Chapter5

15 1 0
                                    

NAITAAS ko ang kamay ko pilit pinipigilan ang puting ilaw na bumalot. Ngunit huli na pala ang lahat pag bukas ko ng aking mata nasa room nga pala ako.

Natumba ako sa aking upuan at iniisip ang mga nangyari. Kabog nang kabog yung puso ko at hindi ko mapigilan na manginig sa takot.

"Ms. Hefty! Bakit ka natutulog sa klase ko?"

"Hey..You okay?"

Mga salitang hindi ko na matukoy kung kanino pa nanggagaling dahil nasa sahig ako at natutuliro. Unti-Unting bumuhos ang luha ko, bakit ganto ang nangyari. Nawala lahat. Nasira ang lahat.

Dali dali na akong lumabas ng room at hindi na inalala ang ayos ng mukha sa mga taong tumitingin man sa akin.
Hinayaan ko nalang ang mga iyak na pumatak sa mata ko.

Ang dami kong kasalanan na nagawa. Kaya siguro nga, eto ang nangayari. Naging pariwara ako.

kinapa ko yung bulsa ko at hinanap yung cellphone. palagay kong papunta na si ovi sa school ngayon.Sa pangatlong ring ay nabuhayan ako ng loob at sumagot na sya.

Ovi: Hello? Ruy..?

Puro hikbi lang ang naisagot ko pag ka rinig ko ng boses nya. Hindi ko rin maintindihan, pero alam ko sa sarili ko na importante sakin ang mga naganap.At ayokong mawala lang yun ng ganon ganon lang.

Napaisip ako, Ibig sabihin ba nito, hindi na ako makaka panaginip ulit..? Masakit. Dahil ito lang yung daan para maka gawa ako ng malapantasyang mundo pero kukunin lang rin pala ito sa akin.

Ruyah: Ovi...San ka?

Ovi:Papunta palang sa school bakit?May problema ba?

Ruyah: Ahh...mhm.. wala naman haha,... sige intayin nalang kita dito

Oviya: Alam kong may problema tsk.tsk... sabihin mo sa akin ha!

Napatawa ako sa pag ka prangkang salita nya.

Ruyah: hahaha. Sige!

Oviya:Bye love you!

Ruyah: mmm... bye!

Natigil ako sa paglalakad nung may makita akong upuan. Mukhang eto yung garden ng school namin, Bawal pumasok dito hangga't walang pahintulot pero sa ganitong sitwasyon wala na kong ibang inisip kung hindi ma pag isa.

May narinig akong yapak sa bandang likuran ko pero Hindi ko muna pinansin. I rubbed my arms and crossed.

"You should go back" A deep voice made me close my eyes and feel the warmth of the air. Ramdam kong nasa gilid ko na sya pero hindi ko parin binubuksan yung mata ko.

Matapos ang ilang minuto nasa tabi ko parin sya pero hindi na sya umimik kaya nakaramdam ako ng pagkairita kaya binuksan ko na mata ko.

"Okay lang. Balik ka na dun. Kailangan kong mapag-isa" Mahinahong pagsabi ko at naupo sa malaking bato.

"Diba ikaw nga yung gustong makipag close sakin.Ngayong ako na lumalapit sayo,ikaw naman umaayaw" Nasamid ako sa sa deretsong sinabi nya. Hinawakan ko yung dib dib ko at tinaas ang kilay.

Pero tinaas nya rin kilay nya at ngumisi.

Woah. Palaban naman pala. Pero agree naman ako sa sinabi nya yun nga lang ang yabang nang pagkakasabi nya parang sya nalang natitira sa mundo at kailangan ko yung tulong nya para masagip ako.

Napahawak ako sa noo at natawa. Kahit kailan kung saan saan inaabot yung utak ko.

"Hindi naman ako umaayaw. Ang O.A mo! pssh.." Gatong ko sa sinabi nya at napanguso. Natawa naman sya kaya napanguso ulit ako.

DreamverseWhere stories live. Discover now