halos isumpa ako. Wala naman akong magawa, dahil bukod ako ang panganay may natitira pa naman akong awa para sa kapatid ko.
Agad ko namang ginawa ang gusto niya. Eksaktong malapit na ako kanila Mommy nang marinig ko ang usapan nila. Bigla na lamang kasi naagaw nito ang atensyon ko. At sa hindi malamang dahilan, parang mas gusto ko pang marinig ang bagay na ito kaysa sa sinasabi nila kanina.
"Naalala mo parin ba ang pangako natin kay Papa, bago siya mamatay ." sabi ni Tito Eric, kung hindi ako nagkakamali sa kanya ang boses na iyon. Malamang, dahil buhay pa ang Daddy ni Daddy. Naiwan lamang sa probinsya para alagaan ang Farm, habang wala kami doon. Marami rin naman siyang kasama doon. Kaya medyo panatag ang kalooban ko. Sa bakasyon kung sakali baka umuwi ako para dalawin siya.
"Medyo may naalala ako. Pero, hindi ko lang sigurado kung tama ba ang naalala ko." iyon naman ang sagot ni Daddy.
Bigla namang napataas ang kilay ko sa sinagot niya. Sana naman hindi masyadong masama kung ano mang sinabi ng Papa ni Tito Eric, kasi sa totoo lang kinakabahan na ako, dito sa kinatatayuan ko. Idagdag mo pa na hindi nila alam na nandito lamang ako malapit sa kanila na nakikinig sa mga sinasabi nila.
Hanggang makarinig ako ng pagbukas ng isang pintuan. Hindi ko na iyon binigyan pang pansin, at pinagpatuloy na lamang ang pakikinig. Sigurado akong si Reaven lamang iyon, baka may nahanap na siyang tissue.
Mas linapit ko pa ang tainga ko sa kanila, ngunit sapat na iyon para hindi ako makita at malaya din akong makarinig sa mga usapan nila.
"Ang naalala ko kasing sinabi lang ni Papa noong nabubuhay pa siya. Mayroon siyang ginawang agreement, at mukhang kasama noon ang Daddy mo habang ginagawa niya iyon. Mukhang naisama rin iyon sa last wish niya bago siya namatay. At may kasama silang abogado ng mangyari iyon. I don't know if, they add that wish and his last will testament." Ito na nga ba ang sinasabi ko masyado silang pabitin, at ano ba kai iyong kahilingan na iyon.
"Matagal niya na kasing gusto na magkaroon siya nang koneksyon sa inyo, dahil sobrang laki ng utang loob niya sa Daddy mo. Hindi ko alam kung papayag ka? But Papa wants to arrange a marriage for the kids. I mean for Sedrick and Laiven. Mukhang pinaghandaan ang bagay na ito, dahil alam mo namang naabutan niya pa ang mga bata na maipanganak." Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko, o baka naman nabingi na ako dahil sa pagkakauntog ko kanina sa kotse.
Tama, baka panaginip lang ito. Gusto ko na lang magising. THIS IS NOT FVCKING RIGHT?! Bakit naman ang mangyayari ang bagay na iyon? Alam kong malapit ang pamilya naming parehas? But hell ...... I'm not going to marry him?!
"Same as mine. At wag mo ko pagsasabihan na nababasa ko ang isip mo, because fcvk, your face says it all. I'm only seeing you as my sister, and not as my wife.... I'm inlove with somebody else now." Bigla naman akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang inaakala ko palang Reaven sa likod ko ay iba palang tao.
Ang malamig niyang boses ang nagpapatunay na siya ang nasa likod ko. Hindi ko naman alam na parehas pala kaming nakikinig sa mga magulang naming. And besides, plastic siya?! Akala mo kung sinong anghel kanina, masama din pala ang ugali.
"Alam mo ba kung anong ayaw na ayaw ko sa lahat? Iyon iyong nagsasalita na agad nang patapos. Hindi mo pa kasi alam kung anong mangyayari sa mga susunod. At kung ayaw mo....why don't you try to stop them?" sabi ko dito, at dahan-dahan na lumingon sa kanya.
I see his face, once again.....
"Cause I don't want too. Hayaan muna natin sila. Let them be happy first...and besides, I have a lots of money.... Hindi ko kailangan ng pera ni Lolo." Kung ganoon magkaiba kami. Ang seryoso niyang tingin ang nagbigay ng kung anong kakaibang kaba sa akin?
Now I feel, how love at first sight looks like...
TO BE CONTINUE....
M.J | MISSGORJUICE
BINABASA MO ANG
Secrets Left Unspoken
FanfictionThe whispers of unspoken tales, where words hesitate to venture and truth lurks in the shadows, where the only way out is to reveal your heart's rhythm. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung saan at paano na nga ba ito nag-umpisa. Kung paano ang...