10

117 7 0
                                    

Napaawang ang bibig ni Kian sa laman ng malalaking paper bags na inilapag ni Jodi sa harap niya.

"Jodi, ano 'to?" Isa-isa niyang inilabas mula roon ang yoyo, ukulele, skateboard, lightsaber, at roller skates.

"Wala. Para lahat na ng nasa bucketlist mo, ma-cross out mo na." Umupo si Jodi sa couch na katapat ni Kian.

Nagniningning ang mga mata ng binata habang isa-isang hinahawakan ang mga ibinigay sa kaniya ni Jodi. Walang mapaglagyan ang saya niya. He never expected that his bucket list will be fulfilled as fast as this. Parang kailan lang e kasusulat lang niya ng mga iyon sa slambook.

"Thanks." He was overwhelmed with reaction so the first thing he thought is to approach Jodi and hug her.

Ganoon nga ang ginawa niya, na parehas nagpagulat sa kanilang dalawa. Sa ’di inaasahan kasi ay nakaramdam sila ng pagkadarang nang magtama ang mga balat nila.

Itinago nila sa isa't isa ang kakatwang pakiramdam na iyon.

"Walang anuman." Iniwas ni Jodi ang paningin kay Kian. Nag-focus siya sa mga ibinigay niya sa binata. Kinuha niya ang yoyo at sinubukang laruin.
Pero ilang beses na niyang sinusubukan e palagi pa rin siyang pumapalpak kaya sumingit na si Kian.

"Hindi ganiyan. Ganito."
Kinuha ng binata ang yoyo at makailang-ulit na pinatalbog. "Try mo ulit."

Muling sinubukan ni Jodi pero sa kasamaang-palad ay hindi pa rin niya nakukuha. Walang choice si Kian kundi ituro mismo kay Jodi iyon sa paraan na aalalayan niya ang mga kamay nito.

Uminit ang mukha ni Jodi sa sandaling magkalapit ang mga kamay nila ni Kian pero pinigilan niya kung anuman iyon. Nawi-weirdo-han siya.

Mayamaya ay nakuha rin niya ang tamang pagpapagalaw sa yoyo kaya nakuntento na siya.

"Kian?"

"Hmm?"

"I-publicize na kaya natin 'yong fake relationship natin? Look oh, 'yong kina Nicky at Katharina, kalat na kalat na."

Napatingin si Kian sa cellphone ni Jodi. Tunay ngang pinag-uusapan na sa social media ang kanilang partners.

"They look like a real couple," saad ni Jodi. "Magseselos na ba ako?"

"That's pointless. My boyfriend will never like Katharina. He's only mine."

Hindi nagpatalo si Jodi. "And Katharina is only mine."

Pabirong nagtinginan nang matalim ang dalawa na sa huli'y nauwi sa tawanan. They are both confident that those posts in social media are all part of the show, nothing is real. Kaya hindi nila sineseryoso ang anumang haka-haka o espekulasiyon na inilalabas ng social media tungkol sa kanilang partners.

•••

Jodi and Kian hold their hands as they walk through the sidewalk of Dublin. Katulad ng inaasahan ay nakuha nila ang atensiyon ng maraming tao.

Sigurado rin si Jodi na makararating ito sa ama. Ayos na rin iyon. Mabuti nang malaman iyon nito habang hindi pa sumasapit ang family dinner nila para makintil na sa utak nito na may boyfriend talaga siya. Na hindi  siya nag-boyfriend para lang makapagbitbit ng kung sino sa family dinner.

Hinigpitan niya ang pagkapit sa kamay ni Kian. Inihanda na niya ang sarili na magiging parte na siya ng buhay nito bilang celebrity.

Let's Swap [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon