Chapter 18

3 1 0
                                    

Sayaw

Hindi na ako naniwalang darating pa siya. It's already 10:45PM and sooner or later, my father will be here to fetch me.

Ilan na rin ang nagyaya ng sayaw sa akin at pinaunlakan ko naman. Noong hinigit pati ako ni Geinne kanina ay hindi na ako nagreklamo. Nag-party dance kami kanina sa gitna kaya may mga nakilala ko ang mga ibang kaibigan ni Geinne.

Sayang naman ang pagsali ko dito kung nakaupo lang ako ng ilang oras sa gilid. Wala namang sinasabi sa akin si Erge tungkol sa pinsan niya kaya mas lalo akong nagtaka. I was so bitter but I managed to enjoy the night a little bit with new found friends.

They should’ve told me the reason. Para hindi ako umaasa na darating siya. Kung may mas mahalaga siyang ginagawa, maiintindihan ko iyon kung sinabi naman niya una pa lang. Kaya lang kahit isang text man lang ay wala.

Noong una ay hinihintay ko pa si Patricio pero kalaunan ay sumuko na ako. Pumasok din sa utak ko na baka may emergency siya. Hindi niya ako paghihintayin nang ganito para sa wala. Kaya hihintayin ko nalang ang paliwanag niya. Hindi ko na gagawin ulit ang ginawa ko noong isang araw na hinayaan kong pangunahan ako ng damdamin ko. Ngayon, mas uunahin kong pakinggan ang paliwanag niya.

“I tried to reach you, I can't hide
How strong's the feeling when we dive
I crossed the ocean of my mind…”

Nilingon ko ang banda na nasimulang tumugtog sa unahan. Ciela's cold voice almost made me shiver. She really have the talent. May ka-duet siyang lalaki and it shocked me when I saw who it was. Noong nagsimula nang kumanta ang male vocalist, ang lahat ay napatigil dahil sa pagkamangha. Ang mga nagsasayaw sa dancefloor ay napako ang tingin sa unahan.

“My wounds are healing with the salt
All my senses intensified
Whenever you and I, we dive
I crossed the ocean of my mind…”

It was Kuya Cali Yrreverre, kapatid ni Damenique na kaibigan ko at dating kaklase. Halos ang lahat ay nanunuod sa kaniya. His cold yet sweet voice is very soothing. Ilang beses ko na siyang napakinggan kumanta pero kapag naririnig ko ulit, namamangha talaga ako at kinikilig.

“But in the end I drown
You push me down, down.”

Nagsigawan at palakpakan ang crowd at nagrequest pa ng kasunod pagkatapos ng unang kanta. Pati ako ay nakipalakpak. Wala ang mga kasama ko sa table. Hindi ko alam kung nasaan si Geinne at Erge. Sumimsim ako ng pineapple juice bago muling tingnan ang cellphone ko.

11PM na. Wala na akong ibang message na hinihintay kundi ang kay Papa. Malapit na niya akong sunduin.

“Uh… excuse me lady. Can we dance?” nilingon ko ang baritonong boses na iyon.

Natigilan pa ako at tumunganga sa kamay na nasa harapan ko. The campus crush, Gun Klaiamn Cosiquien is in front of me and asking for a dance.

So, he will be my last dance? I cleared my throat before nodding. He hold my hand and he gently pulled me at the middle. Narinig ko ang singhapan ng mga estudyanteng nadadaanan namin. This guy is really an attraction but I am not attracted. Pumayag lang ako dahil wala na akong ibang gagawin at hinihintay ko nalang ang sundo ko.

“What’s your name?” he asked while grinning boyishly.

“Harrah,” I simply said.

Tumango siya at ngumiti bago kami sumayaw. He's holding my waist with respect so I felt relieved. Mayroon kasi akong nakasayaw kanina at masyadong mataas ang pagkakahawak sa gilid ko kaya agad akong nag back-out. Laking pasasalamat ko sa suot kong peep toe heels at naabot ko ang batok niya. Tuloy pa rin ang pagkanta ng banda habang nagsasayaw kami.

Locked In Your Love (Lacaste Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon