Chapter 1 : “hello?”
FIRST PAGE — JULY, 2017
Hulyo, 2017. Tuluyan na nga kaming umalis sa dati naming— tahanan. Hindi na ito, panaginip o kahit imahenasyon man lang.
Muli nanamang nagtapos ang buwan ng bakasyon, at magbabalik eskwela nanaman.
Totoo na ito? Ang mga gusaling nagtataasang at bahay na aming nadadaanan ay bago sa aking mga mata.
Lahat nang nakikita ko sa labas nang bintana ng aming sasakyan ay bago lamang sa aking paningin. Malayong-malayo sa aming probinsya. Hindi man ako sanay sa pamumuhay sa isang siyudad— handa naman akong matuto at kahit papano masasanay rin.
Marami kasing punong nagtataasan doon, kahit ang mga punong-kahoy. Napatitig na lamang ako sa labas ng bintana. Ang laki pala ng pagkakaiba sa probinsya na kinalakihan ko. Ang mga gusali kasi doon ay nabibilang pa sa daliri ang dami.
Kaya naman.....
Bigla akong napaisip? Magiging mabait kaya ang bagong lugar na pupuntahan ko. Sana, nawa'y maging maayos ang pakikitungo sa akin ng— lugar na ito. Magiging mabuti kaya sila sa akin. At magkaroon ng mga kaibigan.
Gusto ko ring panatilihin ang mataas kong grado sa eskwelahan. Nawa'y manatili ang mataas kung grado, hanggang sa susunod na semester. Sana— hindi maging ganoong kahirap ang pagdadaanan ko sa siyudad.
Sana maging maayos ang lahat sa lugar na ito.
“Ano ba ate! Kanina pa tumigil iyong sasakyan! Bumaba ka na riyan!” biglang sabi ng Kapatid ko, at doon ko lang napagtanto, kanina pa pala tumigil ang sasakyang sa isang simpleng bahay.
Tinulak-tulak niya naman ako sa naka saradong pintuan nang sasakyan kaya ang nangyayari ay nauuntog ako dito. Agad ko namang pinalo ang kamay niyang, tumutulak sa akin at sinasamaan siya ng tingin.
“Ikaw na! Ano ba! Alam mong nakasarado, itutulak mo ako! Ikaw talagang, bata ka!” at pinalo ko ulit siya sa kamay. Hanggang sa, nabuksan ko na ang pintuan at agad na bumaba, para matakbuhan ang batang iyon.
Pagkababa ko, agad akong pumunta sa likod nang sasakyan, at eksaktong andoon si Daddy. Agad naman niyang binigay sa akin ang mga gamit ko. Ang box kong naglalaman nang kung ano-anong libro.
Ngunit puro naman educational books, na binabasa ko kapag wala na akong ginagawa o gagawin.
Sakit sa ulo.
Hinihimas ko pa ang bahagi ng ulo kung tumama kanina sa pintuan ng sasakyan at baka magkaroon bigla ng pasa— ngunit nang lumingon ako sa paligid, bigla akong napatitig sa lugar.
Hindi kagaya nang inaasahan ko— walang rumi, o kahit na basura. Mukhang inaalagaan nang maayos ang subdivision na ito.
“Paki-ingatan ang pagbuhat! Ito, paki-lagay na lang doon sa sala!” rinig kong utos ni Mommy sa mga taong nagbubuhat nang mga gamit namin papasok ng bahay, ngunit hindi doon namalagi ang atensyon ko.
Mas pinagtuunan ko nang pansin ang buong paligid.
Bagama't hindi kagaya nang ibang, subdibisyon na nakikita ko sa mga magazine o T. V na may nagtataasang bahay, dito iba— mas marami ang simple lamang ang bahay. Ngunit— magaganda ang itsura.
Ang kinuha naming bahay ay eksakto lang para sa amin, upang kahit papano— Hindi kami magsisikan at hindi rin ganoon kaluwang.
“Pre! Pakuha naman iyong pitaka ko, naiwan ko dyaan sa loob! Paabot na lang, wag mong ibabato!” hanggang sa naagaw ang pansin ko sa dalawang lalaking, nakatingala ngayon sa isang bahay na parehas nang desinyo sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Secrets Left Unspoken
FanfictionThe whispers of unspoken tales, where words hesitate to venture and truth lurks in the shadows, where the only way out is to reveal your heart's rhythm. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung saan at paano na nga ba ito nag-umpisa. Kung paano ang...