Chapter 7

26 2 0
                                    

Angel's Pov

"Angel! Thank God you're here!" Sigaw ni Gian at tumakbo papalapit sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Wag mo nang uulitin yun, Angel. Halos mababaliw ako sa kakahanap sayo." Sabi ni Gian habang yakap-yakap niya ako.

I dunno parang na shock ako sa inasal niya. Bumitaw siya sa pagkayakap sakin ay tinignan ang kabuoan ko.

"Ayus ka lang ba? Walang masakit sayo? Anong nangyari sayo kagabi bakit bigla kang nawala?! Hindi kita mahanap bigla. Ang bilis mo tumakbo! May lahing flash ka ba?" Sunod sunod na tanong niya. Tapos ako ito na wwierdohan sa kanya.

Hindi ko alam kung ano irereact ko dahil sa mga tanong niya. Lahing flash? Eh kung mag-aala flash ang kamay ko papunta sa pisnge niya?

"Hoy! Gian! Umayos ka naestatwa si Angel sa ginagawa mo!" Sigaw ni Diego kaya napatigil naman si Gian sa ginagawa niya at lumayo sakin.

"Ahh. Mabuti at naisipan mo nang umuwi. Sige na pumasok kana sa room mo." Sabi niya at tumalikod na sakin. Confirmed! May sira nga ang utak.

"A-anong??--" di ko napatuloy ang sasabihin ko dahil shock parin ako sa insal ni Gian.

Lumapit sa akin ang karamihan sa kanila. Niyakap naman ako ni Hyacinth at JV. Sumunod rin si Anne at Nathan.

"Pinag-alala mo kami ng sobra." Sabi naman ni JV. Nakokonsensya na naman ako sa pagkawala ko.

"Saan kaba kasi nagpunta?" Sabi namn ni Hyacinth.

"Oo nga, Gel. Sabi ni Gian bigla ka daw nawala sa gubat. Kaya nataranta naman kaming lahat at nagpatawag ng security para tulongan kami sa paghahanap sayo." Sabi naman ni Carl.

"Oo nga, why you disappear bigla? Hindi pa kami nakapag-sleep because of hinahanap you." Conyo ni Lizzy.

"Nung nagsabi agad ang security sa gate na nakita ka na daw at ihahatid kana dito ay nag abang agad kami didto sa lobby." Sabi naman ni Jane.

"Alam mo ba Gel! Si Gian, sobrang sobra nag-alala sayo. Natatakot na baka merong may mangyaring masama sayo. Mahal ka talaga ng--- aray ko naman JV! Ang sakit yun." Bigla kasi siya binatokan ni JV si Jayvin.

"Baby, ang ingay mo inaantok kana talaga. Sige, ate Angel magpahinga kana magpapahinga narin kami. Kayo din guys magpahinga naman kayo." Sabi naman ni Chin kaya napangiti naman ako sa kanya.

Pumunta na kaming lahat sa elevator mabuti nalang dalawa yung elevator kaya naghati kaming mga tropa. Limited lang kasi makasakay sa elevator.

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Jayvin at Chin kanina, hindi ko siya matanong kasi nasa kabilang elevator sila.

Magtatanong sana ako kela JV, Kuya Nathan, Evan and the gfs dahil sila kasama ko dito kaso wag nalang may mga kanya-kanya na silang mundo baka makaistorbo lang ako sa kanila eh.

Maya-maya nakarating narin kami sa aming floor at nagsilabasan na kami. Maingay naman ang corridor ng dahil sa kanila. Nagpaalam naman kami sa isa't isa at magkikita nalang raw kami sa restaurant kung saan may-ari rin ng resort na to, para sa breakfast.

Nakapasok na ako sa kwarto ko, naghanap narin ako ng damit ko dahil hindi naman ako inaantok kaya maliligo nalang ako.

Kaso nung hahanapin ko na yung phone ko, di ko mahanap. Sheshh! Saan napunta yun? Don't tell me naiwan ko dun sa-- Sh*t!!

Jusko naman Angel! Baka naiwan nga dun, bakit di ko maalala? Ganun ba ako kalasing kaya di ko maalala? Huhuhu.

Pero parang di naman ako ganun ka kalasing kasi naalala ko pa naman may kasama akong lala-- shesh! Don't tell me ninakawan ako?! Pero hindi eh mayaman yun, may-ari nga yun ng isla eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naging Instant Mommy Ako! (Mommy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon