Chapter 26

1 0 0
                                    

Tired

Nakatulugan ko na ang pag-iyak at masakit ang mga mata ko nang gumising.

Mag-isa ulit ako sa bahay. Sabado na ngayon at pupunta ulit dito si Nanay Helen para maglinis. Wala naman akong ibang gagawin at bawal akong lumabas kaya tutulungan ko nalang siyang maglinis.

Sobrang daming libro ang iniwan para basahin ko. Kahit gustuhin kong tumakas, hindi ko iyon magagawa dahil may nakita akong bantay sa labas ng aming pinto. Kahit na hindi ko pa nakikita kung sino ang nagbabantay, alam kong hindi iyon si Kuya Rico. Sinigurado talaga nina Mama na hindi ako makakaalis ng bahay.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito ginagawa sa akin ng mga magulang ko. Palagi ko namang ginagalingan sa pag-aaral at ginagawa ko naman ang best ko para hindi na sila ma-disappoint sa akin. Pero nakakapagod din pala kung lahat ng gawin mo ay hindi nagiging sapat.

Sa mga nagdaang buwan na kasama ko lagi si Patricio, doon ko lang nararamdaman ang kalayaan. Malaya kong nasasabi sa kanya ang lahat ng gusto ko, ang mga pangarap ko. Kapag kasama ko siya, hindi ko naiisip ang dadatnan ko rito sa bahay. Hindi ko naiisip na nakakadena ako sa matataas na expectations ng mga magulang ko. Noon, iniisip kong wala akong takas dahil magulang ko sila, sinusunod ko dapat sila.

Pero nang makilala ko si Patricio, nag-iba lahat. He’s like a key, the one who can set my chained heart free from the chains of expectations. Kahit panandalian lang iyon dahil balik na naman sa dati pag uwi ko, nagpapasalamat pa rin ako na dumating siya.

And talking about Patricio, he probably left Batangas at this hour. Hapon na kasi at patapos na kami ni Nanay Helen sa paglilinis. Nagmeryenda muna kami.

“Itatapon ko na lang sa basurahan sa labas ang mga basura, ‘nak tapos uuwi na rin ako. Naghihintay na ang mga apo ko sa akin,” ani Nanay Helen pagkatapos humigop ng kape.

“Ah sige po, Nanay Helen. Sa kabilang linggo na lang po ulit. At ang pangako niyo po sa akin, ah…”

“Oo naman, ‘nak. Tuturuan ulit kita magluto sa sunod na punta ko rito… at salamat nga pala sa pagtulong sa akin.”

Inihatid ko siya hanggang sa pintuan. Nilingon ko ang malaking lalaki na nakaupo sa labas ng aming bahay. Agad nangunot ang noo ko nang mapansin na medyo pamilyar siya. Tumayo siya at um-alerto nang makita ako.

“Kuya, kayo po ‘yung nagtatrabaho kay Mr. Keanno Agravante?” tanong ko.

Saglit lang itong sumulyap sa akin bago tumango. Nagtiim bagang ako bago tuluyang isarado ang pinto. Umakyat ako sa kwarto ko at dali-daling ni-dial ang numero ni Mama.

“Anong kailangan mo?” she said coldly after answering the call.

Napapikit ako at muling nakaramdam ng pagtatampo.

“Bakit po may guard pa sa bahay natin?”

“To make sure you won’t leave the house.”

“Tauhan ‘yon ni Mr. Agravante, Mama! Bakit ‘yon nandito? Pwede namang si Kuya Rico nalang ang  pagbantayin niyo kung wala kayong tiwala sa akin!”

Naluluha na ulit ako. Wala ba talagang tiwala sa akin ang mga magulang ko? At bakit tauhan pa ni Mr. Agravante ang kinuha niyang tagapagbantay rito? Ano ang ginawa ng matandang ‘yon kayna Mama at pati ganito ay napapakialaman niya? Bakit pati ang pagdidisiplina sa’kin ng mga magulang ko ay may impluwensya niya?

“I already fired Rico. Simula ngayon ay siya na ang bodyguard mo at magiging driver mo sa pasukan.”

“Ano, Mama?! Nagbibiro ba kayo? You fired Kuya Rico without me knowing? At ang ipapalit niyo pa ay tauhan ni Mr. Agravante? Bakit nakikialam ang matandang ‘yon dito?” hindi makapaniwala kong tanong.

Locked In Your Love (Lacaste Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon