Chapter 1

45 3 0
                                    

Angel's Pov

"Gel, tama na yan sa kakainom mo." Sabi ni JV at kinukuha ang mga alak sa harapan ng table ko.

Alam kong lasing na ako pero ayos lang gusto ko naman magpakalasing.

"Ano ba! Iinom pa ako eh! Gusto ko pa!" Sabi ko sa best friend ko.

"No Gel, tama na yan." Sabi rin ni Gian. At pinalayo na sakin ang mga alak.

"Ano ba naman yan! Paepal naman kayo eh, naiinggit lang kayo. Samahan niyo nalang kaya ako uminom!" Mga alak. Gusto ko magwalwal.

"Bibi tama na. Maawa ka naman sa sarili mo. Lasing na lasing kana oh." Sabi naman ni Elle sakin.

Andito ang mga kaibigan ko, hindi ko alam kung paano sila nakapunta dito at paano nila nalaman na umiinom ako.

"Teka nga bakit kayo nandito?" Tanong ko kay JV at Elle.

"Tinawagan ko si JV na naririnig kitang sumisigaw at umiiyak. Katok ako ng katok di mo ako pinagbuksan, kaya sinabihan ko si JV na samahan akong puntahan ka." Sabi ni Gian dala ang tubig at binigay sakin.

"Ayoko nyan, alak gusto ko. Bigay mo sakin." Sabi ko at lumayo sa tubig na nilahad sakin.

"Tinawagan ako ni JV na samahan ko sila para tulongan kang pakiusapan. Ano ba nangyayari bibi? Hindi ka naman ganito. Ano ba problema mo?" Sabi ni Elle.

Ano ba nangyari sakin? Bakit ngaba ako umiinom? Ano ba problema ko?

Tumulo ang mga luha ko nung maalala ko kung ano ang problema ko. Wala na.. Wala na kami..

"Break na kami.. wala na kami.. may iba na siya.." sabi ko at nagsimula naman akong humikbi.

Ramdam kong yumakap sakin alam kong si Elle dahil sa amoy nito.

"What the F.. kaya ka nagkaganyan dahil nagbreak kayo?" Sabi ni JV kaya tumingin ako sa kanya at tumango.

"Ano ba ang nangyari Gel?" Sabi ni Elle. Kaya mas lalo akong umiyak.

"Angel, sabihin mo samin. Ano ang nangyari?" Ramdam ko ang panggigil ni JV. Hindi ko siya masisisi. He is my Closest Boy Best Friend. Parang big brother ko narin siya, masyado niya akong pinapahalagan na ayaw niyang makikitang umiiyak ako ng ganito at pagmalaman niya ang totoong rason reresbak talaga yan. Minsan mapagkamalan na kaming magjowa pero ang totoo hindi, meron narin siyang gf, 3 years narin sila.

"Gel, sabihin mo na ang nangyari. Makikinig kami, para hindi kana mahihirapan." Sabi ni Gian. Si Gian isa sa mga naging close kong kaibigan, iisang subdivision rin kami kaya madali niya lang ako mapuntahan kung sakali mang may nangyaring masama sakin. Gaya ngayon, but we didn't consider each other as best friends but we're close friends.

"Kung ayaw mo magsalita, pupuntahan ko siya." Sabi ni JV at tumayo na ito sa sofa.

"JV! Wag magsasalita na ako. Wag mo na siyang puntahan please?" Sabi ko ng hindi ko siya maaninag ng mabuti dahil sa mga luha ko.

"Ano ba nangyari bibi? Andito kami, makikinig sayo. Wag mo nang sarilihin ang problema." Sabi ni Elle. Elle is my Girl Best friend since junior high school. Well nag iisang girl best friend ko siya. Dahil siya nalang ang nagstay sakin na babae. Close ko rin siya almost open ako sa kanya na kulang nalang sabay na kami maligo sa cr.

"Ang nangyari kasi ano, yung pinagdudahan ko. Nakita ko silang nasa iisang kama." At umiyak naman ng malakas.

"What the f*ck Gel! Kelan lang ba? P*ta, pupuntahan ko siya." Sabi ni JV at lumakad palabas ng pinto hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

"Pleasee, wag mo na puntahan. Hayaan mo na sila. Nakipagbreak narin naman ako sa kanya. Hayaan mo na sila." Sabi ko at nagmamakaawa na wag na niya pupuntahan.

Naging Instant Mommy Ako! (Mommy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon