11

112 7 0
                                    

"The sales of our album has surge 45% after these news came out," palatak ni Louis. Itinuro niya ang mga artikulo sa Irish Independent newspaper tungkol sa pagkakaroon ng rumored girlfriends nina Kian at Nicky.

Napangiti nang malaki si Nicky. Masaya siyang umaayon ang lahat sa plano niya.

"Aba, 'tol. Napakadaya naman. Bakit hindi man lang namin nalaman ni Mark 'yan? Ganiyanan na pala, ha? Samantalang ako, noong nililigawan ko palang si Gillian e alam n'yo ang lahat ng kilos ko."

"Tol, alam mo 'yong privacy?" ani Nicky.

"O sige na. Magpapaliwanag ka pa e basta ipakilala n'yo na lang sa amin 'yang girlfriends ninyo para mawala naman ang tampo namin sa inyo."

Si Mark naman ay tahimik lang sa tabi. Kakaiba ang pagiging tahimik nito pero hindi naman ito napapansin ng kaniyang mga kasama.

Tumayo na si Nicky. "Mauuna muna ako. Papunta ako sa girlfriend ko. Kanina pa iyon naghihintay sa akin."

"Sabay na ako, tol. Pupuntahan ko rin si Jodi."

"Ayos 'yong nasungkit mo, Kian. Mayaman ang tatay noon," pahabol ni Shane. Ngiti lang ang itinugon ni Kian.

•••

"Kumusta ka na?" panimula ni Kian nang nasa sasakyan na sila. Ihahatid siya ni Nicky sa townhouse ni Jodi bago ito bumiyahe papunta kay Katharina sa Belfast.

"Okay lang naman, hon." Sa tagal nilang hindi magkasama ay hindi mawari ni Nicky kung bakit ganoon katipid ang sagot niya kay Kian. Gusto niyang magkuwento nang magkuwento pero may pumipigil sa kaniya. Nauunahan siya ng hiya. "Ikaw?"

"Okay rin naman. Medyo okay naman kami ni Jodi. Alam mo ba, nakakatuwa iyon. Biruin mo ba namang bilhin lahat ng nasa bucket list ko? Eh, nabanggit ko kasi sa kaniya na iti-tick off ko lang sa bucketlist ko ang mga iyon kapag galing sa bigay. And look what she did. She bought all of those things for me," amused na sabi ni Kian.

"Really? Yung yoyo, lightsaber, and such? Ang daya. Ibibili palang kita noon, eh."

Tumango si Kian. Napabusangot naman si Nicky. "Anyways, no issue. Eh, siya ba? May bucketlist din? Why don't you help her achieve her bucketlist too para even na kayo?"

Umayos sa pag-upo si Kian. "Tama ka, hon." Sakto ay nasa tapat na sila ng townhouse ni Jodi. "Nandito na pala ako. See you around. I love you."

Hindi na nakasagot si Nicky dahil excited na umalis si Kian sa sasakyan. Ipinagwalang-bahala naman niya iyon. Nag-drive na siya papunta sa Belfast.

•••

"Saan tayo?" tanong ni Jodi. Nagulat na lang kasi siya nang higitin siya ni Kian nang makapasok ito sa townhouse. Ngayo'y nasa labas na sila papunta sa garahe habang magkahawak-kamay.

"The keys?"

Kinapa-kapa ni Jodi ang bulsa. Mayamaya ay natagpuan din niya ang susi. Ibinigay niya iyon sa binata.

Kian drove the car towards the county of Wicklow. Ang county na katabi lang ng Dublin.

Mayamaya ay gumarahe sila sa isang farm.

"Wag kang mahihiya. Farm ito ng tito ko." Inalalayan niya ang dalaga sa pagbaba sa sasakyan.

The first place where they went to is the barn. Hindi tulad sa inaakala ng iba na puro manok at baka ay puro exotic animals ang nandito. Licensed naman ng gobyerno kaya allowed ang tito ni Kian na mag-alaga ng mga gano’ng hayop.

"There you go!" Lumapit si Kian sa isang pinaglalagyan ng acrylic enclosure kung saan naroon ang isang tarantula.

Jodi become wide-eyed as she realized why they are at that place.

To tick off the bucket list.

Dahan-dahang binuksan ni Kian ang lid at pinagapang niya sa kamay niya ang tarantula. Nang matagumpay niyang gawin iyon ay inilapit niya iyon kay Jodi, na sa una ay nag-aalangan kung tatanggapin ba iyon o hindi pero sa huli'y kinuha niya rin.

Napangiti nang malawig si Jodi nang sa wakas ay nasa kamay na niya ang pinapangarap na insekto. Pinagapang-gapang pa niya iyon doon sa loob ng ilang minuto. Nang magsawa ay ibinalik na niya iyon sa pinaglalagyan.

"We're not yet done. Come on!"

Nagtataka man ay sumunod si Jodi kay Kian.

They found themselves in a garden full of flowers. Panay ang silip ni Kian sa maliliit na sanga ng mga bulaklak.

"Jodi, look!"

Kitang-kita nila ang paglabas ng isang paruparo mula sa pupa.

"Wow," buong paghangang sabi ni Jodi.

"Hindi man mismong caterpillar ang makikita nating nag-evolve into butterfly pero parehas pa rin iyon."

"Yeah. Medyo bobo ako sa part na iyon. Hindi nga pala nagiging butterfly agad ang caterpillar. Kailangan nga pala nitong dumaan muna sa stage ng pagiging pupa."

Kian chuckled. "Oh, tara. Tapos na tayo riyan."

"Saan naman tayo pupunta?"

Kian responded with a wink.

Hindi nagtagal ay nagawi sila sa malawak na grass area kung saan marami roong baka.

"Are we going to fulfill my wish to drink a fresh milk from a cow?"

"Spot on." Kian guided her towards a farm assistant who is squeezing a cow's teat. Doo'y kitang-kita nila kung paano pumupulandit ang gatas mula sa baka.

Napatakip si Jodi sa kaniyang bibig sa amusement. Gusto lang naman niyang uminom ng fresh milk pero hindi niya akalaing makaka-witness siya ng bakang kinukuhanan ng gatas.

They went inside the milk station. Doon sila kumuha ng gatas na iinumin. Pinakuluan na kasi ang mga naroon.

In just one gulp, Jodi finished the milk.

"You have a spilled milk. Wait." Kinuha ni Kian ang panyo sa bulsa niya at nilapitan niya si Jodi para tanggalin ang tinutukoy niyang gatas.

Napasinghap ang dalaga nang dumait sa kaniyang balat ang panyong ipinampapahid sa kaniya ng lalaki. Makailang-beses din siyang nagmulat-pikit nang matanto niyang napakalapit pala ng mukha nila sa isa't isa. Sa pagkakataong iyon ay parang may gumapang na apoy sa kaniyang lalamunan. Hindi siya makapagsalita.

"There." Napangiti si Kian nang makitang wala na ang labis na gatas sa palibot ng mga labi ng dalaga.

His smile faded away when he noticed how Jodi stares at him. Tila ba napako ang tingin nila sa isa't isa.

Naunang nag-iwas ng tingin si Jodi na unang nagising sa reyalidad. "Tara, balikan natin 'yong cows!" Pilit na pinasigla ng dalaga ang tinig, tila itinatago ang tunay na nararamdaman.

Let's Swap [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon