4

183 10 1
                                    

Gitgit ang mga ngipin na lumabas si Nicky mula sa kotse.

"Ano? Sino ang sinabihan mo ng bakla?" Galit niyang hinarap ang babaeng kanina ay sumisigaw.

Napaawang nang kaunti ang bibig ng babaeng may mahaba at brown blonde na buhok, hugis-peras na mukha at hazel green na mga mata.

"N-Nicky Byrne?" Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ng babae. Hindi pa nalulubos ang pagkagulat niya nang makita naman niyang lumabas mula sa sasakyan si Kian Egan. Naka-cross arms itong pumiwesto sa likod ni Nicky. "K-Kayong dalawa?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Nicky. "Ulitin mo ang sinabi mo, miss. Bakla kami?"

Natuod sa kinatatayuan ang dalaga. Mayamaya ay sumeryoso ang kaniyang mukha. "Oo, sigurado ako sa nakita ko.... namin."

Napatingin sina Kian at Nicky sa sasakyang nasa harap nila. Lumabas doon ang isa pang babaeng may maalon na blondeng buhok. Sa tantiya nila ay magkaedad lang ang dalawa.

"I'm Jodi," pagpapakilala ng babaeng kalalabas lang mula sa sasakyan.

Nilingon ng babaeng hindi pa nagpapakilala ang bagong dating. "Babe, sabihin mo nga sa kanila na kitang-kita natin sila na maghahalikan."

Magsasalita na sana si Jodi nang sumingit si Nicky. "Wait. Did you just call her babe?"

The woman nodded. "She's my girlfriend." Hinapit niya ang babae at akmang hahalikan nang pigilin sila ni Nicky. "Enough of this."

Humarang si Nicky sa dalawang babae kaya sandaling kumalas ang mga ito sa isa't isa. "Look who's talking. Inaakusahan mo kami kanina na bakla tapos ngayon, kayo naman pala ang gano'n?" He gave her a questioning look.

"Oh, eh ano?" Pinagkrus ng babae ang mga kamay.

Nicky shook his head. "Wala." Tiningnan niya ang bumper ng mga kotse nila na may kaunting sira. Napabuntong-hininga siya nang malalim. Mayamaya ay kinuha niya ang leather wallet na nakasuksok sa likod ng kaniyang bulsa. Humigit siya roon ng ilang euros at inabot sa babae. "Here. For the damage of your car."

Walang pasubaling kinuha iyon ng babae na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakilala.

"Pero mag-jowa talaga kayo?" Pabalik na sana sina Kian at Nicky sa kotse nang mapatigil sila sa itinanong ng babae.

"Hindi." Kian firmly said, trying his best to hide his nervousness.

"Sus, nahiya pa. Uso naman na iyan ngayon," saad ni Jodi. "Look."

Shock ang bumalatay sa mukha nina Kian at Nicky nang mabatid kung ano ang itinuturo ni Jodi.

Isang dash cam.

"Puwede kayong tumanggi nang tumanggi pero hindi kayo makapagsisinungaling sa camera."

"Shit!" Naihilamos ni Nicky ang mga kamay sa mukha nang mapagtantong nakuhanan sa camera ang akmang paghahalikan nila ni Kian.

Si Kian naman ay nauupos na napasandal sa kotse. Bakas ang pamomroblema sa kaniyang mukha.

"We understand the two of you." Sumingit ang babaeng may brown blonde na buhok. Ngayon ay medyo mahinahon na ito kumpara kanina. Bumalik ito sa sasakyan. Pagbalik ay dala nito ang SD card ng dashcam. "Take it." Walang pasubaling kinuha iyon ni Nicky.

"What happened here will just remain here." Dinala nito ang daliri sa ibabaw ng isinarang bibig, kunwa'y izini-ziplock iyon. Gumaya rin si Jodi.

Sa pagkakataong iyon ay nakadama ng kapayapaan sina Kian at Nicky. Ngayon man lang nila nakilala ang dalawa ay pakiramdam nilang mapagtitiwalaan nila ang mga ito ng kanilang pinakatago-tagong sikreto.

Let's Swap [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon