Chapter 32

2 1 0
                                    

Light

Life is really full of surprises. It's full of adventures and uncertainties. You'll come to the point where you were in sky and then suddenly, you found your self on the ground. Too weak to get up.

The dimness of my life doesn't mean I won't see light again. A tragedy doesn't mean there is no hope. And a downfall doesn't mean that you will never rise again. Yes, it's hard but you'll get there little by little. You will rise again and see the light above.

Nagbabago na ang kulay ng langit. Bumuntong hininga ako at pinigilang alisin sa isipan ang isang tagpo na gumuhit sa aking isipan. Pumalakpak ako upang agawin ang atensiyon ng ilang kabataan na abala sa pagguhit sa kanilang mga papel.

"Mga bata, humahapon na. Umuwi na ta'yo at bukas nalang natin ipagpatuloy ang pagguhit niyo?" nakangiti kong sambit sa mga ito.

Sabay-sabay silang umungot at nalulungkot na nagpaalam. Inayos na nila ang kanilang mga papel at pangsulat.

Hindi kagaya ng ibang mga bata na natutuwa kapag uwian, ang mga batang tinuturuan ko sa isang parke dito sa kabisera ng Camarines Sur ay nalulungkot tuwing natatapos ang aming munting klase. Ang mga batang ito ay nakikita ko lang noon na pagala-gala rito. Dadalawa lang sila noon pero kalaunan ay naging siyam na bata na ang tinuturuan ko ng libre. Nakakaawa kasi ang mga ito dahil nakita ko silang palaboy-laboy dito noon at hindi nakakapag-aral dahil siguro sa kahirapan.

"Ma'am Yen, pwede po bang ituloy namin ang pagguhit kahit tapos na ang klase?" tanong ni Edgar, ang pinakabata sa kanilang lahat.

Ngumiti ako. "Siyempre naman! Pwede niyo iyong gawin at bukas ulit ng hapon ay titingnan ko ang mga ginuhit niyo."

Nagdeklara sila ng kasiyahan sa sinabi ko. Ngumiti ako sa mga ito. Unti-unti na silang tumayo at ginawa ang itinuro ko.

"Goodbye, teacher Yen!" sabay-sabay nilang pagpapaalam.

"Goodbye mga bata! Ingat ka'yo sa pag-uwi!"

Kumaway ang mga ito sa akin bago tuluyang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan. Ang saya turuan ng mga bata. Kahit araw-araw ko itong gawin ng libre ay gagawin ko!

Pinagpaggan ko ang suot kong uniporme at naghanda nang umuwi. Ika-fourth year ko na sa kursong Education at masaya ako sa napili ko.

As I said, I'll get there little by little.

Umuwi ako sa tinitirhan kong apartment sa nakaraang mga taon. Sa totoo niyan, hindi dito ang unang lugar kong tinigilan. Pagkatapos ng trahedya, natagpuan ko nalang ang sarili ko sa bahay ng mag-asawang mangingisda sa probinsiya ng Marinduque.

Kusang lumuha ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ni Patricio. He's in front of me, smiling like an angel. Ang guhit na nasa kaniyang mga pisngi dulot ng kaniyang ngiti ay nagpaluha ng lubos sa akin. Nasa harap ko siya! Hindi siya galit sa akin!

"Patricio!" I tried to extend my arms and reach him but I can't.

Paulit-ulit ko siyang pilit inabot pero hindi ko magawa. It made me even more frustrated when he doesn't move despite I'm calling him. Nakatitig lang siya sa akin at bahagyang nakangiti.

When I opened my eyes, the first thing I saw is the roof of an unfamiliar house that's made from anahaw leaves. There is no sign of Patricio.  Agad akong napabalikwas mula sa pinagkakahigaan ko at agad kong naramdaman ang kirot sa aking ulo at kanang braso.

I am alive!

Ngunit umiyak akong muli nang maalala ko ang panaginip ko. Nanikip ng sobra ang dibdib ko. Humagulhol ako ng iyak dahilan upang pumasok ang isang ginang sa kwartong kinaroroonan ko.

Locked In Your Love (Lacaste Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon