Chapter4

20 1 0
                                    

PUMASOK na ko sa room at pinagmasdan yung paligid. Marami naring pumapasok at kanya kanyang nagsisi upo. Hindi ba close mga tao dito?I mean parang hindi na nila iniisip pa makipag kaibigan basta mag aral nalang.

Dahil wala pa naman yung teacher namin ay inikot ikot ko muna yung maliit na buhok ko at at tumulala.
Yung mata ko nag zo-zoom out pero wala naman akong iniisip.

Nag-aalala ako sa nangyari sa panaginip ko pero ayoko ring intindihin. May magagawa ba ko? Parang hirap kasi kontrolin. Bumuntong hininga ako at hinayaang
sinandal yung baba ko sa edge ng upuan.

Nabaling yung tingin ko dahil sa gumalaw na pintuan, at ipinasok si sir Hakim at yung zones. Mukhang may pinag uusapan sila dahil. tango lang ng tango si zones habang si sir may ineexplain.

Nang tumigil na sila sa harapan, pumunta narin si zones sa gawi ko at umupo. Amoy ko na agad yung perfume nya, infairness amoy mamahalin.

Tumikhim si Sir Hakim at lahat kami ay nagpokus na sa kanya. He is a math teacher. Yes, unang subject math agad kaya sasakit agad ulo mo. But he's not quite bad at teaching kaya kahit papaano natututo ako sa kanya.

I think he's gay. And feel ko alam narin naman ng mga tao dito sa paligid ko kaya bubbly sya minsan at parati s'yang nagpapatawa.

Tumingin ako sa gilid ko at ang tahimik parin nya, anu bayan! Hindi ako sanay na tahimik paligid ko eh. Gusto ko laging may nakakausap ako.
Tinitigan ko sya ng matagal, habang nasa sintido ko yung ballpen.

Nagpapasagot kasi si sir sa parang mini module namin, kaya sa tingin ko hindi naman nya ako mapapansin.Maliban nalang dito sa katabi ko.

"Bawal mangopya.." Madiing sabi nya tsaka hinawi yung module nya at tinakpan ng kamay. Napa taas naman kilay ko at napaatras ng kaunti.

"Ay! Hindi naman ako nangongopya noh! Napatingin...oo! napatingin lang ako." Mahinang sabi ko at pinilit tumawa ng peke.

"Then, bakit kanina ka pa nakatingin..?" Dahan-dahan nyang inikot yung ulo nya sakin at nag smirk. Natuliro naman ako baka isipin pa nito na interesado ako sa kanya. Umayos ako ng upo at mas lumapit sa kanya.

"haha. Pero legit pwedeng pakopya nalang"Nag puppy eyes ako at yumuko. Mukhang wala namang effect sa kanya at ini-snob na naman ako kaya napanguso ako at unti-unting humiwalay muli sa kanya.

Kinuha ko yung ballpen ko na nasa tenga at pinakita kong may galit ako dahil dinidiinan ko bawat sulat.

Nagulat ako may nag aabot ng module sakin dahan dahan gamit yung kanang kamay nya kaya hindi ko naiwasang ngumiti ng palihim.

Tumingin ako sa kanya pero iniwas nya naman agad yung tingin nya kaya syempre agad kong kinuha at kinopya yung sagot. Advantage ng may friends may kokopyahan! Napa evil laugh tuloy ako sa utak ko.

Pagtapos ng time ni sir ay umalis narin sya at back to walang imik na naman yung katabi ko. Naalala ko tuloy sa kanya si archon.

Freezy boy tawag ko sa kanya kasi naalala ko sa twing makakatabi ko yun laging nag frefreeze hindi na makausap laging natatameme.Kaya inasar ko sya na freezy boy hahaha.

Nag cecellphone sya at may nakasaksak na headset na tenga habang nakataas yung paa sa lamesa nya kaya nadistract ako. Bumuntong hininga nalang ako at umiwas ng tingin.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala paring pumapasok na teacher sa room namin. Bakit kaya? Pinagkrus ko yung braso ko.

"Psstr!" Tinawag ko sya at inalis nya naman yung headset nya.

"Ilang minutes na kasi wala pa yung sunod na teacher. Alam mo ba kung saan?"Tanong ko. Since close naman sya siguro sa mga teachers dito baka alam nya rin kung bakit wala pa yung next teacher namin.Pero iling lang ang sagot na binigay nya sa akin.

DreamverseWhere stories live. Discover now