Lea's Pov
Minsan, sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao, pinapalagpas mo na lang kung anong nangyari. Kung anong nagawa niya. At kung paanong nasaktan ka sa mga sinabi niya,
"Babes? Still there?" tanong sa akin ni Aga. A week after ng party ng Miss Saigon, he called me. Nag-sosorry pa rin. Hindi ko naman siya matiis kaya pinagbigyan ko.
Hindi lang naman talaga 'yong pag-sigaw niya sa akin 'yong problema eh. 'Yong mga sinabi niya. Never kong inisip na sasabihan niya ako ng ganun.
I thought I'm his Princess? Akala ko ba hindi siya gagawa ng bagay na ikakagalit ko? I thought he's my Knight In Shining Armor, then why is he hurting me?
"Ah, yeah. Sorry, may ginawa lang ako." pag-eexcuse ko. As much as possible, ayaw kong ipahalata sa kanyang may epekto pa rin sa'kin 'yong nangyari. Ayaw kong ipahalatang may nararamdaman akong iba at mali sa kanya.
"I miss you, babes." he said out of nowhere. After that fight, ngayon niya na lang ulit nasabi 'yan.
"I miss you, too." sagot ko naman.
"Babes, gusto ko sana magkausap pa tayo, kaya lang, I really have to go now. May taping pa kasi. Sorry, I'll make it up to you next time, promise. Okay? Sorry."
I'm getting used to his excuses. Halos masaulo ko na nga 'yong ganyang linya niya. Tsk, bakit ba kasi hindi ko matanggap na busy talaga siya? Bakit siya, okay lang na busy ako? At bakit ba kasi ang tagal bago ako umuwi?
"It's okay. Just text or call me na lang. Take care, babes." paalam ko.
"Babes, I love you. I really do." habol pa niya. Everytime nagsasabi siya niyan, nabubura lahat ng hinala at tampo ko.
"I love you, too. My.. Aga."
"Bye, my Lea. Take care ha?" and with that, he ended the call.
I just shrugged off the doubts. As long as sinasabi ni Aga na mahal niya ako, hindi ako magpapadala sa instincts ko. Kahit madalas, nagkakatotoo.
-----------------------------------------------------------------------
Aga's Pov
I still want to talk to Lea. I want to hear her voice more. Kaya lang, kanina pa nag-tetext sa akin si Charlene.
I lied to her again. Sabi ko may taping. Pero wala talaga. Nagpapasama kasing mag-mall si Charlene. Ulit. Ilang beses na 'to. Meaning, ilang beses na rin akong nag-sisinungaling kay Lea. And my conscience and guilt is slowly killing me.
Pero why am I feeling so guilty? Wala namang masama kung sasamahan ko siya, diba?
-----------------------------------------------------------------------
Lea's Pov
"Why don't you ask him?" suggest ni Dawn. Kausap ko sila nina Vina and Vice sa skype. I can't take it anymore. Sinabi ko na sa kanila kung anong problema. Kung anong nararamdaman ko.
"Natatakot ako sa sa sagot niya, Dawn." sagot ko sabay yakap ko sa teddy bear na binigay niya.
"Paano mo malalaman kung hindi mo siya tatanungin? Ano 'yan, mababaliw ka na kakaisip kung ano ba talagang nangyayari?" sabat ni Vice sabay kain ng popcorn. Mukha ba akong movie para gawin niya 'yan?
"You don't know how that feels, Vice. Ang babae, kapag nakaramdam, kahit hindi pa alam ang totoo, nasasaktan na." sagot sa kanya ni Vina.