MALAMIG na hangin ang sumalubong sakin kasabay ng paghampas ng hangin ang paghawi ng mahaba kong buhok na dumadampi sa aking pisngi.Nilagay ko ito sa aking tainga at nagbitaw ng malalim na hinga.Sumulyap ako sa maliit na tinig ng boses ang nahimigan ko sa likod. Kumaway sila sa akin at tumango naman ako sa pagbati.Tumingin ako sa itaas at tumambad ang school na dapat kong pasukan.
Pwede na.
Mahina kong usal tsaka naisipang pumadyak na para makapasok.Pinakita ko ang i.d ko sa guwardyang nagbabantay at tsaka tuluyang pinapasok.Wala ng mga estudyanteng nasa quadrangle at paligoy ligoy sa hallway marahil nagumpisa na ang klase.
Sinikipan ko ang paghawak sa bag ko at tumakbo nalang para hanapin ang room. Bagong lipat kami rito sa sityo na ito dahil nawalan kami ng negosyo sa dati naming tinitirhan kaya sinabi ni papa na dito nalang daw kami tumira para bawas gastos sa pamasahe at bilihin para sa pang pa aral din sakin.
Wala naman akong magagawa kahit masakit sakin iwan yung mga dati kong kaklase at naging kaibigan ko pero pumayag nalang ako bago kami mag-away ulit ni papa.
Hindi naman ako bago sa lugar dito dahil sa 'twing bakasyon ay dito kami namamalagi kaya ayos narin siguro dito. Yun nga lang halos mangala hati na ang semester ko sa dati kong school tapos lilipat pa ako ng school ngayon.
Umiling ako at sa wakas nasa harap na ako ng room. Nasa kalagitnaan na siguro sila pero papasok pa lang ako.Nagdalawang isip pa akong pumasok dahil nagtuturo pa yung teacher namin sa board. Napahinto ako sa tapat ng pinto at napatingin narin sa akin yung mga kaklase ko.
Napayuko at at nahiya ako dahil alam kong hindi nila ako kilala. Parang gusto ko nalang tuloy umuwi sa lagay na to. Dagdag kahihiyan, tanggal pa angas ko. Napakagat ako ng labi ng may babaeng nagturo sakin mula sa pinto kaya nabaling ang tingin ng lahat sakin kasama na si maam.
"Im expecting you are the new trasferee?" Tanong nya sa akin at lumapit sa pwesto ko. Tumango ako at ngumiti ng pilit. Hinawakan nya ang likod ko at hinila papunta sa gitna.
"Why don't you introduce yourself iha" Rinig kong dagdag nya, tumingin ako sa lahat ng kaklase ko at lahat sila nakatingin din sa akin.
"Er...errr" Mahinang pagkakasabi ko. Gusto kong magsalita pero tila walang lumalabas. I crossed my hands trying prevent not to shake and i can feel my legs are trembling of nervousness.
"Im..Ruyah Penelope hefty... You can call me ruyah, Im 19 years old. The reason why i just got enrolled because my papa decided to leave here and he enrolled me to this school. Nice to meet you all." Tuloy-tuloy kong pagkakasabi at mukhang wala naman silang naging problema o hindi lang ako pinansin...?
"Okay. You can sit next to Mr.Zones.." Tinuro nya ang upuan na may espasyo kaya nagmadali akong umupo at nilapag ang mga gamit na dala ko. Okay naman yung pwesto na to. Nasa gitnang row kami.Sumalyap ako sa tabi ko. Parang masungit, hindi man lang ako napansin.
Gwapo naman nito pwedeng artista.
Actually sa lugar dito maraming magaganda at guwapo. Nakakapagtaka nga na hindi sila nadidiscover sa mga tv. Maalaga siguro sila sa katawan.Kung idedescribe ko sya.. He has the perfect jawline, and masculine din sya. Intimidating and ang aggressive ng aura. His long dark hair made him look better,Pero nakatali ito ngayon. Matangos na ilong at mapupulang labi,light tanned skin at naaninag ko sa araw na tumatama sa kanya yung dark brown eyes. Yung eyebrow parang pina gawa sa ganda. Straight and thick eyebrow.And his eyes are look droopy eyes.
Tumpak na tumpak pang modeling si kuya oh! Pagkakaperahan ko to pag ako naging manager.
Nagngingisi ako dito habang iniisip magiging future ko dito.