6

147 7 0
                                    

Naluluhang lumabas mula sa kuwarto ng ama sa ospital si Kian. Sinalubong siya nina Nicky, Shane, at Mark na lalong lumala ang pag-aalala nang makita ang kaniyang ekspresiyon.

Isa-isa niyang niyakap ang tatlo. Napatagal lang nang kaunti kay Nicky. Nais man niyang tagalan at higpitan ang pagyakap sa nobyo pero kailangan niyang bumitaw. Hindi puwedeng makahalata sina Shane at Mark.

"Tol, kumusta si tito?" tanong ni Shane sa kaniya.

Kumuha ng panyo mula sa bulsa si Kian at idinait iyon sa mga mata. "Hayun, nagpapasaring sa akin. Kung hindi man daw niya ako makikitang magkaapo sa kaniya bago raw siya mawala e sana man lang daw e makita niya akong magkaroon ng girlfriend." He forced to chuckle. Hindi niya alam na may gumuhit na pait sa mukha ni Nicky nang sabihin niya iyon.

"Mahirap 'yan. Liban na lang kung hahanap ka ng magpapanggap na girlfriend mo," suhestiyon ni Shane.

Napahawak sa gitna ng mga mata si Kian. Lumipad ang tingin niya sa kaibigan. "Ayokong magsinungaling sa daddy ko."

Hinawakan ni Shane ang balikat ng kaibigan. "White lies ang tawag doon, 'tol. Gaanong mapasaya mo si tito bago...."

Siniko ni Mark si Shane para mapigilan ito sa pagsasalita. "Tol. Ang bibig mo."

Napakagat sa dila si Shane nang mapagtanto ang sinabi. "Shit. Sorry, 'tol. Ang insensitive ko masyado."

"Ayos lang. May point ka naman, eh." Lumaglag ang mga balikat ni Kian. Sinulyapan niya ang kuwartong kinaroroonan ng ama niya.

•••

Maya't maya ang pagsulyap ni Nicky kay Kian na nakaupo sa passenger's seat. Malayo ang napapadpad ng tingin nito. Kanina pa ito tulala.

Hinayaan lang niya si Kian. Kilala niya ang nobyo. Mas nais nitong manahimik kaysa i-comfort kapag may pinagdaraanan. Sapat na para sa binata ang presensiya ng taong sa kaniya ay gustong dumamay.

Mayamaya ay naantala sila dahil sa pagtunog ng cellphone ni Kian. Walang pagdadalawang-isip na kinuha iyon ng huli at binasa ang dumating na mensahe.

"We need your help." Kian looked at Nicky. "The text is from Jodi."

Pagtango ang itinugon ni Nicky. Mayamaya ay nagmamaneho na sila patungo sa kinaroroonan ng dalawa.

•••

"Ipinagkakalat ng isang churchgoer na may karelasyon akong babae," problemadong saad ni Katharina. "Her accusations are baseless though alam naman nating totoo. Pero kaya lang kasi niya ikinakalat iyon e kasi gusto niyang sumipsip kay papa. Isinumbong ko kasi siya dahil nahuli ko siyang nagnanakaw sa church tithe bag."

Napalabi si Nicky. "Kung sino pa talaga ang palasimba 'no, sila pa ang may ganang gumawa ng ganiyan."

"Hindi naman lahat," apela ni Katharina. "Though may point ka rin naman. May mangilan-ngilang naliligaw. Ika nga sa Bible e sila iyong wolf in a sheep's clothing. At 'yong wolf na iyon 'yong churchgoer na tinutukoy ko."

Kian walked back and forth. "So what can we do to help?"

Jodi and Katharina gazed at each other for a while then looked at Kian and Nicky. "Kailangan namin ng tulong. We need someone that will pretend to be our boyfriend."

"Our? Bakit our?" takang tanong ni Kian.

Jodi crossed her legs. "I need someone too. Kailangan kong magsama ng ipakikilalang boyfriend sa family dinner." She smirked then leaned back on her chair. "I can't really believe I'm still doing this for the sake of the inheritance," she murmured.

Nicky and Kian smiled widely at each other, both seemed like there is an invisible bulb above their heads.

"We have a plan."

Let's Swap [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon