Chapter 2

30 3 0
                                    

Angel's Pov

"Gian! Angel!" Rinig kong sigaw ni JV samin.

"Andyan na pala silang dalawa." Rinig kong sabi ni Jayvin.

Dito kasi kami pumunta sa isang restaurant. Mag la-lunch pa daw muna kami. Awit mga beh, kakatapos ko lang kumain tas kakain na naman kami.

"Buti nasama mo si Angel?" Sabi ni Carl ng makalapit na kami sa kanila. Kasama nila mga gf nila mga behh. Kami lang ata ni Gian ang single dito.

"Nagpapakipot pa nga yan eh." Sabat agad ni Gian kaya hinila ko bigla buhok niya.

"Namimilit ka kasi ehh!" Sabat ko naman agad. Aba dapat defensive tayo ng unti. Unti lang kasi medyo nagpapakipot naman talaga tayo. Gusto ko rin sumama kaya, beach na to, libre narin! Aba!

"Suss, nagpapapilit ka naman kasi eh." Sabi niya at lumayo siya ng unti. Alam niya nang tatamaan na naman siya sakin.

"Sinisiraan mo ba ako, Gian?" Sabi ko at lumapit sa kanya lumalayo narin sakin.

""Bakit? Totoo naman diba? Tatanggi tapos sasama ka naman." Lumayo ito ng husto. Bali nasa opposite side na siya ng table.

"Kasi nga mapilit ka!" Medyo lumakas ang boses ko kaya pinagtitinginan na kami dito. Pake ko ba?

"Plano narin namin na isama ka." Sabi naman ni JV. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo kasi baka mag-suicide ka lalo na walang magbabantay sayo." Sabi naman ni Carl. Masyado ba akong nasaktan?

"Oo nga, Gel. Nabalitaan ko ang nangyari, condolence--" biro ni Jayvin kaya nagsigawan ang mga kasama niya. At meron ring tumawa.

"Huy! Loko ka!"
"Dude!"
"Jayvin!"
"Gag* HAHAHQ"
"HAHAHAHA"

"Pasensya kana, Ate Angel kay Jayvin. Alam naman nating may saltik to pero mahal ko naman." Sabi ni Chin sakin na gf ni Jayvin. Mas bata siya sakin, actually siya ang pinakabata sa mga gf ng mga loko-loko este magtotropa dito.

"Naku ok lang, Chin. Sanay na ako." Sabi ko at tinap ang balikat nito.

"Mahal mo ako baby?" Tanong ni Jayvin kay Chin. Diba? May saltik talaga.

Sa malaking table sila nakapwesto ngayon, ang dami namin mga behh, almost 20 ata kami.

"Umupo na kayo kakain na tayo." Sabi ni Nathan. Isa sa mga tropa, close friend ko siya actually kuya-kuyahan ko rin siya. Well lahat naman sila close ko, pagsasama ako sa kanila parang one of the boys ako ganun.

Umupo ako sa bakanteng upoan, well dalawa lang naman ang bakante na upoan dahil yung isa nakikita ko may nakalagay dun na attache case. At dun ko lang napansin na meron pala isang lalaki na di ko kilala at nakaformal attire ito.

Naramdaman kong meron umupo sa tabi ko kasi dun nalang ang bakante, napatingin ako dun.

"Wag mo na ako tamaan iiwan ka namin dito!" Sabi ni Gian. Takot naman pala eh. Nagrolled eyes nalang ako.

Maya-maya dumating na ang order nila, nakaorder na pala sila agad, buti na nga lang to Gian nainform sila na hindi na nila ako isama sa order for lunch dessert ang inorder sakin, and good thing JV knows what is my favorite desserts. Well chocolate cake lang naman with 2 big scopes of cookies 'n cream flavor ice cream with a chocolate syrup on top.

Diabetes ang ending natin dito beh, masyadong sweet. Mahilig ako sa sweets actually pero kahit anong sweet ko lolokohin parin ako. Wait whattt?! Charrot.

Syempre nagpicture-picture ako sa pagkain, estitek daw ba kunwari para meron tayong mastory sa Ig and Fb. So yung nag-eedit na ako at iuupload na sa Ig napatingin ako bigla sa labas, centro kasi ako sa glass wall ng restaurant kaya kitang-kita ko ang mga tao, sasakyan sa labas.

Naging Instant Mommy Ako! (Mommy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon