Prologue

82 5 0
                                    

Babalik na kami sa cottage namin, hindi parin kami makaget over sa nangyari kay Jayvin natinulak siya ng mga tropa niya sa banana boat.

"Pag ako talaga makabawi sa inyo, iisa-isahin ko kayong lahat. Baby oh, pinagkaisahan nila ako." Sabi niya bigla sa girlfriend kaya tawang-tawa kami.

"Hoy! Tigil-tigilan niyo na sa pagttrip sa baby ko!" Sigaw naman si Chin sa tropa ng bf niya.

"Aba hayaan mo na sila Chin! Nagkatuwaan lang naman sila." Sabi ni Lizzy na gf ni Carl.

"Oo nga Chin, wala namang nagkasamaan ng loob diba boys?" Sabat naman ni Hyacinth na gf ni JV.

"Yes, katuwaan lang naman diba guys?!" Sabat naman ni JV.

"Oo nga Chin. Ayos lang yun!"

"Walang kaso yun kay Jayvin, Chin!"

"Di naman nasaktan si Jayvin eh!"

"Hoy kayo! Nasaktan kaya ako. Baby ipagtanggol moko huhu." Pagdadrama ni Jayvin kay Chin.

Hay naku, ede kayo na may jowa. Tumawa nalang kaming lahat sa inasta ni Jayvin. Nauna akong lumakad na may biglang sumigaw sa di kalayuan.

"Daddy! She's the woman I've been telling you! Siya ang gusto ko maging mommy!" Kaya napatingin ako dun sa nagsalitang bata.

Teka ako ba tinuturo neto? Si Loucas ata yun ah? Teka mommy na naman ba tawag sakin?

"Angel, ikaw ata ang tinuturo ng bata." Sabi ni Gian sa tabi ko. Oo di siya nagkakamali ako nga talaga. Lumapit ang matangkad, maputi at poriner (foreigner) na lalaki sakin.

"Are you Angel?" Tanong niya sakin. Medyo kinakabahan ako sa awra niya.

"B-bakit?" Nauutal kong sagot. Narinig kong nagkaunahan pumunta sila JV, Nathan, Evan, at Jayvin sa pwesto namin.

"From now on you will be the mother of my son." Sabi niya straight into my eye.

WHAT THE F*CK?!

~~

Naging Instant Mommy Ako! (Mommy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon