Chapter 28

1 0 0
                                    

Cake

Dumating na ang hinihintay kong araw. Sabado na ngayon at birthday ni Papa.

Gumising akong wala na sina Mama. Parehas na silang nasa ospital pero sinabi ko naman sa kanila kagabi na agahan ang uwi ngayon para sabay-sabay kaming mag dinner.

I'm excited and nervous at the same time. Bukod sa magkakasama-sama kaming kumain mamaya, plano ko na rin sabihin sa kanila ang totoo. Ang tungkol sa gusto ko sa college at tungkol kay Patricio. Pero hindi ko muna ipapakilala si Patricio. May tamang panahon para roon.

Gusto kong sabihin na gusto kong magtake ng Bachelor of Education sa college. Ilang buwan nalang kasi at malapit na akong grumaduate. Nasa kalagitnaan na kami ng second sem.

Inayos ko ang lahat ng ingredients na gagamitin ko. Maaga palang ay dapat mag-umpisa na. Medyo marami rin kasi ang lulutuin.

Una kong inayos ang mga pastry ingredients. Magbe-bake muna ako. Isusunod ko ang adobo bago ang spaghetti.

I already practiced it a lot of times. Siguro naman ay hindi na ako papalpak. Pwede naman akong magpatulong kay Nanay Helen kaya lang hindi siya pwede ngayon, inaalagaan niya ang apo niyang may sakit.

Nang natapos kong paghalu-haluin ang lahat ng ingredients para sa chocolate cake, isinalang ko na ito sa oven. Siguro ay aayusin ko na muna ang ingredients ng adobo habang hinihintay kong ma-bake ang cake.

I glanced at the wall clock in our kitchen. 4PM na. Kanina pa ako nagluluto. Naayos ko na ang cake at adobo. Handa na rin ang mga ingredients ng spaghetti. Iluluto ko na rin ito. My parents will be home at probably 5PM.

Ngumiti ako habang tinitingnan ko ang ini-arrange kong lamesa. Handa na ang lahat. Nasa gitna ng lamesa ang ni-bake kong cake. Simple lang ito dahil hindi naman ako ganon kasanay sa pagdedecorate ng cake. Sana magustuhan ito nina papa.

Naligo muna ako at nagbihis habang hinihintay ko sila. Nilagyan ko na rin ng ointment ang mga burns ko sa kamay. Ngumuso ako. Hindi pa rin kasi ako ganon kasanay, minsan mabigat ang hinahalo ko kaya dumidikit sa lutuan ang kamay ko.

Narinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas. Nagmadali akong bumaba. Nandiyan na sila!

Tinakbo ko ang pintuan. Hinintay ko itong magbukas. Bumungad sa akin si Mama sunod si Papa.

Lumapit ako kay Papa at yumakap.

"Happy Birthday Papa!" maligayang pagbati ko.

He chuckled a bit. Ginulo niya ang buhok ko.

"Thank you, Feury."

May narinig akong ingay sa labas. Kumalas ako ng yakap kay Papa. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Greg. Nakita ko sa likuran niya ang kaniyang ama. Magkasunod silang pumasok sa loob. Nilingon ko sina mama at papa. Nakangiti sila rito.

"Happy Birthday Tito," ngumiti ito kay Papa.

"Oh ipasok niyo na ang mg iyan dito bago pa lumamig!" utos ni Mr. Keanno sa mga nasa labas na tauhan.

Pumasok ang ilang bodyguards bitbit ang mga kung anu-anong pagkain. Nagbara ang lalamunan ko. Hindi ako nakaimik.

Lumapit si Mr. Keanno kay Papa at binati ito.

"Happy Birthday Frederick!" sambit nito sabay ngisi.

"Salamat Mr. Agravante! This is so kind of you!" si papa naman.

Tinutukoy niya ba ang mga pagkaing dumating? Galing kay Mr. Agravante?

"Dito muna kayo, ia-arrange ko lang ang table para mai-celebrate natin ng maayos ang birthday ng asawa ko," nakangiting saad ni mama sabay punta sa kitchen namin.

Locked In Your Love (Lacaste Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon