Chapter8

15 1 0
                                    

ILANG weeks palang ang nakakalipas simula nung mag aral ako dito pero sandamak mak na yung pinapagawa samin. Hindi ko alam kung tama bang dito ako nag aral o ano eh.

Kung busy ako mas busy naman sila ovi, senior highschool palang ako at nasa first year college na sya. Kaya hindi na kami halos magkitaan dahil kako umiiyak na nga rin daw sya sa maraming pinapagawa.

Iyak tawa nga lang ang naisagot ko nung minsang pumunta sya sa bahay.
At sa ilang weeks na yun napagtanto kong wala na talaga, hindi na ako makaka panaginip. Sabi ko pa nga okay na siguro yung busy ako at nagpupuyat sa school works kay'sa intindihin pa yun.

Nga pala. Nagbati na rin kami ni Carrix. Sa tingin ko lang naman, kasi tumahimik na talaga sya nakaraan at mas lalong hindi na ako kinausap kaya hindi ko na matiis at dumaldal ako nang dumaldal sa harap nya hanggang sa mabuysit sya.

"Tingnan mo nga 'to si maam, nag papa surprise quiz lagi hindi pa nga nalelesson pano kung isurprise ko din sya with matching cake magkaturo ka muna maam pls. Hahahaha..." Malapit ako sa tenga nyang bumulong ako. Lumaki mata nya at pinansin na din ako.

"Shush.."

Napanguso ako sa sagot nya, tinuloy nyang muli yung pagsagot kaya wala na rin akong nagawa kundi magpatuloy sa pagsagot.

Pero syempre hindi ko sya tinigilan. After ng class na yun kinausap ko ulit sya at humingi na ng sorry. Kung hindi pa ko mag sosorry baka tuluyan ng mawala yung friendship namin!

"Uyy...! haha," kinalabit ko sya pero hindi pa rin ako pinansin.

Kinalabit kong muli.

Pangalawa

Pangatlo

Pang-apat

Yes!Tumingin na din. Masama nga lang yung tingin.

"What?"Matunog nyang tanong.

"Sorry...yung sa last time na nagawa ko.."

Nakita kong palihim na ngumiti sya at umiling. Pinag kiskis ko ang dalawa kong kamay at pumikit sa kanya.

I heard his chuckle and little laugh. Napatigil ako at napatingin sa kanya nang hawakan nya yung kamay ko.

"Wala lang yun.." Mahinang boses nyang pagkakasabi at lumalim ang titig nya sakin. Sumilay ang ngiti ko sa labi at nag 'okay' sign.

Puro lang syang tawa at iling. Sumimangot yung mukha ko at napansin naman nya kaya tinikom nalang ang bibig.

Napatanong din ako sa sarili ko kung bakit hindi nya na lang ako pansinin nung nakaraan, pinatagal nya lang.Pero ayos na din kasi masaya na akong nag ka ayos narin kami.

Tumayo si Carrix sa upuan nya kaya tumaas ang kilay ko. May dala syang dalawang libro at laging may ballpen na nakasabit sa uniform.Saan naman kaya pupunta ang isang 'to.

"Psst!San ka?" Tinawag ko sya at agad din namang tumingin.

"Pupunta akong library sama ka?" Tinaas nya yung dalawang kilay nya. Bago ko naisipang sumagot ay tumingin muna ko sa mga kaklase ko at nakitang halos lahat ay nag cecellphone yung iba naman tulog.

Paniguradong naburyo sya kaya gustong umalis. Tumango ako ng mabilis at sumunod sa kanya.

Dahil sa pagmamadali ay natapakan ko yung isang sapatos ng kaklase ko. Dumaing sya kaya nag peace sign ako bago mabilis na lumabas.

Galit na sinigaw nya ang last name ko kaya natawa ako at bumaling kay carrix.

May sasabihin pa sana sya, palagay ko ay magtatanong kung bakit ako tinawag pero hinigit ko na si carrix at tumakbo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DreamverseWhere stories live. Discover now