Lea's Pov.
Maaga akong nagising ngayon. Ngayon din kasi 'yong first day ng taping namin. Ewan ko, pero parang ang ganda ng gising ko ngayon. Parang ang saya ng environment ko. Nagmumuni-muni pa ako nong biglang nag-ring 'yong phone ko, someone's calling.
Incoming call: Aga
"Hello?"
"Hi, Lei. Good morning. Naistorbo ba kita? Sorry."
"No, kagigising ko lang pero, ok naman. Napatawag ka?" inipit ko 'yong phone ko sa balikat at tenga ko para mailigpit ko na 'yong higaan.
"Wala naman, I just want someone to talk to." sagot niya.
"Nang ganito kaaga? Haha." Bakit nga ba? At bakit ako?
"Yeah, hindi ko rin alam eh. And ikaw tinawagan ko kasi masarap kang kausap. Ang dami na nga nating napag-usapan kagabi eh." kwento niya.
"Oo nga eh. Napansin mo rin pala. Inabot nga tayo nang super late dahil sa kwentuhan."
"Yeah. Haha. So, how's your sleep?"
" Ayos naman. Sarap nga ng tulog ko, dahil siguro sa pagod. Ikaw?" pumunta ako sa closet ko para maglabas ng susuotin.
"Sobrang ok. Nakasama kasi kita." Nararamdaman kong nakangiti siya ngayon, nararamdaman ko ring ngumingiti ako. What's happening?
" Adik ka talaga. Nagreready ka na ba? First day ng taping ngayon ah?" pag-iiba ko ng usapan.
"Ah, yeah. Tinawagan lang kita." Aga talaga oh.
"I'll just see you later. I'll just take a bath. Sorry. Mag-ready ka na rin." pagpapaalam ko.
"Oh, ok. See you. Diba nga susunduin kita? I'll text you kapag papunta na ako. Kumain ka ha. Kailangan sa trabaho 'yan." He really is a thoughtful guy.
"Yeah, you too. See you in a bit." kahit 'di niya nakikita, ngumiti ako.
"Ok, bye, Lei. Take care."
"Nasa bahay lang ako, 'no."
"Kahit na. Mamaya pa kasi pupunta 'yong knight in shining armor mo, mag-ingat ka." papatunayan niya ba talaga o sadyang jino-joke niya lang ako?
"Kumain ka na lang, gutom lang 'yan, Aga. Bye."
"Ok, bye."
I turned off my phone with a smile. Ganon siya kakulit kausap sa phone, what more sa personal?
I was just wondering... Totoo kaya 'yong sinabi niya kagabi? Gusto niya kaya talaga ako? Ugh, magtrabaho ka na lang, Lea. Mind your work.
-----------------------------------------------------------------------
Naulit lang 'yong routine ko. Nagbihis na ako. Simple lang. Gusto ko kasi talaga simple, minsan lang dapat elegante. After non, nag-ayos na ako ng mga dadalhin kong gamit at nag-make up. Bumaba na ako sa dining area para kumain.
"Good morning, manang." bati ko kay Manang Rosa nong nakita ko siyang nag-aayos ng table.
"Hindi ka pa man nag-aalmusal, napaka-bibo mo na. Anong meron? Good morning." bati naman niya. Ganon ba ako ka-hyper?
"Wala naman po. Dapat naman po talaga, masaya lagi diba. Live your life to the fullest because you only live once." sagot ko naman sabay upo sa mesa. (author: sa mesa???) Siyempre, sa upuan.
"Kumain na po kayo, manang?" tanong ko ulit.
"Mamaya na lang. At tatapusin pa namin mga gawain namin. Maiwan muna kita diyan ha. Magpakabusog ka at may trabaho ka." sabi ni manang bago umalis.