Chapter 22

1 1 0
                                    

Slow motion

Naririnig ko ang mabibigat at nagmamadaling hakbang sa likuran ko. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko na alintana ang ilang estudyanteng nadaraanan ko. Mas lalo kong binilisan ang paghakbang.

“Feury!” pagtawag ni Patricio gamit ang malalim niyang boses.

Ang sulok ng aking mga mata ay tuluyan nang pinakawalan ang mga nagbabadyang luha. Ang sakit sa dibdib na isiping may ginawa siya. Ang sakit isipin ng katotohanan.

Hindi ko man nakita na ginawa niya talaga iyon, nakita naman ni Erge. Kaya hindi ko na dapat isipin na hindi niya iyon kayang gawin. Hindi ko na dapat siyang ipagtanggol. Nagagalit ako dahil sinaktan niya ako ng ganito. Niloko niya ako. Hindi man kami pero sa pagkakataong niligawan niya ako, may responsibilidad na siya. At ang tanga ko dahil hinayaan ko lang na mahulog ako at masaktan ng ganito.

Awasan na. Nagsisiuwi na ang mga estudyante. Pinili kong sa garden na lang muna dumiretso dahil patuloy ang pagpatak ng mga luha ko at ayaw kong makita ako ng ibang tao.

“Feuryen! Shit! Hindi ako ‘yon!” si Patricio na nasa likuran ko na pala.

Nasa pinakalikod na kami ng garden dahil mayroon ng mataas na bakod. Walang tao at kaming dalawa lang. Malamig ang hanging amihan. Wala ang araw. At kagaya ng panahon, nanlalamig ako.

Hinarap ko siya ng may bahid ng galit.

“Ano Patricio? Akala mo hindi ko narinig? May ginagawa kayong milagro!” galit na bato ko sa kaniya.

Mas lumapit siya sa akin kaya naman heto na naman ang dibdib ko na mas bumilis ang pagtibok! Nakakainis! Nakakagalit! I hate myself! I hate Patricio!

“Mali kayo ng iniisip! Fuck!” frustrated na mura niya.

“Ano ba! Layuan mo ako! Tigilan mo na ako! Ayoko na! Huwag kang lumapit!” medyo pasigaw kong sabi habang nagpapatakan ang mga luha ko.

“F-Feury…” he whispered with his shaking voice. His eyes were bloodshot while looking at me with a hint of fear in his eyes.

“Nakita ‘yon ni Erge! Kaya huwag ka nang magkaila! Niloko mo ko! Sabi mo ako ang gusto mo pero bakit mo ginawa ‘yon?!”

Umiling siya at yumuko. Nanatili naman ako sa harapan niya na umiiyak. Ayoko na. Sinasabi ko na nga bang masasaktan lang ako. Pero dahil nga gusto ko na siya nagpatuloy ako. Pero ngayong ganito katindi ang sakit, mukhang hindi na itong simpleng pagkagusto lang, mas malalim na. At kung pagmamahal ang dahilan kaya ganito ang nararamdaman ko, baka nga mahal ko na siya.

Alam kong hindi lang puro saya, may sakit din, may paghihirap din. Naduduwag ako. Dahil baka ang pagmamahal ko sa kaniya ang tuluyang sisira sa akin.

“Baby, hindi ko ‘yon magagawa sa’yo. Hindi ako hahalik sa iba. Ni hindi ako nahawak. Noong sinabi kong gusto kita, mula noon, ikaw lang ang babaeng tiningnan ko. Sa’yo ko lang gustong idampi ang balat ko. Mali ang iniisip niyo. Hindi ako ‘yon!” nagsusumamo ang boses niya.

Napalunok ako at pinahid ang mga luha. Masakit pero nandito pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. Umaasa pa rin ako na totoo ang sinasabi niya. Pero gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi ako mahina. Hindi agad ako magpapadala sa kaniya.

“Manahimik ka, Lacaste!”

Nag igting ang panga niya. Nanlaki ang mga mata ko at naestatwa nang bigla niyang hilahin ang baywang ko papalapit sa kaniya. Parang napigtas ang pisi ng kaniyang pasensya dahil sa sinabi ko. He tilted his head then kissed me abruptly.

Siniil niya ng marahas na halik ang labi ko. Agad kong naramdaman ang init ng mga labi niya. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok. Gusto ko siyang itulak pero may sariling utak ata ang mga kamay ko. Hindi ko nagawa at nanatili ang mga ito sa dibdib niya.

Locked In Your Love (Lacaste Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon