Chapter 8: date update October
Mga ilang buwan na ata ako dito sa nilipatan kong upuan pero wala parin namang nangyayaring maganda. Hindi parin ako nilulubayan ng lumbay. Wala bang kabutihang maiaambag itong katabi ko, puro na lang sakit sa ulo.
Kahit pa noong gabing kinausap ako ni papa. Ang hindi ko lang maintindihan kong bakit kinabukasan non, inabutan ako ng isang lunch box ni Sed na may lamang dalawang slice ng buko pie, pero anong ginawa ko? Tinanggihan ko, kahit paborito ko iyon!
Sa taas ba naman ng pride ko kahit ata bigyan niya ako ng dalawang box hindi ko tatanggapin.
Ang hindi ko pa maintindihan kong bakit kahit tinanggihan ko na siya ay patuloy parin siyang nagbibigay ng pagkain. Hindi naman sa hindi ko na tinatanggap pero kasi naman pare-parehas din lang natatanggap ko araw-araw.
palaging buko pie. Face palmed.
Ano 'to? May pabrika sila ng buko pie? May pagawaan sila? Parang hindi naman nabanggit ni Papa sa'kin ito. Sino ba naman kasing matinong tao ang magbibigay ng buko pie araw-araw di ba? Hindi man lang nag-iba! Hindi sa maarte ako, kaso hindi ko mapigilang hindi maasaar, parang nanadya kasi.
Kaya noong sumunod na araw, hindi ko na napigilang tanongin kong anong meron? Kahit nakakainis ang presensya niya.
"Adler?" pero imbis na sa kanya ako magtanong kinabukasan, sa kaibigan niya ako nagtanong, change of plan, ba. Hindi naman sa nahihiya ako magtanong doon sa isa, hindi ko lang talaga siya feel kausapin, pagkatapos ng mga nangyari.
sabi ng isip ko, hindi guilty ka kasi sinamaan mo ng ugali, nagmamagandang loob lang naman.
Kasalanan ko nanaman? Akala ko pa nga hindi ako papansinin ng kaibigan niyang 'to dahil sa biglang paglapit ko. Parang nabasa niya pa ata na lumapit lang ako, kung kailan wala 'yong kaibigan niya. Mukhang tinawag nanaman sa office. Sa bagay bali-balita ding suki siya ng mga contest rito.
"Ano 'yon?" tanong niya sa'kin, kaso hindi ko na mahanap ang boses ko ng mapansin ko ang papalapit na bulto ng kaibigan niyang 'yon. Ngumiti lang tuloy ako ng plastic, saka ko senenyasan na wala pala akong sasabihin.
Mabilis akong bumalik sa upuan ko at nagkunwaring may ginagawa. Kaso nauwi sa pagkakatulala ang balak ko sanang gagawin ng biglang magawi ang tingin ko sa upuan niya, na sana hindi ko na lang ginawa.
Agaw pansin nga talaga ang pormahan niya kahit pare-parehas lang naman kami ng suot na uniform. Ewan ko ba, bakit dalang-dala niya ung ganyang pananamit, hindi siya dugyot tignan.
From a vintage wristwatch peeked out from under his cuff, adding a touch of timeless sophistication, trouser na kulay itim, at branded niyang sapatos, halos lahat normal lang naman sana, kaso may kung ano sa kanya na nagdadala talaga ng suot niya. Iyon ba 'yong airbuds na nakasalpak sa isa niyang tainga, o 'yong cellphone niyang ang brand ay apple? O baka naman? Sa ngiti niya?
Everytime I saw his smile, I can't look away. Hindi ko nga ina-alis tingin ko sa kanya kahit nahuhuli niya ako, ano naman? Pwede niya namang isipin natulala ako sa ngiti niya. Parang ngayon?
Wait, what?
Nakatingin siya? Bakit? Kailan pa?
"Laway mo, tumutulo." Rinig kong sabi ng katabi ko. Nabanggit ko bang badshot parin sa'kin 'tong katabi ko. Minsan kasi, bida-bida.
"Panigurado ako may gusto ka na doon sa Peralta." Sabi niya sa'kin tunog nagmamagaling nanaman bagay na kinaiinisan ko. Mas marunong pa sa'kin akala mo talaga siya nakakaramdam ng nararamdaman ko.
"Kung hindi pa pagkagusto 'yan, ewan ko na lang." magsasalita na sana ako ng mapansin kong may lumapit sa pwesto ko. Hindi ko 'yon napansin agad dala ng inis na namumuo sa katabi ko, nagulat na lang ako ng may tupperware nanamang nakalagay sa desk ko. Hindi man lang nagsalita 'yon nagbigay basta na lang piñatong.
Sa sobrang inis ko, sa uwian ko ibinuhos. Pinagsisipa ko lahat 'yong mga maliliit na bato na madadaan ko, hindi naman malakas, eksakto lang para mawala sa dinadaanan ko. Isa pa, sigurado akong kung may kasabay lang ako ngayong oras na 'to iisipin nababaliw na 'ko.
Ikaw ba naman magsalita mag-isa, pero bakit ba? Naiinis ako?!
"Makita ko lang talaga 'yong taong 'yon tatanungin ko na talaga bakit ba bigay siya ng bigay ng Buko Pie?!" naiinis kong bulong, feeling ko nga namumula na dalawang tainga ko, e. Hindi ko nga lang din maintindihan kong bakit ako naiinis ngayon, o bakit naiinis ako?!
Grabeng kaartehan ko talaga sa buhay.
Siguro dahil tama siya, simula noong lumipat ako ng upuan puro paghihirap lang naranasan ko, isipin mo 'yon nagbigay pala ng gagawin 'yong teacher namin pero hindi man lang ako sabihan ng katabi ko, nagkataon lang naman na pumunta ako ng banyo. Ayon, pumunta pa ako ng faculty para lang malaman kong anong gagawin.
Pati exam namin ng 1st Quarter hindi niya pinalampas, hindi niya man lang ako binigyan ng reviewer sa isang subject kasi daw hindi niya naman tungkulin 'yon. Manghihiram lang naman dahil nagkataon na nasa clinic ako nung time na 'yon dahil nagkaroon ako ng buwanang dalaw.
Muntik tuloy akong bumagsak sa subject na 'yon, mabuti na lang hindi. Sa tuwing naalala ko ang bagay na 'yon nababaling sa isang tao ang inis ko, kasi hindi ko maamin sa sarili kong tama siya.
Aaminin ko naman sana sa kanya, e! Kaso, nauuna talaga itong hiya ko. Nakakainis talaga!
Kaso, sa huling batong nasipa ko sa sobrang frustration ko, hindi ko nakita na may tao na pala akong natamaan. Huli na ako ng marealize ko kung sino 'yon.
Hindi naman masama ang tingin niya sa'kin, parang may hinihintay lang siyang sasabihin ko.
Okay, fine.
"Hindi ko sinasadya." Pero mukhang hindi naman ata ang bagay na 'yon ang hinihintay niyang sasabihin ko. Nakita ko pa ang bahagya niyang pag-iling bago siya tumalikod sa'kin at mukhang mauuna ng aalis.
"Hindi ko nga sinasadya, e!" Halos manakit ang lalamunan ko nang isigaw ko 'yon kaso bingi ata yan!
I silently watch him until I decided to said what's on my mind that time. Huli na ulit ng malaman ko kung anong sinabi ko.
"Pwede pa naman akong bumalik sa upuan ko dati di ba?" pero mukha ata talagang nanadya siya at hindi man lang siya lumingo sa'kin pero nakita kong tumigil siya ng marinig niya ang sinabi ko.
Pigil na pigil akong batuhin talaga siya ng kung anong mahawakan ko nang oras na 'yon.
hays.
TO BE CONTINUED.
BINABASA MO ANG
Secrets Left Unspoken
FanfictionThe whispers of unspoken tales, where words hesitate to venture and truth lurks in the shadows, where the only way out is to reveal your heart's rhythm. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung saan at paano na nga ba ito nag-umpisa. Kung paano ang...