Choices

755 32 6
                                    

Part One.

Third Person's Pov

"Aga?"

"Aga, kausapin mo naman ako. Mag-usap tayo. Ano bang problema? Ano bang nagawa ko? May nasabi ba ako para hindi mo ako kausapin? Para iwasan mo ako?"

Tuloy tuloy lang ang lakad ni Aga. Iniisip na lang niyang wala siyang naririnig. Walang nagsasalita. Walang humahabol sa kanya at pilit na nagmamakaawa.

"Aga, sadali lang, please. Let's talk. Hindi ko na kayang hindi ka kausapin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko. Please, kausapin mo ako." hinawakan niya ito sa braso para mapatigil sa paglalakad.

He glanced at her and saw her crying.

"Ano b-bang problema? Ano bang nagawa ko? Bakit hindi mo ako kinakausap? B-bakit ka umiiwas? Bakit ka lumalayo?" basag na ang boses nito. Basang basa na 'yong mukha niya dahil sa luha.

Aminado si Aga na naaapektuhan siya sa nakikita niya. Bakit nga ba kasi siya iniiyakan nito?

"Hindi mo naiintindihan." sagot ni Aga.

"Talagang hindi ko naiintindihan. Kasi hindi mo pinapaintindi sa akin. Bigla ka na lang umiwas. Bigla ka na lang lumayo. Ano ba talagang problema?!"

"Charlene, I have a girlfriend, okay?! At hindi pa ba malinaw sa'yo na mali na lumalabas tayong dalawa? Mali na nagsasama tayo. Mali 'yon, Charlene. Ano pa bang hindi mo naiintindihan doon?!"

"Wala naman tayong ginagawang masama, diba?! Hindi naman kita inaagaw sa kanya eh."

"Inaagaw? Inaagawan mo siya ng oras sakin, Charlene." sagot ni Aga habang tinatanggal ang pagkakahawak ni Charlene sa braso.

She faked a laugh, "Hindi ko siya inaagawan ng oras sa'yo, Aga. Ginusto mo rin namang samahan mo ako, diba? Dahil kung hindi mo ginustong sumama sa akin, una pa lang, tatanggihan mo na ako. Tama ba?!"

Umiling lang si Aga sa sinabi ni Charlene. Hell. Bakit niya ba napasok 'tong ganitong sitwasyon?

"So, kaya ka umiiwas dahil sa kanya? Naguiguilty ka ba? Bakit ka na-guiguilty? Wala namang mali eh."

"Nung inamin mong mahal mo ako, 'yon pa lang, mali na, Charlene. Maling mali na." he shouted back. Good thing, nasa parking lot sila. Walang tao.

"Nararamdaman ko 'yon eh. Mapipigilan ko ba? Inamin ko lang namang mahal kita, diba? Hindi ko hiniling na mahalin mo rin ako. Wala akong hiniling sa'yo. Wala akong hininging kapalit."

"Tigilan mo na ako, Charlene."

Lumuhod si Charlene, still crying. Nagulat si Aga sa ginawa nito. For the second time, lumuhod na naman si Charlene sa kanya.

"Please, huwag kang lalayo. Please, hindi kita aagawin sa kanya. Hindi ko ipipilit 'yong sarili ko sa'yo. Hindi ko kukunin 'yong oras mo sa kanya. Hayaan mo lang akong mahalin kita. Hayaan mo lang akong kausapin kita. Hayaan mo lang na bumalik tayo sa dati. Na nag-uusap. Kahit... Kahit hindi na 'yong madalas na magkasama. Kahit wala nang tawanan. Huwag lang 'yong ganito, Aga. Huwag lang 'yong ganito. Tanggap ko na na hindi mo ako mahal kasi may Lea ka na." sabi nito kahit umiiyak.

Isa lang 'yong puso ni Aga. Pero alam niya sa sarili niya na, dalawang babae ang mahal niya. At ngayon, the blame is on him. Kasalanan niya lahat. Siya ang mali. Hindi si Lea. Hindi si Charlene. Hindi ang tadhana. Kundi sarili niya.

"Tumayo ka diyan." kalmadong sabi nito. Hindi niya alam kung tama ba ang mga susunod na sasabihin niya. Agad namang tumayo si Charlene.

"I have two reasons kung bakit ako lumayo. Una, dahil kay Lea. Dahil may girlfriend ako. At mahal ko siya. Pangalawa, dahil sa nararamdaman ko..." napatingin naman si Charlene sa kanya.

Forever SweetheartsWhere stories live. Discover now