Lea's Pov
"Lea." tawag sa akin ni Gabby habang hawak niya 'yong braso ko.
God. Akala ko si Aga.
I let out a deep sigh and smiled.
"Saan ka pupunta? Dito ka muna, marami kang namiss sa amin, di ba?" sabi ni Vice. Umupo na lang ako.
Napalingon ako sa kanya, nakatingin lang siya sa akin. Nag-iwas na lang din ako ng tingin.
5 years, 5 years na, marami na talagang nagbago.
"So, kumusta naman trabaho mo sa New York?" tanong ni Anne.
I was about to answer her question nong biglang nag-ring 'yong phone ko.
Incoming call: Simon
Oh, shoot, oo nga pala, nakalimutan kong tawagan siya. Hindi na ako umalis sa upuan ko, sinagot ko na lang 'yong tawag.
**
Aga's Pov
Her brown long hair which falls perfectly. Her cute little dimples. Her light brown eyes. And her smile.
My Lea.
Pwede ko naman siyang angkinin kahit ako lang ang nakakaalam, di ba? Wala nagbago sa kanya. She's still the Lea I love. She's still my babes. Lalo nga lang siyang gumanda.
Habang kumakanta siya kanina, sa kanya lang ako nakatingin. Sa kanya lang ako nakikinig. Ang sarap pa ring pakinggan ng boses niya. Namiss ko siyang pakinggang kumanta. 5 years ko nang hindi naririnig 'yong boses niya.
Nong lumapit siya, lalong bumilis 'yong tibok ng puso ko. My heart that beats only for Lea. She still owns my heart. Sa kanya pa rin. Sa kanya lang.
Napailing na lang ako, what am I thinking? Nababaliw na yata ako. Masyado na akong nag-iilusyon.
Hindi ko mapigilang hindi tumitig sa kanya. Hindi ko mapigilang titigan 'yong mukha niya. Gusto ko pa nga siyang yakapin. Namiss ko talaga siya. Sobra sobra. Pero wala akong karapatang lumapit sa kanya. Lalo na nong may tumawag sa kanya at sinagot niya,
"Babe?" parang nabasag 'yong puso ko nong sinagot niya 'yong tawag. May boyfriend na ba siya? Kitang kita kong nakangiti siya habang nakikipag-usap. Lumayo siya nang konti at tumalikod. Pero rinig ko pa rin 'yong sinasabi niya.
"Okay, give the phone to Sophia."
"Hi, baby. I miss you more."
"Always behave, okay? Eat on time. Brush your teeth. I love you."
"Okay, give the phone to your dad."
"Yeah, sorry."
"Okay, I'll message you again later. Take care, babe."
"Hah. Okay. I love you, too. Bye."
Nakita kong nagkatinginan sina Dawn. Nagtatanungan kung sinong kausap ni Lea.
"Wala naman siyang nabanggit kanina eh. Pero may baby? May bata? Anak niya? Itanong niyo kasi." sabi ni Vice.
"Ayoko." sagot nila.
Sinong kausap niya? Am I too late? Jerk, matagal na akong walang pag-asa. Ako lang 'tong tangang naghihintay.
"Sorry," nagulat lahat kami nong bumalik si Lea. Nanahimik lahat. "Anong pinaguusapan niyo?"
"Wala, wala naman." sagot agad ni Vina.
Tumango lang siya at ngumiti.
Nagkwentuhan na lang din kami hanggang sa inabot kami ng madaling araw.