15

93 8 0
                                    

Jodi and Kian built a tent several meters away from the edge of cliff where they jump earlier. Katatapos lang nilang mag-swimming ulit. Hindi na sana sila tutubog ulit kaso napuno sila ng foam kanina nang pumunta sila sa foam party.

Ngayon naman ay plano naman nilang mag-camping overnight para matsekan ang isa sa items sa bucketlist ni Jodi.

Tinusok ng binata ng roasting fork ang isang medium-sized na marshmallow at inabot iyon sa kasama. Nangingiting kinuha iyon ni Jodi at agad niyang itinapat ang marshmallow sa uling na nagkukulay orange.

Gano’n din ang ginawa ni Kian. Itinapat din niya ang roasting fork na hawak at pinaikot-ikot sa ibabaw ng apoy sa loob ng dalawampung segundo. Nang sapat na ang pagkakatusta ay inalis na nila sa apoy ang kani-kaniyang marshmallow at pinalamig iyon.

Nagtimpla si Kian ng dalawang mug ng chocolate marshmallow. Ibinigay ang isa kay Jodi at pagkatapos ay nag-toast silang dalawa.

"You are really determined to cross everything off from my bucketlist, love," saad ni Jodi. Love, was the endearment they agreed to call each other during their fake relationship.

"Of course." Kian sipped a drink from the mug. "Nag-e-enjoy rin naman ako, eh. Feeling ko, bucketlist ko na rin iyon."

Marahang tumawa si Jodi. Inubos na niya ang laman ng mug.

"Wait." Napatigalgal si Kian nang tila ba ay mayroon siyang naisip. Sinundan siya ng tingin ni Jodi nang pumasok siya sa tent.

Hindi natagalan ang binata roon. Pagbalik niya ay may dala-dala siyang sobre.

"Ano ’yan?" nagtatakang tanong ni Jodi.

A smile reaching his eyes lit Kian’s face. "Buksan mo na lang."

Wala nang pinalipas na saglit si Jodi. Binuksan niya ang sobre na naglalaman ng isang liham.

"Oh my!" Walang hudyat na namalisbis ang luha sa pisngi ng dalaga.

"It's a fan letter from Celine Dion!" Nilingon ni Jodi si Kian. "Paanong..." Umiling-iling siya imbes na ituloy ang pagsasalita. Sa labis na emosyon niya ay hinigit niya ang ulo ng lalaki papunta sa kaniya.

The next thing that happened, his lips are already touching hers.

Mariing napapikit si Jodi sa pagkakataong iyon. Wala siyang ideya kung ganoon din ba ang binata. Ang tangi niyang alam ay sunod-sunod ang pagdagundong ng kaniyang puso, na nakikisabay sa pagtunog ng hampas ng alon sa malayo at ng pagniningas ng apoy na nasa kanilang harapan.

Iaawang na sana ni Jodi ang labi saka siya natauhan. "Shit." Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin kay Kian na noo'y halo halo ang ekspresiyon sa mukha. "I-I'm sorry."

Akmang aalis si Jodi ngunit naudlot iyon nang pigilin ni Kian ang kaniyang kamay. "Jodi, dito ka lang."

"K-Kian." Napalabi si Jodi. Naroon ang kahihiyan sa kaniyang mukha. "H-Hindi ko intensiyo—"

"Eto? Intensiyon ko ito." Sa puntong iyon ay inikot ni Kian paharap sa kaniya ang dalaga. Wala na siyang sinayang na sandali at ngayon nga'y muli nang magkahinang ang kanilang mga labi.

Mas pinaglapit pa nila ang kanilang mga sarili upang mayakap ang isa't isa.

Tila ba sa pagkakataong iyon ay napakarami ng emosyon na nais nilang ipadama sa isa't isa, emosyong napakahirap iparating sa pamamagitan ng mga salita, emosyong tila ba matagal na nilang pinipigilan.

Isang luha ang kumawala sa mata ni Jodi. Napansin agad iyon ni Kian kaya sandali muna nilang itinigil ang paglalapit ng kanilang mga labi.

"Don’t cry, love," ani Kian sa baritonong tinig sabay pahid ng luha ni Jodi.

Hindi na nakasagot pa ang dalaga dahil inangkin muli ni Kian ang kaniyang mga labi.

•••


Natagpuan na lamang nila ang kanilang mga sarili sa loob ng tent. Ang paghahalikan nilang sinimulan sa harap ng tent ay doon nila itinuloy pa.

Nang kapwa mapugto ang paghinga ay kapwa nila habol ang paghigit ng hangin. Iniyupyop ni Jodi ang sarili sa dibdib ng binata. Samantalang si Kian naman ay ikinulong ang katabi sa kaniyang mga bisig.

"Kian...."

"Hmmm?"

Tumingala si Jodi para salubungin ang titig ni Kian. Pumagitan ang patlang sa pagitan ng kanilang pagtititigan. Kapwa nila hindi alam kung paano kauusapin ang isa't isa.

"I-I'm missing your lips."

Nagningning ang mga mata ni Kian at sa puntong iyon ay hinapit niya ang dalaga papunta sa kaniya.

"Me too."

Muli, natagpuan na naman nila ang kanilang mga sarili na pinagsasaluhan ang emosyonal na halik.

Let's Swap [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon