Chapter 4

20 3 0
                                    

Chapter 4:"Hi? New School"

Nararamdaman ko na ang katotohanan ngayong araw may mangyayaring hindi ko talaga magugustuhan. Ang magkaroon ng kapatid na halos isumpa ka araw-araw, at halos gawing impyerno ang buhay mo.

Pagkatapos ng nangyari kahapon, umuwi na siyang bugnutin at halos patayin ako sa sobrang sama ng tingin. Hindi ka naman alam kung anong problema niya. Ang lakas ng loob niyang magalit samantalang ang ginawa niya lang naman kahapon ay bigyan ako ng sakit sa ulo... Dapat nga ako ang magalit sa kanya, kasi kung hindi sana nagloko ang tiyan niya, edi sana hindi ko makikita ang pagmumukha ng lalaking iyon napakang-hangin. Akala mo kung sinong matalino at pinagpala, masama din naman ang ugali. Isama mo pang kasama ko siya kahapon na nakarinig ng kung anong bagay na hindi maganda.

Mas lalo lang tuloy akong hindi naiinis sa kanya, bukod pa roon parehas din daw kami ng school na pasusukan, sana naman hindi kami parehas ng grade, o kahit sana hindi kami parehas ng seksyon..kasi sobra na talaga.

"Mommy, nakita niyo po ba iyong I.D ko? Hindi ko po kasi makita." Habang masama parin ang tingin sa kapatid kong pinaglihi sa sama ng loob. Ang mga mapanuri kong mga mata ay nakatuon lamang sa kanya.

"Malalate kana Laiven?! Pwede naman sigurong wala munang I.D ngayong first day?" gusto kong sabihin kay Mommy na iyon na nga first day, tas wala man lang akong suot. Mabuti sana kung magiging mabait iyong guard hindi ba?

"Hindi pwede, Mommy. Baka naman hindi ako bigla papasukin." Nagmamaktol kung saad ngunit pinanlakihan niya lamang ako ng mata, at aimoy sinasabi na isang pagkakamali ang sinabi ko.

Ngunit sa sandali lamang na pag-alis ko ng tingin sa kapatid ko ay isang nakangising tingin ang ginawad niya sa akin. Ngising may ginawang kalokohan.

Ang kapal ng muha niya talaga. Hintayin mong makauwi ako, at talagang magiging huling ngiti mo na talaga iyan.

"Mommy! Una na po ako!" masakit man sa loob kung umalis, dahil alam kung tinago lang naman ng magaling kong kapatid ang I.D ko, pinabayaan ko na lang. Baka tama naman si Mommy, first day ngayon baka naman hindi pa siya required....pero kasi binigay na, e.

Haysss...bahala na..basta alam ko na sisihin ko kung sakali. Napapikit na lang ako sa inis, at saka dali-daling tumakbo..tutal walking disatance lang din naman ang School na papasukan ko.

Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Hanggang sa wakas, tatawid na lang ang gagawin ko, para makapasok sa gate ng School..pero dahil sa tagalay na kamalasan ng kapatid ko. Nakita ko ang hindi ko inaasahan na tao..

Iyong totoo lang hah, ayaw ko talaga makita ang mukha niya, pagkatapos ng nangyari sa bahay nila...hindi naman sa ayaw makita ng habambuhay...just not now.. Ang aga-aga pa lang kasi.. pero ayaw ko naman na siya agad ang makita ko, unang bungad pa lang umaga, parang sinadya ah. hindi ako natutuwa. 

Bigla tuloy akong nalito kung saang daan ako pupunta kung dito ba sa gilid niya at magkakasalisihan kami... o mas pipiliin ko na lang humanap ng ibang daan.. kasi mas maayos iyon para di kami magkasalubong. 

Kaya sa huli ako na lang itong nag-adjust kasi mas pinili kong pairalin ang pride ko kaysa sa oras na masasayang ko kapag dumaan ako sa harap niya. Kaya naman pinikit ko na lang ang mga mata ko, bago tuluyang tumalikod sa gawi niya. 

Pagdating ko sa loob nang tinatawag nilang Auditorium, nagulat ako sa itsura nito. Hindi dahil sa mga kagaya kong estudyante na payapa ng nakaupo sa mga kanya-kanya nilang upuan. Masasabi kong isa ito sa mga pinagmamalaki nilang audtiorium dito sa kanilang lugar.

 Mapapansin kasing hindi lang basta basta ang pinagpagawa ng buong lugar. Ang mga mata ko ay nakafocus lamang sa atensyon nang mga magagandang bagay na nasa harap ko pero hindi ko halos napansin ang mga kahgaya kong estudyante na nakatingin na pala sa akin ngayon.

 o sa akin lang ba?  bakit parang may tinitignan pa sila sa likkod ko?

Pagharap ko sa likod, doon ko nakita ang tinitignan pala nila. Bakit ba kasi nahuli rin itong lalaking ito? Parang nawalan din ng silbi iyong iwas-iwas ko kanina. Kasi makikita at mukhang makakasama ko pa ata siyang masesermunan iyon. Napapikit na lang ako sa inis.  

"UNANG ARAW PA LANG NANG KLASE, BAKIT MAY LATE NA AKONG NAKIKITA?" bakit hindi ako nainform na ganito pala ang unang bubungad sa akin. "LAHAT NG LATA NA MAKIKITA KO..PUMUNTA MUNA SA LIKOD..DOON KAYO HANGGANG SA MATAPOS ANG ORIENTATION SA BAWAT ESTUDYANTE. " ito iyong sinasabi nilang kapag maaga ka, may mauupuan ka mukhang hindi rin nila alam kung ilan talaga ang bilang ng mga estudyante nilang papasok ngayong taon, dahil nagkulang sila sa upuan. 

Tahimik lang akong sumandal sa pader, mabuti na lamang at hindi mainit dito, halatang sagana sila sa aircon. Nakakainis, kung gaano ang kinamangha ko kanina sa buong lugar, at kung paano ko pa ito purihin... ganun pala kapangit iyong unang salubong sa akin. 

"I know what you thinking." bigla na lamang akong napatingin sa katabi kong nagsalita. Akala ko buong  oras na siyang pipikit.. mukhang hindi din pala, at nagkaroon pa ata sa mood para makipagdaldalan. 

"Wala ka ng pake doon. Besides, this is all your fault!" naiinis kong duro sa kanya. At kagaya ng aking inaasahan. Tinaasan niya lang ako ng kilay. 

"Kasalanan ko ba kung bakit ka bigla na lang lumiko kanina, pagakatapos mo akong makita? are you making me laugh?" para bang naiinsulto niyang turan. Napairap na lang ako ulit sa naging sagot niya. 

"AHH basta.. kasalanan mo ito. This is all your falt!!!" sigaw ko. 

"SINO BA IYONG MALAKAS ANG LOOB DIYAN NA SUMIGAW? LATE NA NGA, DI PA MARUNONG TUMAHIMIK?!" haysss.. kailan ba matatapos ang nakakahiyang araw ko na ito. 

Puro na lang kamalasan ang unang araw ko sa klase. Sana naman hindim  magtuloy-tuloy kasi..baka hindi ko kayanin? Una tinago ang I.D ko, kasi hindi naman iyon nawala talaga.. may pakiramdam akong tinago talaga iyon na magaling kong kapatid. Pangalawa, napagalitan ako at nalate. Pangatlo, ang katabi kong ito ang may kasalanan kung bakit ako kahapon pa naiinis?! 

Gusto ko lang naman maging maganda ang unang araw ko, pero bakit hanggang ngayon paulit-ulit parin akong minamalas. Ang unfair?! sobra?! Hanggang sa pumasok kami sa klase, at mukhang hindi pa nadala at sinadya pa talagang pumunta sa pwesto ko. Alam kong walang nakaupo sa katabi kong upuan, pero kaya kong magsinungaling na may nakaupo na rito. Just not him. Okay.

"Wag mo kong tignan ng ganyan, Layra." malumanay at tila bagot niyang sabi. Napanganga naman ako sa tinawag niya sa akin. Because no ones call me that name.

"Layra pala pangalan mo." nagulat na lang ako ng bigla ring may magsalita sa harapan kong upuan na halos hindi ko napansin kanina. Kagaya na lang rin ang biglang pag-upo ng katabi ko rito. 

"Don't call her that, Adler. Ako lang tatawag sa kanya ng ganyan. Her name is Laiven by the way. Iyon ang itawag mo sa kanya. " sabi niya habang pasimpleng inaayos ang mga gamit niya, bago siya tumingin kay Adler at pekeng ngumiti. Ano bang mayroon sa mga sign sign nilang ganyan. 

Isa pa ito. Paano niya naiintindihan iyon? At parang asong sumusunod. 

For pete's sake? Seriously, ngiti lang iyon.


TO BE CONTINUE

M.J | MissGorJuice

Secrets Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon