Aga's Pov.
"Aga? Hindi ka bubuhayin ng alak." bawal sa akin ni Richard.
Yeah, I called them. Kailangan ko ng makakausap. Kailangan ko ng masasandalan. Kahit naging gago ako, kailangan ko. Kahit galit lahat sa akin, pati sarili ko.
"Shit," I cussed holding tight the bottle of beer, "Shit, wala na ba talaga sa akin si Lea?" tanong ko sa kanila.
Martin laughed bitterly and drank his beer, "Did you ever ask yourself that question before you chose Charlene over her? Bago pa man mawala sa'yo si Lea, ikaw na ang unang nawala. But she stayed."
"She stayed. But you still chose to break her heart." singit ni Vhong.
"I didn't mean to break her heart." sagot ko at umiling. Hindi naman talaga. Hindi ko naisip na masasaktan ko ng ganito si Lea. Hindi ko maisip na nawala na siya sa akin.
"You didn't mean to break her heart? Seriously, Aga? Nong mga panahong sumasama ka kay Charlene. At lalo na nong panahong sinabi mong mahal mo siya, doon pa lang, sinaktan mo na si Lea." answered Richard.
I just looked away. I felt my tears slowly falling. Shit, ang kapal ng mukha kong umiyak. Bakit ganon.
"Hinayaan mo siya. Naging pabaya ka. Kasi alam mong mahal ka niya. Don't deny it. Nagpakasaya ka sa iba kasi alam mong hahabulin ka niya. Kasi nga mahal ka niya." said Gabby.
"Hindi ko alam na nagusap sila ni Charlene. Hindi ko alam na nagmakaawa pala siya kay Charlene. Hindi ko alam na may deal sila. And the deal is, they'll let me choose. At hindi ko alam na planado rin 'yong pagpili ko non. Hindi ko alam." sagot ko sa kanila. Bumibigat 'yong pakiramdam ko.
Lahat sila sinisisi ako. Lahat sila galit sa akin. Wala ni isa sa kanila ang naiintindihan ako. At tanggap ko 'yon kasi naging gago ako. Pero sana, sana, maintindihan nilang nasasaktan ako. Nasasaktan din ako.
"Kahit alam mo, Aga, kahit alam mo lahat, kung talagang si Lea ang mahal mo. Kung talagang si Lea ang gusto mo, siya dapat 'yong pinili mo. She's your girlfriend, Aga. Anong nangyari?"
"Anong nangyari sa kasweetan mo sa kanya? Anong nangyari sa pinaplano mong magpapakasal kayo? Anong nangyari sa pangako mong hindi mo siya sasaktan? Sabi mo sa amin, siya na 'yong huling babae sa buhay mo. Anong nangyari don, Aga? You even talked to her parents when you went to New York. What has gotten into you?" tanong sa akin ni Richard.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko.
"Mahal ko siya... Mahal ko siya. Alam ko sa sarili ko 'yon. Kaso dumating si Charlene sa buhay ko. She was there when Lea was busy with her work. She was there when I needed someone to lean on. She was with me through my darkest days. Nasa tabi ko siya nong gusto kong yakapin si Lea. Alam kong kahit gaano ko pa ipaliwanag sa inyo, hindi niyo maiintindihan. Dahil sa mga mata ng tao sa paligid ko, ako ang mali. Oo, mali ako. Mali ako kasi naramdaman ko 'to. Mali ako kasi... Kasi sinunod ko 'to." sabi ko sabay turo sa dibdib ko.
"Selfish ako. Gusto ko silang dalawa. Ayaw kong mawala si Lea. Ayaw kong umalis si Charlene. Gusto ko sa akin lang ang atensiyon ni Lea. Gusto ko ako lang 'yong pinapansin ni Charlene. Selfish ako. At gago ako."
"Lea was my dream. She's my dream come true. But Charlene was my sweetest nightmare. Hindi ako dapat nahulog kay Charlene. Hindi ko siya dapat minahal. Pero nahulog ako. Kahit alam kong bawal. Naging masaya ako sa kanya kahit malungkot si Lea."
"Kung ginusto ko mang piliin si Charlene, ayaw kong mawala si Lea. Pinili ko si Charlene. Pero." I said and drank.
"Pero tang***! Ang sakit sakit mawalan ng Lea sa buhay ko. Alam kong hindi ako dapat masaktan kasi ginusto ko naman 'to. Pero masakit talaga. P***I**, ang sakit talaga."