Prologue

13 4 8
                                    

“Alam niyo na ba ang balita?”

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang mga salitang iyon. Gumawi ang tingin ko sa grupo ng mga estudyante na nagkukumpulan sa kiosk para mag tsismisan. Mga babae ang karamihan sa kanila pero may ilan silang kasamang lalaki.

“May buntis sa school natin! Kaya engaged na at ikakasal para mapagtakpan ang kahihiyan. Mayaman ‘yon hindi ba? Kaya ayos lang kasi may pera. Ano nga ang pangalan non?”

Nagbulungan sila kaya hindi ko narinig kung sino.

“Ang aga lumandi! Mukha ‘yong mataray na may tinatagong kalandian sa katawan. Hindi na talaga napigilan. Nakakahiya. Kung ako ‘yon, hindi na ako magpapakita sa mga tao at aalagaan ko na lang ang anak ko!” Nagtawanan sila kaya nangunot ang noo ko.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Anong pinag-uusapan nila? At bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang apektado pa ako eh hindi ko naman kilala iyon?

“Hindi na naawa sa boyfriend, pinaasa lang pala. Si boyfriend, asang-asa tapos yung girlfriend dinadali na pala ng iba! Hindi ko alam pero noong nakita ko yung lalaki, mukhang wala pang alam sa ginagawa ng girlfriend niya!” mas lalong lumakas ang tawanan nila.

Sobra ang ginagawa kong pagpipigil sa sarili upang hindi sila puntahan at patigilin sa mga pinagsasabi nilang mga walang kwentang bagay. Pero maiksi lang ang pasensiya ko. These thick-faced brats have the audacity to talk about that fucking nonsense inside this school, what a trash. They should fucking tape their mouth! Hindi magandang nakikialam sa buhay ng iba lalo na kung hindi maganda ang lumalabas sa bibig nila.

Humakbang ako ng ilang beses, tama lang para makita nila na naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

“Gago, tumahimik kayo. Nandiyan si Patricio!” Agad silang bumaling sa akin at agad ding nag-iwas ng tingin.

Why are they scared?

“Watch your mouth… baka hindi niyo akalain, sa inyo pala mangyari ang mga lumalabas na salita sa bibig niyo. Tumigil kayo sa pagsasabi ng mga bagay na hindi niyo naman dapat pinapakialaman...” seryosong banta ko, matalim ang titig sa kanila.

These brats are shameless and stupid. They're wasting their time blabbering nonsense things rather than studying moral dimensions. Those harsh mouths are the real cause of the problem. They never think how words can wound a person.

“Hindi ka naniniwala, Patricio? Ang balita, galing daw sa STEM-A 12 ang babae."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at agad na kumalat ang kalituhan sa sistema ko. Alam ko ang section na iyon dahil nandoon si Feuryen. At bakit ayaw nilang marinig ko ang pinaguusapan nila? Anong mayroon? Anong ibig nilang sabihin?

Anong kagaguhan ang sinasabi ng mga ‘to?!

“Ano namang pakialam ko roon?" I said harshly. My face was distorted by so much irritation.

Tinalikuran ko na sila pero natigilan ako nang magsalita ang isa.

"Wala kang pakialam kahit na ang balita... girlfriend mo raw yung babae?"

Putang ina!

Iniwan ko na sila roon na puno ng galit ang loob ko. That was all fucking lies! Pupuntahan ko si Feuryen kung nasaan man siya para magkaliwanagan kami. Walang katotohanan ang mga sinasabi nila.

Hindi pa kami ulit nagkakausap simula noong isang linggo dahil hindi ko magawang hanapin siya. Hindi rin siya gumagawa ng paraan para kausapin ako. Bakit? Guilty ba siya? Totoo ba ang sinasabi ng iba tungkol sa kaniya? Anong nangyayari?!

“Tris, antagal naman ng debutant?” tanong ni Rai sa akin, isa sa mga pinsan ko.

Nasa rooftop kami para sa inihanda kong surprise party para sa birthday ng mahal ko. Ilang ulit ko siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Pati ang kaibigan niyang kinontsaba ko ay hindi rin sinasagot ang mga tawag ko.

Locked In Your Love (Lacaste Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon