14

87 9 0
                                    

Mag-aalas dose na ng hatinggabi ay nasa ospital pa rin si Nicky. Buong tiyaga niyang hinihintay ang paglabas ni Katharina na abalang-abala pa rin sa pagtulong sa sunod-sunod na surgery sa mga biktima ng aksidente.

Grabe ang pinsala ng nangyari. Anim na ang namamatay. Dalawa roon ang binawian ng buhay sa ospital at ang apat ay on-the-spot. Bukod pa roon ay may tatlumpu't dalawang sugatan. Labinlima sa mga biktima ang may labis na pinsalang natamo.

Sinulyapan ng binata ang ilang inorder niya mula sa fastfood restaurant na para sa dalaga. Ni hindi pa iyon nagagalaw, ibig sabihin noon ay hindi pa nakakakain si Katharina mula hapon.

Napabuntong-hininga si Nicky. Inabala na lang niya ang sarili sa paglalaro ng kung ano-ano sa cellphone.

Mayamaya ay napatuwid siya sa pagkakaupo nang may umupo sa tabi niya. Si Katharina. Nakabihis na ito ng kaswal at dala-dala na rin ang bag, ibig sabihin noon ay tapos na ang shift ng dalaga. Nakabalatay sa mukha nito ang labis na kapaguran.

"Sorry kung pinaghintay kita," ani Katharina. "Sabi ko naman sa iyo, sa unit mo na ako hintayin, eh."

"I'm good. Hindi ko naman kayang iwanan ka sa ganitong situwasyon. At saka hindi naman ako nainip. Marami naman akong nakakausap na fans na nagpapa-picture."

Tumango si Katharina. Dumako ang tingin niya sa paper bags na nasa upuang namamagitan sa kanila. "Food ba ito? Shems, bigla akong nagutom."

Ilang saglit pa ay hawak-hawak na nito ang burger at kinagatan nang malalaki. Gutom na gutom ang dalaga.

Nicky looked at her with amusement. Naaaliw siya sa pagnguya ni Katharina, na kahit nawala ang demure nito ay nagagawa pa rin nitong maging cute.

Napatigil sa pagnguya ang dalaga nang mapansing tinitingnan siya ni Nicky. "Oh, bakit?"

Umiling-iling ang binata. "Wala. Ang cute mo kasi."

Wala namang chili powder ang burger pero pakiramdam ba ni Katharina ay umiinit ang pisngi niya sa pagkakataong iyon. She just shrug it off and continued to munch her burger.

•••

Nicky let Katharina ride in his car. Pinaiwan na muna niya sa dalaga ang sariling sasakyan sa parking lot ng ospital. Nag-aalala siya na baka makatulog ang dalaga habang nagmamaneho.

Nicky is right. Wala pang sampung minuto ay nakatulog na sa shotgun seat si Katharina, epekto ng labis nitong kapaguran sa maghapon.

When they arrived at the unit, Nicky tried to wake up Katharina but to no avail. Tulog-mantika ang dalaga kaya wala siyang choice kundi tungkuin ito papasok sa unit. Hindi naman siya nahirapan dahil hindi naman kabigatan ang dalaga.

He gently lays down Katharina on the bed. Ayaw niyang maistorbo ang pagtulog nito. Paalis na sana siya nang makuha ng atensiyon niya ang mga labi ni Katharina na tila ba nag-aanyaya sa kaniya. Malakas ang pagnanais na iyon kaya hindi namamalayan ni Nicky na palapit na pala siya nang palapit sa mukha ng dalaga.

Ilang pulgada na lamang ang layo ng labi niya sa mga labi ni Katharina nang kumislot ang dalaga, dahilan upang bumalik sa huwisyo si Nicky.

Dagling lumayo ang binata. Nakatayo na siya sa kama habang nakatingin pa rin sa dalaga. Gusto niyang pagalitan ang sarili.

"Mali ito, Nicky. Mali ito," paulit-ulit iyang ibinubulong ng binata sa sarili. Nang makahuma ay dahan-dahan niyang nilisan ang silid ni Katharina.

Samantala, nang tuluyang sumara ang pinto ay siya namang pagmulat ng mga mata ni Katharina. Sa pagkakataong iyon ay napatingin siya sa kisame habang may kinakapang kung emosyon sa dibdib.

"Oh, Nicky. Bakit mo ako ginugulo?"

Let's Swap [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon