Chapter 5

33 5 0
                                    

(A/N: the photo is not mine)

Angel's Pov

Gabi na at andito ako sa room ng hotel. Hindi ko masyado naenjoy nang pagkarating namin dito dahil sa nagflashback sakin ang mga pangyayari sa beach kasama ang ex ko. Hayst.

Alam kong hindi madali makapagmove on, pero alam kong darating ang araw na isang iglap nalang wala na akong maramdaman sa kanya, wala na akong maramdamang sakit tuwing maaalala ko ang memories naming dalawa, wala na akong maramdamang galit at sakit pagmakikita kita.

"Angel? Tapos ka naba?" Sabi ni Gian sa labas habang kumakatok ng pinto.

"Malapit na!" Sigaw ko naman dahil nag-aayos ako ng mukha.

Well naglagay lang naman ako ng very light make-up, powder, clear mascara, liptint, at blush on. Hindi na ako nagkikilay dahil medyo makapal na ang kilay ko. Hindi narin ako gumagamit ng black mascara dahil mahaba at makapal naman lashes ko. Mapagkamalan ngang naglagay ako ng extension dahil sa haba nito.

Kinuha ko na yung phone at key card ko, hindi na ako magdadala ng wallet dahil kakain lang naman kami at isa pa libre naman yun eh.

Binuksan ko ang pintuan at lumabas na. Nakasuot ako ngayon ng white floral maxi dress at beige sandal.

"Iba talaga pag galing sa break noh? Gumaganda, naggoglow." Bungad ni Gian sakin kaya napa rolled eyes ako.

"Baka glow in the dark na naman yan." Sabi ko at nag-umpisa na kaming lumakad.

"Parang ganun na nga. Hahaha--arayy. Nakailang tama kana sakin ngayong araw ah." Kasi naman pinalo ko lang naman ang braso niya. Desurb niya yun.

"Kasi naman lakas mo na mang-asar sakin. Desurb mo yan." Sabi ko at tinarayan siya.

"Ibang klase talaga pagbroken hayst." Sabi niya sabay cross arms at iling. Sira na ata ulo nito.

"Oo nga pala, tagal mo ng single. Wala parin ba may nagpapatibok ng puso mo?" Tanong ko. Makikichika narin ako syempre malayo² pa ata ang pupuntahan namin.

"Magtatandang binata ako. Hahaha" pabiro niya.

"Alam mo, nawala naba ang matinong utak mo at napalitan ng hangin at kabaliwan?" Pabiro ko rin sa kanya. Kaya tumawa ito, napailing naman ako.

"Ang totoo nyan... Meron akong long time crush." Sabi niya habang nakayuko. Ngumiti ako ng mapait.

"Ohh?! Sino?!" Gulat kong tanong at napatigil sa paglalakad kaya tumingin siya sakin.

"Bakit ka tumigil? Hahaha hali kana hinihintay na tayo dun." Sabi niya at hinila na ako. Inakbayan niya rin ako.

"Sino ba kasi yung long time crush mo? Ikaw ah di ka nagsasabi." Kunwaring tampo ko sa kanya kaya tumawa naman ito.

"Secret duhh." Sabi niya with matching ok sign na paarte. Parang bakla!

"Secret mo mukha mo. Sino nga? Atsaka umayos ka nga para kang bakla." Totoo naman kasi eh. Kaya tinignan niya ako ng nakataas ang isang kilay kaya napatawa ako.

"Exchos me. I'm not bakla kaya." Sabi niya sabay pagtataray at nag-flip hair. Parang may buhok ah? Kaya napatawa ako sa ginagawa niya.

"Baka kaya di mo masabi kung sino crush mo dahil lalaki yun? HAHAHAHAHA." Sabi ko sabay tawa. Kasi naman diba? Malay natin bisexual pala siya di lang siya showy.

"Hoi sis, don't make laugh at me. I'm pretty kaya." Sabi niya sabay dinilaan ang daliri niya at pinahid sa kilay niya kaya napalayo ako sa kanya.

"Yucckkk! HAHAHAH nakakadiri ka Gian! Hindi bagay sayoo!" Sigaw ko sa kanya. Lumayo ako baka mahawa ako sa kaabnormalan niya.

Naging Instant Mommy Ako! (Mommy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon