Chapter 3

30 3 0
                                    

Angel's Pov

Nakarating na kami sa private parking lot ng airport. Para daw hindi ganun kadali makuha ng kung sino man kukuha ng mga sasakyan.

"Ano? Ok ka na ba?" Tanong ni Gian. Tumango ako, nakapag ayos na ako ng sarili ko, I even retouch my make up kasi kumalat ng konti.

Kaso nga lang, namumula ang mata ko at ilong. Pero hindi naman ganun kahalata dahil natakpan ng bb cream ang namumulang mukha ko dahil sa iyak.

Lumabas na kmi ng kotse at sinalubong si JV na papalapit samin.

"Bakit ang tagal niyo? Napano ba kayo? Late kayo ng 15 mins. Teka umiyak ka ba?" Sunod-sunod na tanong niya. Kilalang kilala niya nga ako.

"Shh baka marinig ka nila." Pagpapatahimik ko sa kanya.

"Angel.." nakita ko ang pag-alala sa mukha niya kaya ngumiti ako ng kunti.

"Hindi ko mapigilan pero ok lang ako. Andyan naman si Gian eh." Sabi ko at tinuro si Gian. Holy Freaking Sh*t!

"Anong nangyari bakit nagkaganito ang maleta ko?!" Sigaw ko at tumakbo sa likoran ng kotse. T@ee nagkakalat ang mga damit ko.

"Biglang bumukas eh! Di mo ata nalock ng maayos sa kakamadali mo!" Sabi niya habang nilalagay ang mga damit ko sa maleta tinutulongan ko narin siya.

"Gel, sayo ba talaga to?" Tanong ni JV napatingin ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko nung napagtanto ko kung ano nahawakan niya.

"Hoyy!" Kinuha ko bigla ang panty ko. Shemaayy! Nakakahiya!

"Hello kitty ba yun?" Sabi ni Gian. Shemaayyy!

"Alis ka nga dyan! Ako na magliligpit! Pumunta na kayo dun!" Sigaw ko at pinagtutulak si Gian.

"What the F, Angel! Nagpapanty ka pa ng Hello Kitty?!" Gulat na sabi ni JV. Bunganga moo! Nakakahiya huhuhu.

"Tumahimik ka nga!" Tumayo ako at sinapak ko balikat niya. Pinagtatawanan na kasi ako ng dalawa. Nakakahiyaaaa!

"Pero ang sexy nun dude. HAHAHAHA"  sabat naman ni Gian.

"T-back dude. HHAHAHAH" Sabi naman agad ni JV.

"Hoy minamanyak niyo ba ako?" Sabi ko at tumayo sa harapan nila na nakapamewang.

"Ano ang narinig ko? Minamanyak ka nila Angel? Totoo ba love?" Sabi ni Hyacinth sa likoran nila JV. Boom! WHAHAHA.

"Hya ohh! Sila JV-- Mmmmm mmm!" Biglang tinakpan ni JV ang bunganga ko. Y*wa! Takot naman pala masumbong ehh!

"Ahh wala love, inaasar lang namin ni Angel. Hehehe" sabi ni JV habang tinatakpan bibig ko.

"Tama si JV, Hyaci. Nakakaaliw kasi asarin si Angel." T@e pinagtulongan ako.

Medyo nagtip toe ako at inabot ang buhok ni JV at hinila ito. Lalayo na sana si Gian kaso mabilis pa ako kay flash nahuli ko rin ang tenga niya.

"Para ito sa pangtitrip niyo sakin at sa panty ko." Panggigil ko sa kanila.

"Aray aray! Tenga koo!"

"Teka teka araayy! Yung buhok ko Gel!"

"Deserve niyo tooo!" At mas lalo hinila pababa ang buhok at tenga nila.

"Teka panty? Bakit panty?" Sabi ni Hyacinth kaya binitawan ko na ang buhok at tenga nila.

"Oo pinagtitripan nila ang panty ko." Sumbong ko.

"Kasi naman hello kitty eh." Sabi ni JV tapos tumakbo agad sa likoran ni Hyacinth. Aba nagtatago pa!

"Bakit naman hello kitty, Gel? Pambata lang yan ah? Well sabagay ikaw naman ang pinakaliit sa ating lahat." T@ena. Ano pa ba aasahan ko sa magjowa? Lakas makatrip ito.

Naging Instant Mommy Ako! (Mommy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon