Chapter 15

3 1 0
                                    

Sasagutin

"Tris... next time nalang kaya?" kinakabahan kong pakiusap kay Patricio.

Sinundo niya ako sa amin dahil ipapakilala na raw niya ako sa pamilya niya. Linggo ngayon at kakatapos lang namin sumimba sa St. Thomas Aquinas Parish. May kalayuan ito pero iyon ang gusto niya. Pagkalabas pa nga lang namin ng simbahan, humirit na siya.

"Dito kita papakasalan..." he said out of the blue.

Agad akong nasamid sa iniinom kong palamig na binili namin. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Nanatili naman siyang seryoso. Akala ko ay nagbibiro lang siya. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko. It's our first time to attend a mass together but he already thought of marrying me... here. I, on the other hand, secretly loved the idea. Pero naalala kong nanliligaw pa nga lang pala siya tapos ganito na agad ang nasa isip naming dalawa!

Malapit na kami sa bahay nila ngayon. May dala akong chocolate cake na binili ko bilang regalo sa parents niya, siya ang may bitbit noon.

Noong isang araw niya lang sinabing ipapakilala niya ako sa pamilya niya pero hindi ko inakalang ganito kabilis! Abot ang kabog ng dibdib ko. Samantalang siya ay pangiti-ngiti lang. Pansin ko rin ang pamumula ng mga tainga niya.

"Lume-level up kana, ah? Tris na rin ang tawag mo sa akin..." pang-aasar niya na ikinahaba ng nguso ko.

Nasa kanan ko siya at nakaalalay sa gilid ko kung sakali raw na may dumaang sasakyan. Mabagal lang ang lakad namin kahit tanghali na, may bitbit kasi siyang payong at kasya kaming dalawa. He's wearing a black jeans partnered with a white polo shirt. Naka Lettuce trim Embroidered Butterfly Rib-knit dress naman ako at may nakasabit na strapped bag sa balikat ko na kakulay ng damit ko, sky blue.

"Bakit... ayaw mo ba?"

"Gusto... gustong gusto... feeling ko special ako." He chuckled and it was like music to my ears.

"Andaming tumatawag sa'yo ng Tris..." I informed.

"Iba yung sa'yo. Mas gusto ko 'yon."

Nag-init ang magkabila kong pisngi. Gusto niyang tawagin ko siyang Tris. Hindi ko siya maintindihan minsan. Dati, ang suplado niya. Hindi ko alam kung anong nangyari ngayon. Biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Tumigil kami sa harap ng bahay nila. Inabot niya na sa akin ang cake dahil sinabi kong ako ang mag-aabot noon sa parents niya.

Their house is simple and cute. May terrace din sila kagaya ng kayna Erge pero dito ay puno ng mga halaman at bulaklak. Binuksan niya ang kanilang gate at una akong pinapasok. Nagaalinlangan pa ako nung una kaso tinitigan niya ako ng seryoso. Pumasok na tuloy ako.

Napakapit ako sa braso ni Patricio nang may tumahol na aso. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.

"Baka kagatin ako!" iyak ko.

"Kagatin mo rin kapag kinagat ka," walanghiyang sabi niya.

Hinigpitan ko ang kapit ko sa kaniya kaya napadaing siya. Kinakabahan na nga ako, mas lalo pa ngayon!

"Aray! Hindi na... ako na lang ang kakagat sa'yo, hindi 'yon masakit."

Loko! I grimaced while he was beaming. Hinanap ko kung nasaan ang aso pero nakatali pala. Nakahinga ako ng maluwag. Pero tahol pa rin ng tahol ang aso nila.

Kailangan pang lumakad ng kaunti para makarating sa mismong bahay nila. Mga limang hakbang siguro. Maraming roses na tanim at iba't iba ang kulay ng mga bulaklak nito. Mayroon ding ibang klase ng mga bulaklak na hindi ko alam kung ano ang tawag.

"Mahilig si mama magtanim..." saad ni Patricio nang mapansing nakatingin ako sa mga bulaklak partikular sa mga rosas.

"Ang cute nga... Sana pala ay halaman ang dinala ko," kumento ko. Pansamantala kong nakalimutan ang kaba.

Locked In Your Love (Lacaste Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon