2

416 11 3
                                    

“Will I ever see? You smiling back at me? Oh yeah. How will I know? If I let you go."

"Thank you, Dublin!" Matapos ang huling awiting If I Let You Go ay kumaway-kaway ang apat na kalalakihan sa crowd na dumalo sa kanilang konsiyerto. Naririnig nila ang pinaghalo-halong saya at lungkot ng mga tao habang tinatahak nila ang daan pabalik sa backstage. Gustuhin man nilang pahabain pa ang kanilang pagtatanghal ngunit iyon lang talaga ang kantang nakalagay sa setlist nila. They would really love to sing more for their fans but they couldn't because of the contract they had agreed upon.

"As usual, you did a good job again, boys," ani Louis Walsh, ang kanilang manager. Isa-isa nitong tinapik ang kanilang mga balikat. "I’ll leave the rest of the day to you, guys. Magpahinga kayo para sa mga konsiyerto sa susunod na araw."

The four lads nodded. They smiled as they watch their manager fled the dressing room.

Kian Egan, Shane Filan, Nicky Byrne, and Mark Feehily are all part of the Irish boyband, Westlife. Their group started as a five-piece band thirteen years ago but Brian, one of the main vocalist left the band in 2004. The four of them still decided to continue. Sa una ay talagang nahirapan sila kasi tila ba isa silang lamesa na nawalan ng isang paa pero kalaunan ay nakayanan naman nila.

Sa ngayon, nililibot nila ang Ireland para sa kanilang Gravity tour, the tour that helps them promote their eleventh studio album, Gravity. Pag nalibot na nila ang buong Ireland ay saka sila lalabas patungo sa ibang bansa.

Tumayo na si Mark Feehily at kinuha nito ang car keys at clutch bag na pagmamay-ari. "I'm going to head my way out, guys. Kevin’s already here." Ang tinutukoy ni Mark ay ang anim na taon na niyang karelasyon. Si Kevin McDaid. Hindi iyon lingid sa mga tao dahil matagal nang naisapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.

"Ako rin." Si Shane naman ang sunod na tumayo. Gillian and the kids are already waiting for me. Una na ako, mga ’tol." Nakipag-fist bump siya sa dalawang kabanda.

Inihatid ni Nicky hanggang pinto ang kaibigan. Nang tuluyang makaalis ito ay nagpalinga-linga muna siya. Nang masigurong wala nang ibang tao ay isinara niya ang dressing room at sinigurong naka-lock iyon.

He wears a smile as he walks towards Kian.

"Tayo na lang ang natitira." They look at each other with meaningful gazes. "Hindi na natin kailangan pang magpanggap." Ginagap ni Nicky ang isang kamay ni Kian at pinisil-pisil iyon. Nang hindi makuntento ay pinagkrus nila ang kanilang mga kamay, bagay na ikinatuwa nila pareho.

They were about to kiss each other when they heard a knock on the door.

Disappointment filled their faces. Agad nilang pinaghiwalay ang kanilang mga kamay. Lihim silang nagsulyapan habang nilalandas nila ang pintuan.

Bumungad sa kanila ang ilang fans na nagpapa-autograph. Wala silang choice kundi ang pagbigyan ang mga ito.

Let's Swap [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon