Chapter 16

2 1 0
                                    

Selos

“Feuryen, sandali lang!” sigaw ni Geinne.

Tumigil ako sa paglakad nang nasa tapat na kami ng garden. Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. I never think that it will hurt this way. Sino yung babae at mukhang napakasaya niya? Nakakainis dahil ganito palang ay umiiyak na ako!

Sumunod sa akin si Geinne sa likod ng mga bougainvillea. Pasalampak akong naupo roon. Ang sakit ng dibdib ko. Dapat bago ako sumabak, inihanda ko ang sarili ko. Alam kong masasaktan lang ako. Ang saya saya niyang tingnan habang kayakap niya ang babae. Noong magkayakap ba kami, ganiyan din ba siya kasaya? Baka naman hindi? Sa ibang eskwelahan pumapasok ang babaeng ‘yon at mukhang namiss nila ang isa't isa kaya siyempre mas masaya siya. Paano ako? Akala ko ako ang gusto niya pero bakit iba ang niyayakap niya?

“Feuryen, hintayin mo munang magpaliwanag si Patricio bago ka umiyak nang ganiyan,” saad ni Geinne na nakaupo sa harapan ko.

Yes, she's right but it's hard to refrain myself from getting hurt. Mabigat sa dibdib. Gustong gusto ko na rin siya kaya ako nagkakaganito. Hindi ko mapigilang mag overthink. It’s my worst enemy of all time, overthinking. It ruined my tranquility and peacefulness. It corrupted my mind with negative thoughts and what ifs.

Nag ring ang cellphone ko. Si Tris ang tumatawag. Ayokong sagutin. Ayokong makita niyang ganito ang ayos ko. Hindi rin maganda ang pakiramdam ko dahil sa pagyakap niya roon sa babaeng hindi ko kilala. Bakit parang nakalimutan niya ako dahil sa iba?

“Hindi mo sasagutin?” Geinne asked.

Mapait akong umiling. “Ayaw ko.”

“Dito ka lang. Bibili ako ng lunch nating dalawa…”

Tumayo na si Geinne pero hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin.

“Geinne… salamat,” I uttered. She smiled at me before leaving.

Naupo ako roon ng ilang minuto pero natatagalan si Geinne. Medyo kumalma na ako pero naroon pa rin ang sakit. Hindi na ako umiiyak at inayos ko na rin ang itsura ko. I was about to stand and go back to our room when she came, panting.

“Ano ba ‘yan! Ang hirap takasan ni Patricio. Hinahanap ka niya!” iritado niyang saad at halata mong kakagaling lang sa pagtakbo.

“A-Anong ginawa mo?” I want to slap myself for asking.

Hindi pwedeng ganito ako lagi! Konting kibot lang niya lumalambot na ako.

“Tinarayan ko! Ang sabi bakit daw andami kong dalang pagkain. Sabi ko para samin ng boyfriend ko at anong pakialam niya! Tinatanong ka niya sa'kin, sabi ko hindi ko alam, baka nasa boyfriend?”

Nanlaki ang mga mata ko. Ngumisi siya bago inilahad sa akin ang pagkain na dala.

“May boyfriend ka? Totoo?” tanong ko habang kumakain kami sa isang lamesa sa likod.

Nasa likod kami ng building ng department namin. May mga upuan at lamesa rito. Kami lang dalawa ang kumakain pero mayroong magboyfriend na kasama namin sa isang malayong upuan. They’re shamelessly kissing and giggling even though they noticed us!

“Hindi pa kami…” nahihiyang saad niya.

Pansamantala kong nakalimutan ang bigat sa dibdib ko dahil sa mga kwento ni Geinne. Hindi niya ako iniwan simula kanina and I’m beyond thankful of her. Ilang ulit ding tumawag si Patricio sa akin pero hindi ko sinasagot at pinatay na lang ang cellphone ko. Ayaw ko siyang kausapin ngayong sariwa pa ang lahat sa akin.

“Hindi mo pa sinasagot?” tanong ko.

Umiling siya. “Hindi pa siya nanliligaw dahil busy siya sa pagtu-tutor sa pinsan ko.”

Locked In Your Love (Lacaste Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon