Primrose Dawn's Point of View
NATIGIL ako sa pag susulat nang tawagin ako ng isa kong kaklase, kung hindi ako nagkakamali ay Tessa ang pangalan niya. "Primrose Daw Vallega?" tumango ako, i looked at Tessa and her friends clueless.
"Anong meron?" curious tanong ko, kinikilig na iniabot sa akin ng isa ang isang bouquet na nabubuo ng magandang kulay at proporsyon ng mga bulaklak. Kanino nanggaling ito?
"Kanina sa gate mayroon delivery guy na hinahanap ka pero hindi pinapapasok ni Manong Guard eh, kaya kami na ang nag claim para sayo. . . Ganda mo, girl! Kanino ba galing yan? Sa boyfriend mo ba?" nginitian ko sila atsaka ako nag pasalamat, "Salamat at pasensya na sa abala, kaya lang . . . hindi ko rin alam kung kanino galing ito," alanganing sambit ko.
Nag usap pa kami ng ilamg sandali bago ako bumalik sa upuan ko, "Kanino ba . . ." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may makita akong maliit na card kasama ng bulaklak. Siguro naman may pangalan ng sender doon.
Sobrang unexpected lang nito. Pero kahit papaano masaya ako kasi ngayon lang ako nakatanggap ng ganito.
To Primrose Dawn,
I know you've been so down eversince you went to Manila, here's some flowers for you. Everything will be okay soon :)
-S.L
NANG MAKAUWI ako ay naabutan ko ang kapitbahay ko na nag sasampay, "Hapon na ah? Bakit ngayon ka nag sasampay?" curious na tanong ko sa kaniya, nag kibit balikat siya. "Takot ka sa araw?" tanong ko, "Nope, nakatulog kasi ako. Nakalimutan ko na nakasalang pala 'to sa Washing Machine," sagot niya.
Dumiretso ako sa likod bahay atsaka ko kinuha ang isang maliit na basket na nag lalaman ng ipit atsaka ko ibinaba ang bag ko sa isang upuan, tutal hindi naman ako gaanong pagod tutulungan ko na lang siya mag sampay.
"Anong ginagawa mo? Okay na ako dito, Prim . . . You don't have to—" hindi ko na siya pinatapos, "Ayos lang, para matapos ka kaagad. Tsaka, hindi naman ako masyadong pagod ngayong araw . . ." sagot ko atsaka ko pinag patuloy ang pag sasampay.
"Are you okay?" tanong niya, pilit na ngumiti ako at tumango. "Syempre naman, bakit naman magiging hindi?" sagot ko, "You don't look fine to me, come. . . tell me what really happened," aniya. Bumuntong hininga ako.
"Nag ooverthink lang, hindi kasi ako pinansin ni Ate noong nag kita kami . . . Si Kuya naman hindi masyadong pala salita pakiramdam ko naman ayaw nila kaming makita ni Mama," mahina ang boses na ani ko, "Ashton is really a quiet type of person but i'm sure that he's happy to see you and your Mom,"
Hindi ako nakasagot. "As of Captain Astrid Adriano, give her time. . . Maybe she's trying to process everything that's why hindi ka niya napansin," tumango-tango ako, oo nga. Mabait ang mga kapatid ko, paniguradong ganon lang nga.
"Ang mahal siguro netong brief mo—" hindi na ako natapos nang bigla-bigla niyang hilahin ang brief niya na hawak-hawak ko!
"Bakit mo kinuha?" takang tanong ko, "Geez! Prim, undies ko yon! Ang weird kung mahahawakan mo, 'no!" tinignan ko ang kabuuan niya, "Ewan ko sayo, ikaw ang weird eh . . ." bulong ko atsaka ko pinagpatuloy ang pag sasampay.
Ilang minuto bago nag process sa utak ko ang sinabi niya, "Bakit kilala mo ang mga kapatid ko?" tanong ko, ilang segundo siyang natigilan bago sumagot. Sinampay niya ang puting t-shirt niya bago nag salita.
"Friends kami dati ni Ashton," sagot niya, "Dati?" tanong ko, "Yeah, dati. Nabaril ko nagalit eh, parang nabaril lang," hinampas ko ang braso niya, "Bakit mo binaril ang Kuya ko?!" galit na tanong ko na ikinagulat niya, "Hindi ko sinasadya yun!" sagot niya.
Inis na kinuha ko ang lalagyan ng ipit at umalis sa bakuran niya, narinig ko pa ang pag tawag niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin.
"Sinaktan niya ang kuya ko . . ."
KINAUMAGAHAN maaga akong nagising dahil kailangan kong abangan iyong mag pu-puto, wala kasi si Mama dahil may kailangan siyang lakarin sa City Hall. Inilagay ko ang suklay sa ibabaw ng lamesa atsaka ako lumabas ng bahay.
"Good morning," nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, it's Sebastian. Sinimangutan ko lang siya at hindi pinansin. Nag lakad ako palabas at sakto namang nakita ko ang anak ng kapitbahay ko.
"Mark, dumaan na ba iyong mag pu-puto?" nakangiting tanong ko sa kaniya, "Hindi pa, Ate Prim. . . Inaabangan nga rin po namin eh," aniya, tumango-tango ako. "Sige, kapag dumaan tawagin mo ako ha? Nandito lang ako," ani ko, tumango naman siya.
"Galit ka pa rin ba sakin?" hindi ko pinansin si Sebastian at nag dire-diretso lang ako papasok sa likuran ng bahay, kailangan kong mag walis ng harapan dahil maraming dahon ng mangga ang nalaglag sa sahig.
Habang nag wa-walis ay natigilan ako ng may marinig akong busina ng kotse, nilingon ko kung saan iyon nang galing. Isang itim na Jeep Wrangler.
"Primrose," nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Kuya, agad kong binitawan ang walis at dustpan na hawak ko atsaka ako nag ta-takbo palapit sa kaniya. "Kuya, namiss kita!" ani ko, pigil pigil ko ang mga luha ko na bumagsak.
Niyakap niya ako pabalik. Hinaplos niya rin ang buhok ko dahilan ng pag luha ko. Nandito ang kuya ko. Nandito siya.
"Can we come inside?" bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at tumango, hinila ko siya papasok ng bahay. "Upo ka muna, Kuya. Pasensya na wala pa akong nagagawang almusal," napahulgol ako. "Hey, it's okay . . . Kumain naman na ako, i just went to pay a visit. . . Nadaan kasi ako kaya naisipan ko kayong bisitahin ni Mama," aniya.
Pinunasan ko ang mga luha ko. "You look so much like Astrid," aniya na ikina-ngiti ko, "Sabi nga po ni Mama, kamukhang-kamukha ko daw si Ate . . ." ani ko na tuwang-tuwa.
"How are you, Prim? I heard you're currently studying," aniya, "Ayos lang po ako, maayos naman kami ni Mama dito. Tsaka opo, masaya po ako kasi nag aaral ako ng gusto kong kurso," sagot ko.
"I'm sorry for making you feel bad the last time . . ."
Paano niya nalaman iyon? Si Sebastian lang naman ang sinabihan ko ng tungkol sa naramdaman ko noong araw na iyon.
Hindi kaya . . .
Sebastian . . .
S W E E T D E N
YOU ARE READING
Billionaire Bachelors: Sebastian Laurent [COMPLETED]
RomanceSebastian Laurent was known as one of the richest bachelor's in the country, but when he moved to Sitio Mariposa it feels like he's just a normal man who can't even process his own life. There he met a hard-working 18-years old Primrose Dawn. His da...