Chapter 13

2.6K 65 0
                                    

Sebastian's Point of View



NAKASIMANGOT ako habang gumagayak dahil hindi na naman natuloy ang sinasabi ng mahal ko na mag de-date kami na kaming dalawa lang. Laging may sabit na batang maliit!




Inis na ibinutones ko ang puting polo ko atsaka ako lumabas ng kwarto, pababa pa lang ako ng hagdanan ay rinig ko na ang hagikgikan nilang mag ina. Napanguso na lamang ako lalo.





"Oh, nandito na pala ang Daddy. Ah, bakit ka nakasimangot?" iniirapan ko lang siya atsaka ako na mismo ang nag buhat kay Serene, "Galit ka ba sa akin?" hindi ko siya pinansin, dumiretso lang ako sa kotse at ipinasok ko sa back seat si Serene at sinuutan ng seatbelt.





"Dito ka lang, huwag kang lilipat sa Mommy mo sa harapan. Magagalit ako sige ka," sambit ko. Tinarayan lang ako!





Ang hirap pala pag may anak ka na kaugali mo. Nako! Talagang maagang mamumuti ang buhok ko nito!







Pinag buksan ko ng pinto ng kotse si Prim at agad rin naman siyang sumakay, pagkatapos ay nag punta na rin ako sa driver's seat at nag maneho.






"Ano bang problema, Sebastian?" mahinahong tanong niya, "Ewan ko sayo," inis ma sagot ko, "Nag seselos siya, Mommy. Mas love mo kasi ako kesa sa kaniya tapos nisasama mo ako sa date nyo," sagot ng anak ko.





Narinig kasi ni Serene kanina na aalis kami ng Mommy niya at dahil manang-mana siya sa akin nag fake ng iyak na sobrang lakas kaya naman ang ending kasama namin siya. Knowing Primrose hinding-hindi niya kayang tiisin ang anak namin.





Hinawakan ni Prim ang kamay ko na nakapatong sa isa kong hita, "Sorry, Love—" hindi ko na siya pinatapos, "Lagi namang sorry eh," sagot ko, natigilan siya at napayuko.




I don't want to act like this pero i've had enough. Ilang beses na niya akong inaya ng date, ilang beses na kami nag plano ng date na kami lang dalawa pero ang ending hindi niya maiwan si Serene.





Wala na kaming alone time.





"Bad naman si Daddy ko, gusto ko lang naman sumama kasi baby niyo ako eh . . . Dapat kasama ako," ani ni Serene, "Ibibigay na ulit kita sa Lola mo sa US," pananakot ko sa kaniya dahilan para matahimik din siya.






NANG makarating sa tutuluyan naming Hotel ay akmang mag sasalita ako ng makita ko ang umiiyak na si Primrose, "Love? Why? Why are you crying?" nag aalalang tanong ko, "Mommy? Why are you crying? Is it because of Daddy?" nag aalalang tanong ni Serene.





Tinanggal ni Serene ang seatbelt niya at bumama, binuksan niya ang pinto sa tapat ng Mommy niya at pumasok at kumandong dito. Hinawakan niya ang kamay ng Mommy niya atsaka niyakap, "Don't cry, Mommy. Don't cry," ani niya, hinalikan niya pa ng paulit ulit ang pisngi ng Mommy niya.





Tinanggal ko ang seatbelt ko atsaka ko niyakap ang mahal ko mula sa gilid, "Love, i'm sorry. I'm sorry po, hindi ko na po uulitin po . . ." ang totoo ay kinakabahan ako, medyo matagal tagal na kaming mag karelasyon ni Prim pero ngayon lang siya umiyak.






Medyo tinabig niya ako, "Anak, baba ka muna. Mag pupunas lang si Mommy ng face, okay?" tumango si Serene at bumaba. Nag punas ng mukha si Prim at bumaba. Agad naman akong sumunod sa kanilang mag ina, niyakap ko si Prim na ikinabigla niya.






"Sebastian, nasa labas tayo . . ." aniya, "Ayaw kong pumasok tayo ng galit ka," sagot ko, "Hindi naman ako galit sayo po, ako nga ang may kasalanan eh," sagot niya, "Mag bati na tayo," sabi ko, tumango siya. "Oo na, sige na. Bitaw ka na, pasok na tayo sa loob,"






Nang makapasok kami sa hotel room ay nauna na si Prim na mag shower, si Serene naman ay nanonood ng cartoons sa TV. "Anak, are you tired?" umiling siya, "No, Daddy. I'm okay," sagot niya, "Come here," tawag ko sa kaniya, lumapit naman siya sa akin.






"I'm sorry," bulong ko, "It's okay, Dad. I understand, i knew you were joking when you told me that you're going to being me back to US," sagot niya, "Still, Dad is being stubborn," sagot ko. "Kinda, but your baby understands though, just don't make Mommy cry again then we're good," i nooded and kisses her on her forehead.






"Come here, pick the dress you want. We're having dinner outside," sambit ko, tumango siya.




HABANG nag hahapunan ay hindi ko maiwasang mapansin ang mag ina ko, ang gaganda!





Inilabas ko ang phone ko atsaka ko sila kinuhanan ng litrato, wala sa akin ang atensyon nila kaya naman hindi nila alam na kinukuhanan ko sila. Pagkatapos ay agad ko chineck ang pictures, hindi ko maiwasang mapangiti.





Primrose and Sere are my only treasure.






Mahal na mahal ko silang parehas.






"Love?" nilingon ko si Primrose ng nakangiti, nginitian niya rin ako ng pagka tamis tamis. "Yes, love?" tanong ko, "Nothing, you look handsome tonight . . ." mahina ang boses na ani niya, nag init ang pisngi ko.







Sanay naman akong sinasabihan ng gwapo dahil madalas kong marinig yun pero iba talaga pag si Primrose ang nag sasabi.






Ang lakas talaga ng tama ko sa kaniya.






"T-Thank you . . ." mahina ang boses na ani ko, pasimpleng nag patuloy ako sa pagkain at ilang sandali lang ay pinasadahan ko rin siya ng tingin. Busy siya sa pagpapakain kay Serene na busy naman sa kakadaldal at pag puri sa lugar. Paulit-ulit niyang sinasabi sa Mommy niya ang mga lugar kung saan niya gustong mag picture mamaya.








After kumain, nag lakad lakad kaming tatlo sa lugar. Makaluma ang disenyo niyon, magaganda ang mga ilaw at maraming pamilya, magkakaibigan, magkasintahan ang nag lalakad-lakad. "Love, Serene wants to take a photo there," Prim pointed the bench.






"Let's go, Daddy. Let's have a family picture, please?"





I gave in, i asked someone to take a photo for the three of us. Both of my girls are really happy, then the rest of the night it's either we take family photos or its just me who takes photo of them both.






"THAT was fun!"




Serene lay on the bed, nakapa gitna siya sa amin ng Mommy niya. "You want to go here again?" malambing na tanong ni Prim atsaka hinalikan ang pisngi ng anak namin, niyakap niya rin ito.






"Yes, Mommy. But with my siblings na po, i want to go here when i already have siblings. Maganda po kasi mag take dito ng family pictures eh," I can't help but to look at my own daughter, "You want siblings, anak?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya.






"But i'll wait until you and Mommy got married, don't pressure yourselves po," natawa kaming dalawa ni Prim.





"Goodnight, anak. Goodnight, Sebastian. . . I love you both,"




"Goodnight Mommy, Goodnight Daddy. I love you both,"




"Goodnight my love, Goodnight, anak. Mahal na mahal ko kayong pareho . . ."





S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Sebastian Laurent [COMPLETED]Where stories live. Discover now