Chapter7

16 0 0
                                    


UMARAY si carrix at napahawak  ulo tumawa naman yung katabi nyang si nick. Hinila ako ni ovi at humiwalay na kami sa kanilang dalawa.

"GAGA KA! Anong ginawa mo?" Sigaw ni ovi at kinurot ako ng mahina sa tagiliran.

"Wala." walang emosyon kong sagot.

"Binatukan mo si Carrix!" Mahina nyang sigaw habang hatak hatak ako.
Alam naman pala nya yung ginawa ko, nagtanong pa sya? Siraulo din to si ovi eh.Tinanggal ko yung kamay nyang nakahawak sa kin at tumingin sa kanya

"Tinarantado ako nun kagabi sabi ko na nga ba, kaya ayun." Mukhang hindi nya padin nagets yung gusto kong sabihin pero kailangan ko ng pumasok.

"Mamaya nalang!Baka ma late pa ko." Iniwan ko sya sa corridor na naka kunot parin ang noo. Tinawag nya ulit ako kaya kinaway ko yung kamay ko habang nakatalikod.

Makikita ko parin pala si carrix sa room. Sa totoo lang naguilty ako ng slight. Syempre slight lang. Nagdalawang isip pa nga ako na batukan sya baka abangan ako sa gate at bugbog pa abot ko.

Alangan naman mag sorry ako agad sa kanya. Inaamin ko naman na nakakahiya yung ginawa ko. Pero tsaka na ko mag so sorry.

Nasa tapat na ako ng room at naramdaman kong iba yung sorroundings. Wag nyang sabihin na nagtawag sya ng kakampi. Chariz, pakiramdam ko naman hindi nya magagawa yun.

Nakita ko syang nakatungo sa upuan nya at nakapikit. Ginawa nya pang salon yung school hanep. Napalunok ako habang dahan-dahan humakbang papasok.

Kinakain ko na pala salita ko, baka may psycho side pala ang lolo mo at magka totoo nga pinagsasabi ko.

Natatakot na ko! Natatakot na ako!

Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga bago maisipang tumabi sa kanya. Feel ko natanggal yung tinik sa lalamunan ko kasi ang tahimik nya pero nakakaba parin presence nya.

Kaya siguro hindi sya nilalapitan ng mga ibang kaklase namin. Or sadyang O.A lang ako magisip.

Kumuha ako ng folder sa bag at pinangtakip sa mukha ko. Kahit na magkatabi kami ayokong nakikita nya ako baka tadyakan nya ako bigla para makaganti eh.

"Why did you do that?"

Tanong ng lalaking katabi ko. Sumilip ako mula sa folder at nakatungo padin sya habang nakapikit. Naka open na yung bunganga ko para sagutin sya pero saktong nagsalita yung teacher namin kaya napalunok ako at umiwas.

"Good Morning Class"

Sumilip ako muli sa kanya. Naka ayos na sya ng upo at dilat ang mata. Mukang serious mode on na naman sya at hindi pinapansin ang mga tingin ko. Kinakain na ako ng guilt neto, bakit ko nga ba sya babatukan eh gusto ko ngang makipag close sa kanya.

Minsan hindi ko talaga napipigilan emosyon ko.

Sa buong klase namin, Nakatingin lang ako sa kanya. Siguro naisip nyang ang creepy ko sa part na yun o mainsterpret nya. Kabisado ko na nga galaw ng mukha nya kaka observe.

Mabuti nalang hindi ako napansin ng teacher namin. Kundi babagsak na naman ako nito kaka transfer ko nga lang. Dati talaga bagsak ako kaka gala. Hindi ko naman pinagsisihan mga pinag gagawa ko nun, akala ko kasi na maintain ko yung grades ko at pinagsasabay ko yung barkada kaysa pag aaral.

Pero mali ako kaya ayun binungangan ako ni mama. Wala naman akong maisagot at maikatwiran dahil tama naman sya.

Isang beses ka na nga lang mabubuhay bakit hindi ka pa magsaya diba. Grades doesn't matter ikaw naman hahawak ng future mo kasi desisyon mo yan.

Hindi na muling umimik yung katabi ko sa last word nya kanina. Baka mas lalo pa syang magalit pag nagsalita pa ako kaya hindi na ako nangulit.

Ginanahan ako bigla nang marinig ko yung tunog ng bell.

DreamverseWhere stories live. Discover now