Mga anak nakuha ko na din sa wakas yung Account ko
"Paalam na." Nandito kami ngayon sa kanyang bahay. May kalayuan pero ayos lang, kumaway na lang ako at nag paalam. Ngayon makakahinga na ako ng maluwag sapagkat ayos na ang kalagayan niya.
May onting hangover dahil sa kalasingan, sinabi ko na din ang kailangan niyang gawin para gumaan-gaan ang kanyang pakiramdam.
Sa aking pag uwi ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti.
Dahil sa wakas ay naka usap ko din siya at nakasama, halos hindi din ako makapaniwala sa sarili ko ngayon, feeling ko ang taas ko na!
Naalala ko na kailangan kong pumasok mamaya kaya nag madali na akong umuwi. Nagluto muna ako at naglinis ng bahay, bago inayos ang mga gamit at susootin saka pumasok sa banyo.
Sa paliligo ay may pumapasok sa isipan kong mga katanungan.
Mananatili na lang ba akong laging naka tingin at subaybay sa kanya?
Ano kaya mangyayari kapag umamin ako?
Halos murahin ko sarili ko sa aking naiisip, hindi ko kayang umamin. Sa nag daang taon ay natago ko ang nararamdaman ko para kay Aliana, kaya ko yun gawin nang ilan pang taon.
Bigla ko na lang naisip ang isang bagay na kinakalungkot ko.
Paano kung daan na sa puntong ikakasal na si Aliana sa ibang lalake?
Isang mapait na ngiti ang kumawala sa aking labi, bago pa ako mag isip ng kung ano-ano ay tinapos ko na ang aking paliligo.
Kumain muna ako bago nag toothbrush saka sinuot ang aking uniporme, hinawi ko na din ang buhok ko saka nag suot ng salamin dahil may onting diperensya ang aking mata.
Ayoko namang lumala, tutok din kasi sa paper works at computer ang trabaho.
Nag pack na din ako ng baon ko saka nilagay yun sa supot bago kinuha ang aking bag saka ni lock ang pinto, nag vibrate pa phone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa, bungad naman sakin ang pangalan ni Eugene.
From: ELECTRICTADO+
'pri bday nk q ngaun pnta k d2, yummy hnda gwa msis'Natawa ako sa pangalam niya sa contacts, dipindot palang cellphone ko, wala pa kasing budget para bumili ng touch screen na phone.
To: ELECTRICTADO+
'Cge, otw aq mamya, may work p me.'Nagsimula na akong mag lakad patungo sa trabaho, sakto namang dumaan si Jack na isa sa dati kong schoolmate at classmate noon. Namamasada ito ng Tricycle at may dalawang anak na.
"Jack!" Tawag ko, tumigil ito sa aking harapan bago tumingin sa akin taas-baba, "Pogi natin ah, may pera ka d'yan?" Tinignan ko ito ng masama.
"Joke lang! Tara na sakay!" Sumakay naman ako sa likod, "Musta na buhay par?" Tanong ko dito.
"Ayos naman, kumikita para sa pamilya, malapit na makapag tapos panganay na anak ko pre..." Napatingin ako sa salamin ay kita ko ang saya sa kanyang mata.
Isa si Jack sa hindi nakapag tapos ng pag-aaral dahil maagang nag ka-anak, pero kahit na ganun ay walang bahid ng kasamaan ang kanyang puso, isang responsableng ama si Jack, mahal na mahal nito ang mga anak at asawa.
Sadyang siraulo lang dahil hindi nag babayad ng utang sa'kin.
"Oo nga pala, pupunta ka kila Eugene? Birthday daw ng anak niya," Napatingin ito sa akin pero bumalik din ang tingin sa daa.
"Bumalik na sa Pinas 'yon?!" Gulat nitong tanong, "Oo, hindi n'yo alam?"
"Aba hindi, hindi ko nga alam na may anak na 'yon!" Ngiwi akong napa kamot ng ulo, patay ako kay Eugene nito.
Nakarating kami at dun ko na binayaran si Jack, "Pasabi kay Eugene pre, a-akyatin ko gate nila pag hindi ako pinapasok." Sabay harurot na alis ni K*mag.
Tumungo na ako sa loob, pag ka-upo ko ay tambay na naman ako ng trabaho kaya nagsimula na ako para ma onti-onti ang gawain, habang gumagawa ay pumitik ang tenga ko sa usapan ng mga kaibigan ni Aliana sa office.
"Absent si Aliana?"
"Baka, wala pa dito eh, hindi din nag re-reply sa text ko."
Naalala kong hindi siya makakapasok dahil sa nangyari kaya naman sumingit ako sa usapan, "Ah...Excuse me, hindi makakapasok si Aliana ngayon dahil masama ang pakiramdam."
Nagkatinginan yung dalawa babae sa isa't-isa bago sa'kin, "Nagsasalita ka pala?" Gulat na tanong nung Venice.
"H-ha?" Hindi makapaniwala kong tanong pabalik.
"ay sorry, akala kasi namin may diperensya ka sa pagsasalita, paano mo pala nalaman na masama pakiramdam niya?" Buti na lamang ay dumating si Renne.
"Ohh Chris," Nag pasalamat ako dito nang ibigay niya sa akin ang isang kape, "Oo nga pala Renne, sama ka sa'kin mamaya." Pag-aaya ko.
"Saan naman?" Takang tanong niya, marahil hindi sanay dahil hindi naman gaano pala imbita sa mga lakad ko. "May gaganapin kasi na birthdayan yung anak ng kaibigan ko, baka sana gusto mo sumama."
Nag isip pa ito bago sumagot, "Sige, send mo na lang yung address kasi may gagawin pa ako mamaya, bibili na din ako ng regalo para hindi nakakahiya." Tumango ako at bumalik sa trabaho.
Ilang oras ang lumipas natapos na amg shift ko kaya naman nag out na ako, nag paalam na din ako kay Renee sabay pinaalala ang usapan.
Pag kalabas ko palang ay tumunog na naman phone ko kaya sinagot ko 'yon, "Hello?" Bungad ko sa tawag.
"Chris, sorry kung na abala kita ha. Pwede ka bang bumili ng gamot para sa sakit ng ulo? Kanina pa kasi, pag dating mo saka kita bayaran," Halos pigilan ko ang hininga ko nang marinig ang boses ni Aliana.
"S-sige, pupunta na ako." At namatay ang tawag. Ngiti akong tumakbo papalabas bago pumara ng tricycle, "Manong sa malapit na butika po!"
Kita ko ang gulat sa mukha ni Manong pero napaltan din nang tawa, "Mukhang nag mamadali ka Hijo ah." Kamot batok akong tumango, "Opo eh, kailangan ko po kasi bumili ng gamot para sa babaeng nagugustuhan ko."
Lumambot ang expresyon ni manong bago inistart ang tricycle, "Mukhang espesyal ang babaeng 'yan ah."
Ngiti muli akong tumango, "Opo, sobrang espesyal po."